Family Feud ni Dingdong Dantes, extended

by PEP Troika
Sep 26, 2022
Dingdong Dantes, Family Feud
Kinumpirma ng GMA-7 management na extended ang Family Feud, ang daily game show na hinu-host ni Dingdong Dantes.
PHOTO/S: Family Feud

GORGY RULA

Ang bilis ng mga pangyayari!

Kamakailan lang ay ibinalita nating hanggang December ng taong ito na lang ang Kapuso game show na Family Feud.

Read: Family Feud ni Dingdong Dantes, hanggang December 2022 na lang kahit mataas ang ratings

Pagkalipas ng ilang araw, kinumpirma ng mga boss ng GMA-7 na extended ito.

Sabi ng Senior VP for Entertainment TV na si Ms. Lilybeth G. Rasonable, itutuloy-tuluy na ang top-rated game show ni Dingdong Dantes.

“Ituluy-tuloy na natin iyan. Habang nagbibigay tayo ng kasiyahan, nakakatulong din tayo kasi ang mga televiewers, di ba, they can participate and also win,” pahayag ni Ma’am Lilybeth nang nakatsikahan namin sa mediacon ng Maria Clara at Ibarra nung nakaraang Biyernes, September 23, 2022.

“Siyempre, sobra kaming nagagalak kasi, di ba, it’s such an entertaining show. Hindi siya just because mataas ang ratings pero talagang yung feedback ng lahat na nakakapanood, lahat na nagpa-participate, enjoy na enjoy.

“So, di ba? Ngayon ang kailangan natin, di ba, sa dami ng mga iniitindi nating problema sa buhay, we need a show that would get through all these challenges.

"And then, I’m sure, we’re very happy that Dingdong is doing so well. Ang galing-galing na niyang host. Yung rapport niya with people and the participants.

"Kaya happy talaga yung network that he’s doing so well.”

Pero hindi puwedeng hanggang sa top-rated game show lang napapanood si Dingdong. Dapat ay tuloy pa rin ang pagiging GMA Primetime King, kaya may naka-lineup pa ring drama series para sa kanya na gagawin niya next year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman daw ayusin yun sa schedule ni Dingdong kahit tuluy-tuloy ang taping niya para sa Family Feud.

“May plano,” pakli ni Ma’m Lilybeth. “May schedule na rin kung kailan mag-uumpisa. It’s just a matter of time management for him.

"Pero kaya yun. Napag-usapan naman with Dingdong."

NOEL FERRER

May captive audience na ang Family Feud kaya mukhang hindi na ito bababa ng 10%.

Nung nakaraang Biyernes, September 23, ay naglaro ang cast ng Start-Up Ph. Kasama ni Alden Richards sina Jeric Gonzales, Royce Cabrera, at Kaloy Tingcungco.

Pero natalo sila ng team ni Bea Alonzo kasama sina Jackie Lou Blanco, Ayen Munji, at Brianna Bunagan.

Naka-12.9% ito sa ratings. Pero pinakamataas pa rin ang episode na naglaro si dating Manila Mayor Isko Moreno at dating OMB Chairman Ronnie Ricketts.

Kinakarir ng mga taga-Family Feud na maglaro si Pasig City Mayor Vico Sotto kasama ang vice mayor niyang si Dodot Jaworski at ang konsehal nilang sina Angelu de Leon at Survivor Philippines alumnus Kiko Rustia.

JERRY OLEA

Strike while the iron is hot, 'ika nga.

Noong Wowowin: Tutok Para Manalo ang nakapuwesto sa timeslot na iyon, more or less ay 4% lamang ang itinatalang ratings.

With Family Feud hosted by Dingdong Dantes, higit pa sa doble — kung minsan ay higit pa sa triple — ang ratings ng programa.

May domino effect syempre iyan. Malaki ang ambag sa patuloy na pamamayagpag ng Kapuso Network!!!

Marami pa tayong aabangang pasabog ng Family Feud sa mga susunod nilang episodes, lalo na sa darating na Pasko. Kaabang-abang din ang kanilang Halloween special.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang isa pa raw sana na gusto rin nilang maglaro ay ang celebrity councilors ng San Juan na sina James Yap at Ervic Vijandre, kasama ang mga basketball players ng naturang lungsod.

Siyempre, pati ang taga-PEP lalo na ang PEP Troika, di ba?!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinumpirma ng GMA-7 management na extended ang Family Feud, ang daily game show na hinu-host ni Dingdong Dantes.
PHOTO/S: Family Feud
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results