Sean de Guzman at Jake Cuenca bigay na bigay sa kanilang mapangahas na eksena

by PEP Troika
Sep 24, 2022
Sean de Guzman and Jake Cuenca
“Nakakatuwa po, kasi siyempre, senior na actor siya dito sa Pilipinas, na marinig yung ganung comment niya sa akin. Sobrang nakakatuwa,” ani Sean de Guzman (kaliwa) tungkol sa magagandang komento sa kanya ni Jake Cuenca (kanan).
PHOTO/S: Jerry Olea / @juancarloscuenca Instagram

JERRY OLEA

Bigay na bigay sina Jake Cuenca at Sean de Guzman sa isang eksena sa pelikulang My Father, Myself na idinirek ni Joel Lamangan.

Ang galing-galing daw nina Jake at Sean! Nakakabakla, palatak ng line producer na si Dennis Evangelista.

“Pinagtrabahuhan po talaga namin ang My Father, Myself,” sambit ni Sean nang makatalamitam ng PEP Troika sa 68th birthday celebration ni Direk Joel noong Setyembre 21, Miyerkules sa Alba restaurant, Morato Ave., QC.

“Nag-usap po kami ng mga co-actors namin na gawing maganda yung mga eksena and sobrang gagaling ng mga co-actors ko, sina Jake, Dimples Romana, Tiffany Gray.

“Kasi, mararamdaman mo talaga yung presence nila dun sa character na yun na ginagampanan nila.

“And sobrang saya ko, kasi naging part ako ng film na ito. Isa ito sa magandang ginawa ko kay Direk Joel Lamangan.”

Puring-puri si Jake kay Sean. Bumilib si Jake sa baguhang aktor.

“Nakakatuwa po, kasi siyempre, senior na actor siya dito sa Pilipinas, na marinig yung ganung comment niya sa akin. Sobrang nakakatuwa,” sambit ni Sean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nailang pa ba si Sean sa matinding eksena nila ni Jake? Walang kakiyeme-kiyeme si Jake sa mga mapangahas na eksena.

“Siguro, ginampanan talaga namin nang maayos ang karakter namin kaya nakapasok kaming mabuti sa karakter namin,” saad ni Sean.

“Kaya nagawa namin nang maayos. And… may konting ilang. Siyempre, first time naming magkatrabaho.

“Pero yun, ginawa naman namin nang maganda ang mga eksena.”

Nakatakdang mag-streaming ang pelikulang Relyebo sa Oktubre 14 sa Vivamax. Bida rito sina Sean at Christine Bermas, sa direksyon ni Crisanto B. Aquino.

Third time na ito nina Sean at Christine na magkatrabaho.

Una silang nagkasama ni Christine sa Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat ng Lupa na hindi pa naipapalabas.

Sumunod na nagkasama sila ay sa Vivamax movie na Island of Desire. Si Direk Joel din ang nagdirek ng dalawang ito.

Siyempre, more on sexy-sexy ang Relyebo. “

Maganda rin ang Relyebo, pero madugo siya. Maraming eksenang aabangan dun kaya magugustuhan yun ng mga Vivamax followers!” bulalas ni Sean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ginawa namin ni Christine lahat ng best namin sa Relyebo. Binuhos namin dahil maganda rin po ang story nun. Kaya nagawa namin nang maayos."

May frontal ba siya sa Relyebo?

“Secret! Ha-ha-ha-ha!” pagtawa ni Sean.

NOEL FERRER

Si Direk Joel din ang nagdirek ng pelikulang Fall Guy, kung saan tinanghal na best actor si Sean sa isang filmfest sa India.

Ayon kay Ferdy Lapuz ay kalahok din ang Fall Guy sa isang prestigious filmfest sa Europe, pero hindi pa puweng banggitin kung saan iyon.

“May pupuntahan pa raw pong mga international film festival ang Fall Guy. Excited po siyempre ako,” sabi ni Sean.

“Baka masungkit uli natin yung best actor na award. At sana po, maka-attend ako sa international filmfest sa ibang bansa.”

Si Jake Cuenca naman ay blessed din with a lot of projects for different platforms— iWantTV, Viu at maging sa ABS-CBN.

Parang mas nag-focus at naging blessed sa career si Jake after his break up with Kylie Verzosa, ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Well deserved breaks for this hardworking actor!!!

At nagteteatro pa! Lodi!

GORGY RULA

Si Sean ang isa sa maipagmamalaki ni Direk Joel Lamangan, dahil natuto talaga sa kanya at ang laki ng in-improve nito.

Gumaling siya sa mga ginawang pelikula nila ni Direk Joel mula sa Lockdown at Anak ng Macho Dancer.

Director Joel Lamangan and Sean de Guzman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sana, ikuha ng maayos na stylist si Sean. Ilang beses ko siyang nakita sa mga pagtitipon na di ko nagustuhan ang mga suot niya.

Lakas maka-‘starletic’ ng ayos niya. Mas simple ang ayos niya, mas okay. Kasi, hindi siya ganun katangkad. Kaya huwag sana masyadong kumplikado ang suot, at hindi ko na sana makita siyang naka-beret.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Nakakatuwa po, kasi siyempre, senior na actor siya dito sa Pilipinas, na marinig yung ganung comment niya sa akin. Sobrang nakakatuwa,” ani Sean de Guzman (kaliwa) tungkol sa magagandang komento sa kanya ni Jake Cuenca (kanan).
PHOTO/S: Jerry Olea / @juancarloscuenca Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results