Gladys Reyes, may gustong itanong kay Heart Evangelista pag nag-guest sa Moments

by PEP Troika
2 days ago
gladys reyes pictorial
Gladys Reyes on being a talk show host: “Aminado ako before, dahil sa sobrang daldal ko, parang mas ako yung guest. Ha! Ha! Ha! Ha! Yung ganyan, nagsasalita ang guest pero dahil hyper ako, gusto ko agad magtanong ng follow-up. Pero siyempre, over time, natutunan kong makinig din, ano. Listening, not just talking. So, yun po siguro ang masasabi ko na natutunan ko dito sa pagho-host.”
PHOTO/S: NET 25

JERRY OLEA

Sa labing-anim na taon ng talk show ni Gladys Reyes Sommereux na Moments sa NET25, hindi pa niya naging panauhin si Heart Evangelista.

“Parang naiisip ko na tuloy yung concept namin pag nag-guest siya,” sambit ni Gladys sa mediacon ng NET25 nitong Setyembre 21, Miyerkules, sa Studio 1 ng Eagle Broadcasting Corp. (EBC).

“Yung parang mag-aawra-awra kaming ganyan! Ha! Ha! Ha! Ha! Para masaya din!”

Just in case mag-guest sa kanya si Heart, ano ang gusto niyang malaman tungkol dito?

“Ha? E, di yung gusto ninyo ring malaman! Sila pa ba?” napapangiting tugon ni Gladys.

“Hindi naman, di ba, gusto ko lang magpakatotoo! Siyempre pati ako curious, di ba?

“Hindi naman sa nagiging ano tayo, pero siyempre, alam mo isa po yun, no. Share ko lang, most of my interviews sa Moments lalo na noong kino-co-prod ko, wala akong script diyan.

“Pag may iniinterbyu ako na mga personalidad, ganyan… ako po kasi, andun ako sa, ‘Ano ba ang gustong malaman ng tao?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa akin po, ganun, e. Yung kung ako ang nanonood nitong interbyu ni Gladys at saka halimbawa kung sino man po yung guest niya, ‘Ano ang gustong itanong ng nanonood?’

“Yun po ang mas sinusundan ko, yung ganun. Kasi, interesado ako, e, kung ano yung gustong malaman din ng mga tao.

“Kaya hindi ako nagbe-base usually po sa script. Hindi scripted yung mga tanong ko.

“Usually, yung follow-up questions kapag meron siyang na-open na, 'Uy, very interesting yun! Magpa-follow up ako.'

“So, yun din po ang isa sa siguro kaya nag-train din ako talaga nang husto sa Moments na mag-host.

“Of course, andami ko pang kakaining bigas dun sa mga napakahuhusay po sa larangan ng pagho-host.

“Aminado ako before, dahil sa sobrang daldal ko, parang mas ako yung guest. Ha! Ha! Ha! Ha! Yung ganyan, nagsasalita ang guest pero dahil hyper ako, gusto ko agad magtanong ng follow-up.

“Pero siyempre, over time, natutunan kong makinig din, ano. Listening, not just talking. So, yun po siguro ang masasabi ko na natutunan ko dito sa pagho-host.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napapanood ang Moments tuwing Linggo ng 4:00 p.m. sa NET25.

GORGY RULA

So far, sinu-sinong guests ang memorable na nakatsikahan niya at hindi makakalimutan?

“Siguro po, baka nakikita nyo naman sa YouTube, ano? Siyempre, memorable po si President BBM [Ferdinand Marcos Jr.] when he guested,” lahad ni Gladys.

“Although that was I think 2018, ano? Ahhm, hindi pa siya president siyempre pero kasi po, yun ang natutuwa ako, yung naikuwento niya talaga, paano sila nagkakilala ni Ma’am Liza, di ba?

“Tapos maririnig mo talaga yung genuine tawa. Yung puro tawa siya sa mga kuwento niya na nakalimutan niya yung pambayad sa date nila. Yung mga ganun.

“Kasi, yun nga po talaga ang goal ko sa Moments, ano? Mailabas talaga yung mga nakakatuwa at nakakatawang mga pangyayari sa buhay nila na hindi alam talaga ng karamihan, ano?

