Lolong ni Ruru Madrid, kumpirmadong magkakaroon ng Season 2

by PEP Troika
Sep 28, 2022
Lolong
Ruru Madrid: “We’re very thankful sa lahat na sumusuporta sa Lolong. Nakakatuwa na buong pamilya ang sumusuporta sa Lolong. Hindi po namin ini-expect na mamahalin nang ganito ang aming proyekto. Siyempre for us, gustung-gusto kong makapagbigay kami ng bagong programa. When it comes po sa Season 2, sa ngayon ay masasabi po namin ay naghahanda na po ang Lolong para po diyan. Abangan niyo iyan.”
PHOTO/S: Lolong (GMA Public Affairs)

GORGY RULA

Kinumpirma na ng mga bumubuo ng GMA-7 adventure-drama series na Lolong na magkakaroon ito ng Season 2.

Sa darating na Biyernes, September 30, 2022, ang finale episode ng Lolong at inaasahang mas matindi ito at maaaring magkakaideya tayo kung sino ang posibleng kasali pa rin sa Season 2.

Sa mediacon ng finale ng Lolong noong Lunes, September 26, muling nag-emote si Ruru, dahil hindi raw niya akalaing ganito ka-successful ang pinaghirapan nilang serye.

Sa dami raw ng pinagdaanan nila nung tini-tape nila ito, naiisip na raw niyang hindi para sa kanya itong Lolong.

Read: Ruru Madrid admits almost quitting showbiz because of Lolong

Pahayag ni Ruru, “Nung sinu-shoot namin ang Lolong last year, I felt that was my worst year when it comes sa… parang that was my lowest in my life.

“Parang na-doubt ko yung sarili ko. Pakiramdam ko, hindi ako deserving for this project or baka hindi matutuloy dahil sa mga aberyang nangyari. Pakiramdam ko, parang minamalas ako.

“Na-realize ko na may mga bagay na hindi mo dapat minamadali. Once na makuha mo siya, hindi mo siya dapat i-take for granted. Hindi mo hahayaang basta-bastang mawawala sa iyo. Mamahalin mo kung anong meron ka.

“We’re very thankful sa lahat na sumusuporta sa Lolong. Nakakatuwa na buong pamilya ang sumusuporta sa Lolong.

“Hindi po namin ini-expect na mamahalin nang ganito ang aming proyekto. Siyempre for us, gustung-gusto kong makapagbigay kami ng bagong programa.

“When it comes po sa Season 2, sa ngayon ay masasabi po namin ay naghahanda na po ang Lolong para po diyan. Abangan niyo iyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa executive producer ng Lolong na si Mark Anthony Norella, hindi ito ganun kadali dahil kailangan ang mabusisi ang graphics at effects. Kaya hindi raw sila makapag-extend dahil sa effects at graphics na hanggang ngayon ay tinatapos pa nila ang Season 1.

Saad niya, “Totoo namang naghahanda ang creative team ng Lolong para sa Season 2. Wala pa silang kaalam-alam sa tatakbuhin ng kuwento. Hindi pa namin binabagsak po sa kanila.

“With the overwhelming support po na na-experience namin sa Season 1, gusto rin namin siyang paghandaan dahil mabibigat po ang graphics kung mapapansin nyo sa Lolong kung mapapansin nyo po.

“Sobrang ang laki ng requirements ng graphics. So, mahirap na i-extend, hanggang diyan lang talaga siya and maghahanda po tayo sa bagong laban para sa Season 2.”

NOEL FERRER

Nung Lunes, September 26 ay 18% ang combined ratings ng Lolong. Nung Martes, September 27, ay 17.7% naman.

Mas exciting siguro kung isusunod agad nila ang Book 2. Pero totoo kayang hindi agad ito masisimulan dahil may isang series pa raw na gagawin si Ruru na si Bianca Umali ang makaka-partner? Ang GMA News and Public Affairs din daw ang magpu-produce?

Malamang, kasi sila ang naka-jackpot dito sa seryeng nagtatak para kay Ruru!

Ang maganda rin, maraming nabuong tunay at malalim na pagkakaibigan dito sa Lolong, kaya ang talent kong si Marco Alcaraz ay gusto pa ring makasama sa Book 2 dahil bitin daw at puwedeng magka-twist ang kanyang sinapit dito.

Ang maganda, ipinaglalaban rin ni Ruru ang kanyang co-stars na talagang nakagaanan na niya ng loob.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Waging-wagi sa ratings ang afternoon drama series na Prima Donnas kung saan kontrabida si Aiko Melendez.

Panalo pa rin sa ratings ang ikalawang aklat nito sa panahon ng pandemya na waley na ang ABS-CBN. Pero hindi man lang pumantay ang Book 2 ng Prima Donnas sa unang yugto. May umay factor.

Ganun din ang First Yaya, ang pinakabonggang teleserye noong 2021. Minamani ng First Yaya ang ratings na nasa line of 2, na hindi nagawa ng sequel nito na First Lady.

May paandar pa na kesyo may clamor para sa ikatlong season ng love story nina Melody (Sanya) at PGA (Gabby Concepcion), kahit sa ending ng First Lady ay na-elect ding presidente ang dating yaya.

Pero itong Lolong ay telefantasya, kaya maaaring mas bongga ang ikalawang season nito basta ba paghandaang mabuti at huwag madaliin.

At buti na lang, ayaw pansinin ni Ruru ang mga ibang "mema" lang at nilalait ang Lolong.

“Sa amin po, like ako personally, hindi po ako masyadong nagpapaapekto sa mga ganyang mga komento. I’d rather focus dun sa mga positive feedback na natatanggap po namin,” saad ni Ruru.

“Kahit ano pang gawin namin na kagandahang loob, laging may masasabi ang ibang mga tao. Kaya mag-focus na lang po tayo dun sa mga positive na side, kesa dun sa mga negatibo.

“Sa amin naman, we’re here to entertain people at makapagbigay ng inspirasyon at pag-asa na gusto naming iparating sa mga tao.”

Naulinigan ng PEP Troika na meron nang mga “nanliligaw” kay Ruru para makasama sa Book 2 ng Lolong… ang “nagpatumba” kay Cardo Dalisay sa makasaysayang FPJ’s Ang Probinsyano!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid: “We’re very thankful sa lahat na sumusuporta sa Lolong. Nakakatuwa na buong pamilya ang sumusuporta sa Lolong. Hindi po namin ini-expect na mamahalin nang ganito ang aming proyekto. Siyempre for us, gustung-gusto kong makapagbigay kami ng bagong programa. When it comes po sa Season 2, sa ngayon ay masasabi po namin ay naghahanda na po ang Lolong para po diyan. Abangan niyo iyan.”
PHOTO/S: Lolong (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results