Watch Now

Piolo Pascual, ipinagmamalaki ang anak na si Inigo na na-penetrate ang Hollywood

by PEP Troika
Sep 23, 2022
piolo inigo pascual
Piolo Pascual (left) on son Inigo (right): "Now that he has it, he has his chance, he has one foot in, I hope he really breaks out, you know, big time in the international scene. And he always has my support in whatever he does, and I believe in his talent."
PHOTO/S: Jerry Olea / @inigopascual on Instagram

GORGY RULA

Natupad na ang matagal nang ipinagdasal ni Piolo Pascual na ma-penetrate ng kanyang anak na si Inigo Pascual ang Hollywood.

Unti-unting napapansin doon si Inigo dahil sa partisipasyon niya sa musical-drama series na Monarch ng Fox Entertainment.

Read: Inigo Pascual recounts how he got his big break in Hollywood TV series, Monarch

Sino ba naman ang hindi mapa-proud?

Talagang ipinagmamalaki ito ni Piolo nang nakatsikahan namin ang aktor sa press launch ng bagong ineendorso niyang produkto ng Beautederm na Koreisu Family Toothpaste Koreisu Whitening Toothpaste. Binibiro tuloy si Papa P na lalong gumaganda ang smile niya.

Pero ang isa talaga sa nagpapa-smile sa kanya ay ang mga naa-achieve ng anak niya.

“Napapa-smile ako lagi pag may nababasa akong articles, pag may nagpo-forward sa akin ng snippets ng show niya especially from the States,” sabi ni Piolo sa mediacon nitong Setyembre 22, 2022, Huwebes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Even my relatives from the States are so proud of him na alam mong napapanood siya sa primetime sa States sa Fox.

"Na talaga namang sabi ko, you know na kahit kinlaim natin 'yan, hindi mo iisipin na mangyayari at mangyayari, ngayon nangyari na.

“I’m just really happy and I hope he continues to grow as an artist.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa pang nakakatuwa rito ay tinawagan pa raw siya ni Inigo nung ginagawa pa lang ang season 1 ng Monarch. Sinabihan daw siya ng kanyang anak na baka kailangan ng gaganap na father ng role na ginagampanan nito. Baka puwedeng si Piolo na rin daw mismo.

“I don’t know whose idea it was. Pero sabi nga niya, if ever pag mag-grow yung story, sabi nga niya… if they need… ahh find a father of Inigo, sabi nga niya sana raw ako. Let’s see,” pakli ni Piolo.

Pero interesado kaya siyang tanggapin ito para sa kanyang anak?

“Let’s cross the bridge when we get there. It’s a different ballgame, you know. But, I’m there to support my son of course,” napapangiting sagot ni Piolo.

NOEL FERRER

Pag-asam pa ni Piolo para sa kanyang anak, “And now that he has it, he has his chance, he has one foot in, I hope he really breaks out, you know, big time in the international scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And he always has my support in whatever he does, and I believe in his talent.

“So, I’m just really happy that, you know, he gets to do international stuff, he gets to do something that is from Hollywood. He has my support all the way.

“Sana po, mas marami pang blessing pang dumating sa kanya.”

In the meantime, aside from endorsements, maganda rin na Piolo is keeping his hands full by trying to provide a lot of good content sa mga streaming platforms kaya we also wish him the best there.

JERRY OLEA

Nakikini-kinita ba ni Piolo na ilang years from now ay magpapakasal na si Inigo?

“Sana naman, sana naman!” mabilis na bulalas ni Piolo.

Baka maunahan pa siya ni Inigo na magpakasal?! Ano ba ang plano niya? “

Mag-halaman pa!” pagbibiro ni Piolo, na certified plantito.

“Hindi, ahh… hindi naman natin hinahanap 'yan. Pag dumating, diyan na natin haharapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ngayon talaga po, OK naman ako, e. Nasanay na rin sigurong mag-isa. Hindi ko na… hindi ko siya…

“I mean, it’s not something that I am excited to have, or something that I would wanna have.

“For now, I just would like to focus on myself, and you know what I can do. Sanay na kasi talaga akong mag-isa, e.

“Hindi ko alam kung darating. Pag dumating, harapin na lang natin.”

Sayang kasi yung ineendorso niyang Beautederm products kung wala naman siyang ka-share ng mga ito.

“May point! May point! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Piolo.

Napag-usapan ba nila ni Inigo kung anong edad gusto nitong maging married na at bumuo ng sariling pamilya?

“I guess my son is the same as me in terms of being career-driven and, at this point in his life, I know that he really wants to focus on this while he still has the chance,” tugon ni Piolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“He has this opportunity to grow in this business. But should there be the time na sabihin niya sa akin na papakasal siya, you know, I would be happy for him.

“Of course, I’ll be there to support him through and through.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual (left) on son Inigo (right): "Now that he has it, he has his chance, he has one foot in, I hope he really breaks out, you know, big time in the international scene. And he always has my support in whatever he does, and I believe in his talent."
PHOTO/S: Jerry Olea / @inigopascual on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results