Watch Now

Jasmine Curtis-Smith, nilinaw na hindi sila nag-break ni Jeff Ortega

by PEP Troika
Oct 3, 2022
Jasmine Curtis-Smith and boyfriend Jeff Ortega
Jasmine Curtis-Smith on dream wedding with boyfriend Jeff Ortega: “Dati kasi, gusto ko beach, sand, sunset. Iniisip ko, ngayon parang hindi ko alam na puwede siyang maging totoo. Parang hindi ko alam. Siguro kahit saan. Basta happy din siya, nandun ang buong family niya, family ko."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Magkasamang dumalo ang magkasintahang Jasmine Curtis-Smith at Jeff Ortega sa Filmmakers and Shakers Night ng Film Development Council of the Philippines, na ginanap sa Gallery MiraNila sa Quezon City noong Biyernes, September 30.

Sabi ni Jasmine, magkahiwalay silang inimbita ng FDCP dahil nasa Department of Tourism si Jeff at merong Film Tourism project ang naturang ahensya.

Kaya nilinaw na namin kay Jasmine ang kumalat noon na isyung nag-break silang dalawa.

“No!” bulalas ng Kapuso actress.

“Nagulat kasi ako kung saan nanggagaling yun.

“I mean, hindi ko sasabihing wala kaming problems. Meron. Nagkaka-problems. But I think siguro nung time na yun I wasn’t in a good headspace. Baka ako yung hindi kayang magsalita. Hindi kayang mag-share,” dagdag niyang pahayag.

Kumalat ang intrigang ito nung pinu-promote ni Jasmine ang The World Between Us, pero hindi niya sinasagot.

“I mean, ever since, I’ve been open, honest, makuwento naman ako sa press. So, siguro nung panahon na yun may pinagdadaanan akong hindi ko kayang mag-share. Natatakot akong mag-share.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hala! Baka pag sinyare ko ito, baka saan mapunta yung story, kasi wala pa kayong nasusulat nun, may mga input na. So, baka mamaya mas lumala pag may masabi akong hindi tama.

“Tingin ko kasi pag nakipag-break na yun, parang alam ko…” sabi pa ni Jasmine.

JERRY OLEA:

Pitong taon na ang relasyon nina Jasmine at Jeff, at noon pa man ay napapag-usapan na raw ang wedding plans. Wala pa raw silang napag-usapan kung kailan.

Pero tingin niya ay doon na rin ang ending nito.

“Actually, nung maaga pa yung relationship namin, napapag-usapan na siya,” pakli ni Jasmine tungkol sa wedding plans.

“Because yun nga. Parang mag-i-invest ka ng ganun karaming taon sa isang tao… I think it’s nice to feel that may patutunguhan siya, and yung pinagtatrabahuan niyo together, di ba?” pahayag ni Jasmine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ba ang dream wedding para kay Jasmine?

“Dati kasi, gusto ko beach, sand, sunset. Iniisip ko, ngayon parang hindi ko alam na puwede siyang maging totoo. Parang hindi ko alam. Siguro kahit saan. Basta happy din siya, nandun ang buong family niya, family ko.

“Our parents are not that young anymore. Both in the late 70s. So, yung madaling biyahe for both of us. Especially our dads, kasi sila yung nasa 78 na, e. Iyun yung mas important sa amin.”

Siya nga pala, dalawang pelikula na ang natapos ni Jasmine. Ang isa, kasama si John Lloyd Cruz na natapos niya nung July. Ang title, Moneyslapper na dinirek ni Bor Ocampo at sinulat ni Jason Paul Laxamana.

“Yung kay JLC naman, very new to me. Yung mga ginawa kong eksena dun… may mga daring scenes and scenes na definitely never done before, na feeling ko never ko papayagan yung sarili ko na gawin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But sa project na yun, he’s the type of actor that you would want to test the limits para makita mo kung gaano mo kayang tapatan yung galing niya.”

Ikalawa, iyung ginawa niyang movie kay Piolo Pascual

“Sobra akong nahirapan kasi very mature yung story nung babae sa pelikula na yun and feeling ko, hindi ko pa na-experience sa buhay ko. Hindi ko pa nagampanan with any cast.”

NOEL FERRER:

I have always loved Jasmine because she is brave. She is the type of actress na would take risks at talaga namang pagaling nang pagaling.

We are always here to affirm her good choices at sana, maging inspirasyon sa mga susunod pang aktres na maging kasinghusay at kasintapang niya talaga!!!

Susuportahan natin ang mga pelikula niya with John Lloyd and Piolo.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jasmine Curtis-Smith on dream wedding with boyfriend Jeff Ortega: “Dati kasi, gusto ko beach, sand, sunset. Iniisip ko, ngayon parang hindi ko alam na puwede siyang maging totoo. Parang hindi ko alam. Siguro kahit saan. Basta happy din siya, nandun ang buong family niya, family ko."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results