Cedrick Juan, Miggy Jimenez, may ka-threesome sa movie; na-shock ba ang kanilang girlfriends?

by PEP Troika
Oct 4, 2022
Cedrick Juan and Miggy Jimenez for Two and One
Cedrick Juan (left), ka-throwlines pa ang girlfriend nang siya ay nagre-rehearse para sa role niya sa Two And One. Mas na-challenge naman si Miggy Jimenez (right) na ipaliwanag ang mapangahas niyang role sa kanyang ina kaysa sa nobya.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Throuple ang gay characters na sina Tino (Miggy Jimenez), Chan (Paolo Pangilinan) at Joaquin (Cedrick Juan) sa pelikulang Two And One, na idinirek ni Ivan Andrew Payawal.

Hayok sila sa halikan, hubaran, at harutan. Maalab hanggang lumagablab, kahit nagpapahiran sila ng putik sa laman.

Sa istorya, sexually incompatible sina Tino at Chan dahil kapwa sila top. Bitin ang kanilang pagtatalik. Nagkasundo sila na humanap ng ibo-bottom, at doon pasok sa palayok si Joaquin.

Miggy Jimenez, Cedrick Juan, and Paolo Pangilinan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa totoong buhay ay parehong straight sina Miggy at Cedrick, at pareho silang may girlfriend.

Kasama pa ni Cedrick ang kanyang syota na nagngangalang Karen sa special screening ng Two And One noong Oktubre 3, 2022, Lunes ng gabi, sa isang mall sa Quezon City.

Kuwento ni Cedrick, "Maraming nagtatanong lalo na po nung lumabas yung trailer… siyempre may mga nagtatanong kay Karen personally.

"Ako, may mga friends ako na gusto nilang malaman personally kung ano ang reaksyon ni Karen.

"Feeling ko, kaya hindi po siya naging mahirap at first, kasi actress din po si Karen. Theater actress din po siya.

"So yung judgment, wala po siya agad. Kasi naka-base po kami sa script, and bakit siya ginagawa.

"And as an artist, alam po namin yung role namin sa society. So kung tutuusin, hindi siya about sa akin.

"About po siya sa nire-represent ni Cedrick kay Joaquin sa society. Para mas mag-generate po siya ng mga questions ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So in-explain ko po sa kanya."

Supportive ang girlfriend ni Cedric.

Patuloy ni Cedric, "Kung tutuusin po, siya pa ang ka-throw lines ko.

"Tapos para na-practice namin sa relationship namin na laging i-challenge yung mga norm.

"So, lagi naming tatanungin kung bakit ganito, ganyan. Basta constructively pinag-uusapan namin yung mga bagay-bagay. Kaya hindi po siya talaga naging isyu…

"Sa process po, simula nag-start and during filming it, wala po siyang limitations sa akin.

"Kasi, nandun po ang tiwala niya sa akin not to overdo everything and nandun din po yung guidance, and may tiwala po talaga sa set."

Taong 2008 nag-umpisa sa teatro ang 32-anyos na si Cedrick. Apat at kalahating taon na ang relasyon nila ni Karen.

Streaming ang Two and One umpisa bukas, Oktubre 5, Miyerkules, sa Vivamax Plus. Mapapanood ito sa halagang PHP499.

HOT STORIES

GORGY RULA:

Kagaya ng kasintahan ni Cedrick, batid ng girlfriend ni Miggy kung gaano kapangahas ang papel niya sa Two In One.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Feeling ko, it boils down to a good time to communicate and sit down and talk things through," lahad ng 23-anyos na si Miggy, na isa sa hosts dati ng children’s show na Tropang Potchi.

"Kasi, hindi lang naman din yung sarili ko ang kino-consider ko. Siyempre, everyone around me also, my mom.

"“Isa rin siya sa walk through na kailangan ko ring suriin. Kailangan mo rin silang i-enlighten, na kailangan mong i-explain talaga.

"But pumupunta pa rin dun yung suporta. Yung suporta pa rin na kailangan mo to keep you going.

"Kasi feeling ko, pag nasa isang relationship ka tapos wala naman yung support, I feel like ahhmm… hindi siya, like, okay.

"Hindi ka rin mamo-motivate na gawin yun. Kasi parang hindi na natutuwa yung other half mo."

Kanino siya mas na-challenge magsabi, sa GF niya o sa mom?

"Kay mommy. Kay mommy!" natatawang pag-amin ni Miggy.

Dumalo ang mommy ni Miggy sa special screening, pero nagsabi agad ito sa kanya na hindi nito tatapusin ang panonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Miggy, “Kasi she wasn’t really ready and I understand. I do understand. I can feel the support and how proud she is.

"But yeah, again, I have to respect and when she’s ready, I’ll make her watch it. I’ll watch it with her."

Birthday ng mom ni Miggy ngayong Oktubre 4, Martes. Baka raw hindi nito kayaning panoorin ang bold and daring scenes ng bunsong anak.

"Ayaw lang niya sigurong ma-overwhelm and stuff," pakli ni Miggy.

Nasa cast din ng Two and One sina Raquel Monteza, Shirley Fuentes, at Phoemela Baranda.

NOEL FERRER:

Ibang klase na namang mapangahas na handog ito ng Vivamax Plus starting tomorrow. Two and One equals threesome.

Yung “two” ay top, at yung additional “one” ay power bottom. Mas commercial at mas Vivamax title ba sana ang Tuwad? Very IdeaFirst ang Two and One. Hehehe!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cedrick Juan (left), ka-throwlines pa ang girlfriend nang siya ay nagre-rehearse para sa role niya sa Two And One. Mas na-challenge naman si Miggy Jimenez (right) na ipaliwanag ang mapangahas niyang role sa kanyang ina kaysa sa nobya.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results