Watch Now

Kaso ni Vhong Navarro, nagpaalala kay Lolit Solis sa pagkakakulong ni Bong Revilla at ng MFF 1994 scam

by PEP Troika
Sep 21, 2022
vhong lolit bong
Dahil sa pagkabuhay ng rape case ng comedian-TV host na si Vhong Navarro (left), nagbalik-tanaw si Lolit Solis (gitna) sa pinasimunuan niyang 1994 Manila Film Festival scam at ang pagkakakulong noon ng kanyang alagang si Senator Bong Revilla (kanan).
PHOTO/S: ABS-CBN News / Jerry Olea / Rose Garcia

JERRY OLEA

Nalungkot si Manay Lolit Solis nang mabalitaan na nakulong si Vhong Navarro dahil sa Deniece Cornejo rape case.

Read: Taguig court orders arrest of Vhong Navarro for rape; no bail recommended

“So sad,” pagbuntong-hininga ni Manay Lolit nang makatsikahan ng PEP Troika nitong Setyembre 20, Martes ng hapon, habang nagpapa-dialysis ito sa FEU-NRMF Medical Center, Novaliches, Quezon City.

“Biro mo, kung kailan siya nakaano, di ba? Naayos na niya yung buhay niya… Ano yun?! Talagang pinush through nina Deniece?”

Ano ang masasabi niya sa abogando ni Deniece na si Atty. Ferdie Topacio?

“E, di bongga siya! Di ba?! Parang ang laki-laki niya ngayong tao na nagawa mo yun sa isang Vhong Navarro!” bulalas ng 75-anyos na talent manager.

Si Vhong ay alaga ni Direk Chito Roño, na alaga ni Manay Lolit. May alaga rin siyang nakulong, di ba?!

“Tuwang-tuwa ako dahil nakulong siya! At least, alam ko kung nasaan siya! Si Bong Revilla!” pagbibiro ni Manay Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumadalaw noon si Manay Lolit sa tuwi-tuwina kina Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada noong naka-detain ang mga ito sa Camp Crame. Present din si Manay Lolit kapag may hearing noon si Senator Bong sa Sandiganbayan.

Kuwento pa ni Manay Lolit matapos lumaya si Senator Bong, “Tuwang-tuwa kay Bong noong narinig ko siyang nakikipag-usap kay Martin Nievera sa phone.

“Sinabi niya talaga, ‘Pare, hindi ko makakalimutang dinalaw mo ako sa Crame.’ Nakikipag-usap noon si Jun Lalin kay Martin. Sabi ni Bong, ‘Jun, puwedeng makausap si Martin?’

“Yun ang gusto ko, hindi nakakalimot si Bong sa may nagawang pabor sa kanya, di ba? Sina Mark Bautista, Marco Sison, Martin Nievera, at iba pang dumalaw sa Crame.

“That time kasi, gusto kong ma-feel ni Bong na parang normal pa rin. Kasi nga, nalulungkot na siya dun. Kita sa hitsura niya.

“Kaya nakiusap ako kay Jennylyn Mercado na dumalaw. Kay Katrina Halili. Talagang binantayan ko!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Related Stories:

GORGY RULA

Kung iyong 2014 rape case kay Vhong ay na-revive, puwede rin kayang ma-resurrect iyong kaso kay Manay Lolit sa 1994 Manila Film Fest Scam?

Read: Manila Film Festival 1994: The Scandal that Rocked Showbiz

“Buhkit?! Di ba, natapos ko na yung community service nun?! Saka nag-repent ako dun, huh?!” sambit ni Manay Lolit.

“Mula noon, hindi na ako humawak ng kahit anong festival. Mula noon, ayoko nang um-attend ng awards night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag andun ako, parang iniisip ng mga tao, ‘May nangyayari… may nangyayari, o! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Ang mayor noon ng Manila na si Mayor Alfredo Lim ay na-COVID at pumanaw. Ang vice mayor na si Lito Atienza ay naging kaibigan at ala-alaga pa ni Manay Lolit.

One year dapat ang community service ni Manay Lolit, kung saan every month ay nagre-report siya at pumipirma ng attendance sa parole officer.

“Inaprubahan na agad ng parole officer ko na matapos ang community service ko,” pagbabalik-tanaw ni Manay Lolit.

“Alam mo, ang suwerte lang nila… umamin ako dun. Kasi, wala silang mai-file na case against me. Wala akong hinawakang envelope. Hindi ako nagbasa. Umamin lang ako.

“Pinapagalitan ako noon ng abogado ko. Nag-aaway kami. ‘No! They can’t file against you chuchu-chuchu! Walang ano!’ ‘No, Attorney, ginawa ko yun, aaminin ko na. Kawawa na nga yung mga nadamay, no!’

“Bilib na bilib sa akin si Rene Saguisag, lawyer yata nina Ruffa [Gutierrez]? Sabi niyang ganun, ‘I salute you!’ ‘E, ginawa ko naman talaga, Attorney, no?!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kesa naman nagdudusa ako! Ha! Ha! Ha! Ha! Inamin ko na! Inako ko na! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Na-guilty talaga ako nang husto kay Rocky [Gutierrez]. Noong awards night, gusto nang umuwi ni Rocky, ayaw nang mag-present. Masakit daw ang ulo niya.

“Tapos, ayun na nga. Nangyari na, nagkakagulo na. Nakita namin siya sa simbahan, dasal nang dasal. Naawa ako sa kanya. Nakakalokah talaga!”

NOEL FERRER

Ang unang tanong talaga ng mga tao — may bago bang ebidensiya laban kay Vhong Navarro, o weather-weather lang?

May pagkagulat man ang mga tao sa mga nangyayari, umaasa tayo na sana, true justice will prevail.

Ang hirap lang talagang magbagong buhay sa bansa natin. May iba’t ibang mukha rin kasi ang batas at ang mga kumakatawan dito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa pagkabuhay ng rape case ng comedian-TV host na si Vhong Navarro (left), nagbalik-tanaw si Lolit Solis (gitna) sa pinasimunuan niyang 1994 Manila Film Festival scam at ang pagkakakulong noon ng kanyang alagang si Senator Bong Revilla (kanan).
PHOTO/S: ABS-CBN News / Jerry Olea / Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results