Watch Now

Joshua Garcia, rarampa sa 27th Busan International Film Festival?

by PEP Troika
Sep 24, 2022
Ayon kay Direk Chito Roño, si Joshua Garcia ang pinapapunta niya sa 27th Busan International Film Festival bilang kinatawan ng pelikulang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan. Kalahok ang horror film sa festival na gaganapin mula October 5-14 sa South Korea.
PHOTO/S: @garciajoshuae on Instagram

JERRY OLEA

Kalahok ang horror movie na Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan sa 27th Busan International Film Festival sa Oktubre 5-14 sa South Korea.

Pupunta ba roon ang direktor ng pelikula na si Chito S. Roño?

“Hindi, si Joshua pinapapunta ko,” sambit ni Direk Chito nang makatsikahan ng PEP Troika noong Setyembre 21, Miyerkules, sa Tigerwinx restaurant, Panay Ave., Quezon City.

Ang tinutukoy ni Direk Chito na Joshua ay ang bida ng movie na si Joshua Garcia.

Dagdag ni Direk Chito, “Ang problema ni Joshua, hindi ko alam kung puwede sa schedule niya. Kasi nasa Darna siya.”

Kumusta yung Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan?

“Iba siya. Iba. Medyo cerebral, ewan ko kung maintindihan ng iba,” tugon ng master director.

“Iniba namin konti base sa istorya ni Bob Ong.”

Tampok din sa pelikula si Angie Ferro bilang Mama Susan.

“Naospital din yun. Buti naka-recover. Pinapa-dub namin dito ngayon, hindi na raw kaya. Mula nang maospital, hindi na kayang mag-dub,” lahad ni Direk Chito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hot na hot ngayon si Joshua na naidirek ni Direk Chito sa Mars Ravelo’s Darna at Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan. Si Joshua na ba ang next…

“John Lloyd?” sambit ni Direk Chito.

“Hindi ko alam kung magkakaroon pa ng next John Lloyd.”

“Sisikat siya dahil magaling siya. Ang galing niyang magtrabaho!” bulalas ni Direk Chito.

NOEL FERRER

Tama si Direk Chito, sisikat si Joshua dahil magaling siya.

Sana lalo pa siyang bigyan ng projects na makakasubok at makakapagpaunlad ng kanyang kakayahan, iba’t iba pang magagaling na direktor at kasama sa trabaho, at iba’t ibang mapanghamong scripts.

At kung totoo nga ang narinig natin sa PEP Troika na siya ang bibida sa isang project sa GMA kasama ang isang Kapuso artist bilang collab project next year, exciting yun para kay Joshua!

This, it seems, is Joshua’s season!

(And Ruru Madrid’s too—kailangan lang magtatak din siya sa sa endorsements at pelikula.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Curious kami kung gaano ka-horror itong Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.

Forte talaga ni Direk Chito ang ganitong klase ng pelikula, kaya kung isinumite ito sa MMFF 2022, malaki ang tsansang mapili sa genre na horror.

May ilang pang horror films na gustong i-submit. Tingnan natin kung matatalo nila itong obra ni Direk Chito.

Pero rarampa muna ito sa Busan International Film Festival at sana nga, kasama roon si Joshua. Tiyak na mapapansin siya kahit katabi pa niya ang mga sikat na South Korean actors.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Direk Chito Roño, si Joshua Garcia ang pinapapunta niya sa 27th Busan International Film Festival bilang kinatawan ng pelikulang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan. Kalahok ang horror film sa festival na gaganapin mula October 5-14 sa South Korea.
PHOTO/S: @garciajoshuae on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results