Watch Now

Robin Padilla, lubos ang pasasalamat sa successful heart procedure

by PEP Troika
Oct 2, 2022
Robin Padilla
Mariel Rodriguez
Nagpadala ng official statement at health update ang kampo ni Senador Robin Padilla ukol sa heart procedure nito kahapon, October 1, sa Asian Hospital. Naging matagumpay daw ang kanyang operasyon pero masusi pa rin nilang inoobserbahan ang kanyang blood pressure. (Photo: Mariel Rodriguez Facebook page)

GORGY RULA

Nagparating ng mensahe si Sen. Robinhood Padilla na walang dapat ipag-alala ang mga tagahanga at tagasubaybay niya sa kanyang kalagayan.

Ipinaliwanag niyang pagkatapos ng eleksyon ay laging tumataas ang kanyang blood pressure.

Bahagi ng kanyang statement na ipinadala sa media, “Wala akong sakit na kahit ano.

"Nangyari lang nagka-high blood ako after elections. Magmula sa Spain, hindi na bumaba ang BP [blood pressure] ko.

"Ginawa sa Cardinal Santos [hospital] ang test sa endoscopy, colonoscopy para tingnan laman loob, pasado lahat.

"Ginawa rin ang pulmonary test, pasado rin lahat. Ginawa ang 2D Echo ng puso, may nakita sila na kailangan magpatingin sa Cardiologist.

"Pumunta ako sa Asian Hospital…

"Pinag-stress test ako, may nakita raw sila na parang barado ang puso kaya ako na-heart procedure.

"Praise God very normal ang puso ko. Kaya Binabantayan lang ngayon ang high blood."

Robin Padilla

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Narito ang statement ng kampo ni Senador Robinhood "Robin" C. Padilla kahapon:

“Si Senador Robinhood ‘Robin’ C. Padilla ay nasa maayos na kalagayan at pinayagan nang umuwi matapos sumailalim sa isang heart procedure sa Asian Hospital sa Muntinlupa City ngayong Sabado, Oktubre 1, 2022.

“Magpapahinga po si Sen. Padilla ngayong weekend at inaasahang makakabalik sa kanyang trabaho at normal na gawain sa lalong madaling panahon.

“Nagpapasalamat si Sen. Padilla sa pagbuhos ng dasal at suporta para sa kanyang agarang paggaling.

“Magbibigay po kami ng karampatang update sa kalagayan ni Sen. Padilla. Muli, marami pong salamat.”

NOEL FERRER

Ngayong Linggo ng gabi, Oktubre 2, ay inilahad ni Sen. Robin Padilla sa News5 na may nakita raw na baradong parte ng kaniyang puso kaya kinailangan niyang sumailalim sa heart procedure.

Dagdag ng senador, ang binabantayan na lang nila ngayon ay ang mataas niyang blood pressure na nagsimula pa noong matapos ang eleksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maraming salamat po sa lahat ng mga nanalangin at sa mga salmo ng pag-aalala,” Facebook post ni Sen. Robin nitong Sunday night.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpadala ng official statement at health update ang kampo ni Senador Robin Padilla ukol sa heart procedure nito kahapon, October 1, sa Asian Hospital. Naging matagumpay daw ang kanyang operasyon pero masusi pa rin nilang inoobserbahan ang kanyang blood pressure. (Photo: Mariel Rodriguez Facebook page)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results