Watch Now

Finale episode ng Lolong, umalagwa ang ratings; Start-Up PH kumusta ang pilot week?

by PEP Troika
Oct 3, 2022
Lolong and Start-Up PH ratings
Maaksyong mga eksena ni Ruru Madrid (with bruise on cheek on left photo) sa Lolong, patok sa Kapuso viewers. Start-Up PH na pinagbibidahan nina Alden Richards at Bea Alonzo, tumataas din ang ratings.
PHOTO/S: Screengrab from Lolong / Start-Up PH

GORGY RULA:

Konti na lang, sasampa na sana sa 20% ang rating ng finale episode ng Lolong ni Ruru Madrid noong Biyernes, September 30, 2022.

Nagtala ng 19.3% ang combined ratings nito, at ang katapat na Darna ay 6.5%.

Mataas na rin iyun na ikinatuwa ng buong team ng Lolong. Pinaghahandaan na rin daw ang season 2 nito, pero matagal-tagalan pa iyon.

Lolong ratings

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dinig namin, ngayon pa lang ay may ibang artistang nanliligaw na raw kay Ruru na isama sila sa seryeng ito.

Samantala, medyo tumaas na rin ang Start-Up PH nina Alden Richards at Bea Alonzo. Masaya na sila dahil medyo slowburn, pero pataas nang pataas.

Start-Up PH

Naka-11% ito nung nakaraang Biyernes, at 4.7% ang combined ratings ng 2 Good 2 Be True.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang What We Could Be nung Biyernes dahil may Bubble Gang na 5.9%, at 3.5% ang A Family Affair.

JERRY OLEA:

Minamani ng First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion ang ratings na nasa line of 2 noong nakaraang taon.

Hindi iyon na-achieve ng mga sumunod na pumuwesto sa timeslot na iyon—The World Between Us nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, Legal Wives ni Dennis Trillo, I Left My Heart In Sorsogon nina Heart Evangelista at Paolo Contis, First Lady nina Sanya at Gabby pa rin, at Lolong ni Ruru Madrid.

Ang kapalit ng Lolong na Maria Clara at Ibarra ay raratsada umpisa sa GMA Telebabad umpisa ngayong Oktubre 3, 2022, Lunes ng gabi.

Abangan natin kung sasampa sa line of 2 ang makasaysayang teleserye nina Dennis Trillo, Barbie Forteza, at Julie Anne San Jose.

Maria Clara at Ibarra

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang finale week ng Lolong ang pre-programming ng pilot week ng Start-Up PH, kaya nakatulong ang maaksyong serye ni Ruru sa first week ng serye nina Alden Richards at Bea Alonzo.

Nalalapit na rin ang pagwawakas ng What We Could Be, at papalitan ito ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters kung saan kapana-panabik ang showdown nina Aiko Melendez at Beauty Gonzalez.

Iyong ALLTV na bagong Channel 2, hindi pa rin nararamdaman ang ratings mula nang mag-umpisa noong Setyembre 13, 2022.

At any rate, hindi bumabagyo nung nakaraang weekend kaya naglabasan siguro ang televiewers. Medyo mababa na ang viewership ng mga programang ipinalabas nung Sabado at Linggo.

Narito ang rating ng mga primetime show nung Sabado, October 1: 24 Oras Weekend ay 10.8%, at 1.8% naman ang TV Patrol Weekend.

Ang Pepito Manaloto ay 12.5%, at 4.1% ang Everybody Sing ni Vice Ganda. Sumunod ang Running Man na 13.8%.

NOEL FERRER:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Linggo, October 2, naka-4.1% ang All-Out Sundays at 2.6% naman ang ASAP Natin ‘To. Sumunod ang GMA Blockbusters na 4%, at 4.2% naman ang FPJ Da King.

Ang The Wall ay 4.8%, at sumunod ang Regal Studio Presents na 4.7%, at 6.9% ang Amazing Earth.

Parang ganun pa rin ang viewership sa primetime. Ang 24 Oras Weekend ay 11.9%, at 2% ang TV Patrol. Naka-10.9% lang ang Happy ToGetHer, at 4% ang Everybody Sing.

Ang Running Man ay 13.2%, at konti lang, maabot na nito ang Kapuso Mo Jessica Soho na 14.8%. Bahagyang tumaas naman ang The Boobay and Tekla Show na 4.2%.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maaksyong mga eksena ni Ruru Madrid (with bruise on cheek on left photo) sa Lolong, patok sa Kapuso viewers. Start-Up PH na pinagbibidahan nina Alden Richards at Bea Alonzo, tumataas din ang ratings.
PHOTO/S: Screengrab from Lolong / Start-Up PH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results