Watch Now

Rein Entertainment ni Lino Cayetano, satisfied sa collab with Vivamax

by PEP Troika
Sep 26, 2022
arron villaflor ayanna misola
Arron Villaflor and Ayanna Misola star in the Vivamax and Rein Entertainment's sex-drama series Secrets of A Nympho.
PHOTO/S: Vivamax

GORGY RULA

Natapos na ng Rein Entertainment ang Cycle 1 na taping ng sex-drama series na ginagawa nila para sa Vivamax.

Ito yung Secrets of A Nympho, tampok sina Rhen Escaño, Ayanna Misola, at Arron Villaflor. Idinirek ito ni Shugo Praico, created by Phillip King.

Ngayon ay pinaghahandaan na nila ang Cycle 2, at proud na proud sila sa nagawa nila sa mini-series na ito.

Sabi ng ilang taga-Rein Entertainment, sa tingin nila ay may kasunod pa silang gagawin sa Viva, dahil maganda ang resulta ng kanilang collaboration.

Ani Direk Lino Cayetano ng Rein Entertainment, “We are very excited to work with Viva. So far, it has been very engaging and they gave us a warm welcome into the Viva family.

“There is mutual interest in projects we want to pursue! We’re thankful to Viva for giving us the opportunity to freely tell unfiltered stories on their platform.

“We’re looking forward to collaborate on more projects in the coming years.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiniyak nilang may susunod pa silang gawin para sa Vivamax.

Pero paghahandaan muna nila ang Metro Manila Film Festival 2022 dahil may entry sila, ang Nanahimik ang Gabi na pinagbibidahan nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo, kasama si Mon Confiado.

JERRY OLEA

Interesting ang 45-second teaser ng Secrets of A Nympho. Enticing ang visuals.

Nasa cast din nito sina Gold Aceron, Josef Elizalde, Jiad Arroyo, Andrea Garcia, Milana Ikimoto, Miles Victoria, Jeric Raval, Jao Mapa, at Sheree Bautista. Nakatakda na sa Oktubre 23, Linggo, ang streaming ng pilot episode nito.

Ang buod nito, “When the campus prince was found dead, a student must lie, cheat and seduce her way into the underbelly of the school and expose the real culprit.”

Abangan po natin ang collab na ito ng Vivamax at Rein Entertainment!

NOEL FERRER

Ito na talaga na ang ibig sabihin ng edgy materials sa bagong henerasyon.

Sana lang, years after kapag binalikan ang produktong ito, it will stand the test of time at maging angat sa iba at hindi lang basta sumunod sa uso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arron Villaflor and Ayanna Misola star in the Vivamax and Rein Entertainment's sex-drama series Secrets of A Nympho.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results