“And of course, siyempre always memorable sa akin si Ate Vi [Vilma Santos]. Twice na po siyang nag-guest sa Moments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And I’m looking forward for our third. Kasi, yun nga po, inaayos namin siyempre yung third na pagpapaunlak sa amin ni Ate Vi.

“Dahil siyempre, ibang usapan na ngayon, being a grand lola na, ayan. Ahh, yun po, napaka-memorable din po yun sa akin.

“And of course, nai-guest ko rin po si Inay Marya, si Miss Maricel Soriano, na napakatotoo rin noong nainterbyu namin.

“Ang sarap ng… tawa lang din kami nang tawa. Kasi kung mapapansin nila, pag Moments, parang nagkukuwentuhan lang sa sala, ano?

“Parang walang pressure. Parang walang kamera. Kaya napapalabas mo kung ano talaga ang totoo.

“Si Judy Ann Santos, of course na-guest ko na. Inuna kong i-guest ang kaibigan ko na yan. And Angelu de Leon, Carmi Martin.

“Mga kaibigan ko po, inuuna ko po. Because sa mga first years ng Moments, halos ako yung talent coordinator niyan. Ganun po ako ka-hands on dun sa aking programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya sabi ko, hindi puwedeng hindi mai-guest sa akin sina Juday and Ryan Agoncillo. And soon, ito po, on the 27th I think, I will be taping also with Claudine Barretto naman, ano?

“First time niyang maggi-guest sa Moments. And I’m sure, very interesting yung magiging kuwentuhan namin dun.”

NOEL FERRER

Ayun na nga, hindi lang talent ang role ni Gladys sa programang Moments, multi-tasker siya rito.

Moreover, napapanood din si Gladys sa GMA-7 at iba pang TV network. Kailangan pa ba niyang ipagpaalam iyon sa NET25?

“Hindi po. Iyon nga po ang kagandahan sa NET25. Siyempre, sabi ko nga, ako ay Katrabaho,” napangiting sambit ni Gladys.

“Kung saan kailangan ang aking serbisyo, nandoon ako. At kung sa tingin ko ay maganda lalo na yung materyal o proyekto na ipapagawa sa akin…

“Pero ang NET25 po ever since napaka-supportive sa akin at forever grateful ako sa NET25, na very first nagbigay sa akin ng pagkakataon para maipakita yung totoong ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na ang daldal ko pala. Na puwede rin naman akong mag-host, hindi yung laging nananampal lang, nananakit, nananabunot, ano?

“So, eto po yung pagiging, kumbaga, pagmamahal sa pamilya, di ba? Yun po ang gusto nating i-showcase dito.

“Kaya libre din naman po ako na makagawa ng proyekto sa iba pong network. And hindi sila madamot, ano, ang NET25.

“Yun po ang napakasarap na magtrabaho, dito po sa aming network. At kung mapapansin din po ninyo, yung aming mga nai-guest po na personalidad, yung iba ay galing po sa iba’t ibang network talaga, ano?

“Puwedeng taga-ganito, taga-kabila. So, wala pong problema dun sa NET25. Nai-guest ko na po si Dingdong Dantes.

“Si Ate Reg, Regine Velasquez. Nakakatuwa nga po. Minsan nga, sabi ko nga po, personal, ako yung TC [talent coordinator], ano.

“So, ako yung magte-text sa kanila minsan. Lakasan din ng loob 'yan, e! So, nakakatuwa naman po. Kasi, napakadali nilang kausap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos siyempre po, ang sarap na, yun nga, mapapagbigyan ka. Kasi po, sabi ko nga, Moments, hindi lang ito basta programa na ginagawa kundi malapit talaga sa puso ko! Dahil very hands on po ako dito!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes on being a talk show host: “Aminado ako before, dahil sa sobrang daldal ko, parang mas ako yung guest. Ha! Ha! Ha! Ha! Yung ganyan, nagsasalita ang guest pero dahil hyper ako, gusto ko agad magtanong ng follow-up. Pero siyempre, over time, natutunan kong makinig din, ano. Listening, not just talking. So, yun po siguro ang masasabi ko na natutunan ko dito sa pagho-host.”
PHOTO/S: NET 25
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results