Watch Now

Pagbibidahang afternoon drama series ni Herlene Budol sa GMA-7, tuloy na tuloy na

by PEP Troika
Sep 28, 2022
herlene budol with cap
Tuloy na tuloy na ang afternoon drama series sa GMA-7 na pagbibidahan ni Herlene Nicole Budol. Nakapag-script reading na sila at halos buo na ang cast, pero ang hindi pa aprubado ay ang isang leading man ni Herlene.
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram

GORGY RULA

Tuloy na tuloy na ang afternoon drama series sa GMA-7 na pagbibidahan ni Herlene Nicole Budol, na mas kilala bilang Hipon Girl.

Nakapag-script reading na sila at halos buo na ang cast, pero ang hindi pa aprubado ay ang isang leading man ni Herlene.

Ang narinig naming isang makaka-partner ni Hipon Girl ay si Benjamin Alves. Pero may isa pang love interest si Herlene, at wala pang na-approve ang Kapuso bosses.

Maraming dapat i-consider para mapa-approve ang leading man. Dapat sikat para makatulong sa bigat ng cast, dahil malalaking artista rin ang major support.

Bukod sa malaking pangalan, dapat ay malaking tao, as in matangkad, para bumagay kay Herlene.

Maganda ang kuwento at swak na swak sa character na gagampanan ni Herlene kaya exciting ang project na ito.

Ang dinig namin, kailangan na nilang magsimulang mag-taping dahil bandang end of October ay kailangang mag-leave ni Herlene para paghandaan ang pagsali niya sa Miss Planet International na gaganapin sa Uganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Hindi pa man nagsisimula itong drama series ni Herlene ay iniintriga na.

Obvious na ito ang TV project na tinutukoy sa isang blind item na tinanggihan daw ng unang direktor na napili nang nalamang si Herlene ang bida. Hindi raw totoo yun, sabi ng ilang napagtanungan ng PEP Troika.

Nagkaroon lang daw ng conflict sa kasalukuyang ginagawa ng direktor kaya na-finalize na si Jorron Monroy ang magdidirek ng afternoon drama series ni Herlene.

Abangan natin kung gaano kalakas ang suporta kay Herlene ng mga ka-Budol, ka-Squammy at Hiponatics!!!

NOEL FERRER

Ibang klase rin ang pag-arangkada ng projects para kay Hipon Girl!

Yes, parang siya ang Flavor of the Season ngayon — and coming the from the Kapuso world, bakit siya?

Bakit hindi yung mga poste nilang kinikilala na sa husay sa pag-arte like Carla Abellana, or Max Collins? Or nasaan na ba si Jasmine Curtis-Smith?

Itong mga ito ang mga Kapusong nakaka-miss gawan ng projects dahil magaganda na’t mahuhusay pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

I’m sure may projects na ibabagay sa kanila, parang yung kay Herlene Budol lang, or higit pa roon!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tuloy na tuloy na ang afternoon drama series sa GMA-7 na pagbibidahan ni Herlene Nicole Budol. Nakapag-script reading na sila at halos buo na ang cast, pero ang hindi pa aprubado ay ang isang leading man ni Herlene.
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results