Watch Now

Family Feud ni Dingdong Dantes, hanggang December 2022 na lang kahit mataas ang ratings

by PEP Troika
Sep 22, 2022
family feud
Ang episode ng Family Feud, hosted by Dingdong Dantes (gitna), kung saan naglaro ang mga pamilya nina Ronnie Ricketts (kaliwa) at Isko Moreno (kanan) ay nagtala ng 14 percent rating.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Muling nagtala ng mataas na rating ang game show ng GMA-7 na Family Feud noong nakaraang Martes, September 20, 2022.

Naglaro nung araw na yun ang pamilya ni dating Manila Mayor Isko Moreno o Domagoso Family laban sa pamilya ni Ronnie Ricketts.

Ang saya ng episode na yun na kahit ang host na si Dingdong Dantes ay kitang-kitang nag-enjoy.

Umariba hanggang sa pangatlong round ang pamilya Domagoso. Kaya lang, sa fourth round na triple points, biglang napunta ang mataas na puntos sa Ricketts family.

Obvious na supporters ng dating Manila mayor ang mga nagku-comment na kagulat-gulat daw ang mataas na views sa YouTube. Nakuha nga ng programang ito ang pinakamataas na rating na 14 percent.

Parang mahirap nang higitan ang rating na yun sa ganung timeslot o kahit pantayan man lang. Kaya ang tanong ng karamihan, kaya pa bang i-extend ang naturang game show ni Dingdong Dantes?

So far, yun pa lang daw ang usapan at commitment nila sa Freemantle, ang may-ari ng franchise ng Family Feud, na hanggang December na lang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero marami ang umaasang ma-extend pa ito. Posible naman, di ba?

Pero may mga naka-lineup na raw si Dingdong next year, kaya hindi pa nila masasabi kung kaya pa ba ng GMA Primetime King na mag-Family Feud araw-araw.

NOEL FERRER

Congratulations kay Dingdong at sa Team Family Feud!

Sana nga magkaroon ng extension ito o kung hindi man, season break lang tapos babalik din ito after mag-teleserye ni Dong.

At least, nakita na ang maximum potential ng timeslot na yun before 24 Oras, in terms of viewership and advertisement. Sana, ganun ka-profitable at impactful ang mag-o-occupy ng ganun ka-crucial na timeslot if ever.

Keep up the good work talaga!

JERRY OLEA

Matatandaan na ang dating nasa timeslot ng Family Feud ay ang Wowowin: Tutok Para Manalo, na madalas naglalaro more or less sa 4% ang rating.

Ang Family Feud ni Dingdong, aba! Higit pa sa triple ang ratings before ng Wowowin ni Willie Revillame.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga programa ng ALLTV na nag-soft launch noong Setyembre 13, itong Wowowin ang pinakamataas ang rating… pero napakababa kumpara noong nasa Kapuso Network pa ito.

Hopefully, kapag full blast na ang programming at operations ng ALLTV sa first quarter ng 2023 ay umariba na ito sa Game of Ratings!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang episode ng Family Feud, hosted by Dingdong Dantes (gitna), kung saan naglaro ang mga pamilya nina Ronnie Ricketts (kaliwa) at Isko Moreno (kanan) ay nagtala ng 14 percent rating.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results