Watch Now

Robin Padilla, boluntaryong sumailalim sa drug test; mandatory ba dapat ito sa mga artista?

by PEP Troika
Oct 5, 2022
Robin Padilla drug test
Robin Padilla, sumailalim sa voluntary drug test hindi para obligahin ang mga kapwa artista kundi sa paniniwala sa kampanya laban sa droga.
PHOTO/S: @robinhoodpadilla Instagram

GORGY RULA:

Pinangunahan ni Senator Robinhood Padilla ang magpa-drug test sa PDEA ngayong araw ng Miyerkules, October 5, 2022.

Kamakailan ay ipinanukala ni Surigao del Norte Second District Representative Ace Barbers na dapat magkaroon ng mandatory drug testing sa mga artista bago sila bigyan ng trabaho.

Bilang taga-showbiz pa rin naman si Robin, nauna na siyang dumulog sa PDEA para magpa-drug test, at nakuha naman ang resulta na negatibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Robin Padilla voluntary drug test

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nang humarap sa media kanina, sinabi ni Robin na hindi lang artista kundi pati mga kabataan at iba-ibang sektor ng lipunan ang nabibiktima ng droga.

Hindi raw kailangang "mandatory" kundi magkusang-loob na raw ang mga tao sa pakikipagtulungan sa "gyera laban sa droga."

Halos karamihan sa mga taga-showbiz ay wala namang pagtutol sa panukalang ito. Pero sana hindi lang naman daw sa showbiz lang.

Maaring may kaugnayan ito sa pagkahuli kay Dominic Roco sa isang drug buy-bust operation sa Quezon City noong nakaraang weekend.

Isa sa hiningan ng reaksyon ng PEP Troika ay si Paolo Contis.

Ani Paolo, “Okay lang naman sa akin gawin mandatory yun. Pero hindi lang dapat sa mga artista. I think dapat lahat naman ng sector, meron niyan."

Sinubukan din naming kunan ng pahayag si Dingdong Dantes para sa grupong AKTOR, pero hindi pa siya nakasagot. Nasa taping pa siya ng Family Feud.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

OK naman sa akin ang drug testing pero dapat sa lahat ng sektor, hindi sa showbiz lang.

Iyung kaso ni Dominic Roco ay napalaki dahil artista siya, pero marami rin namang guilty rito mula sa iba’t ibang sektor.

Sana rin, mas wholistic ang pag-address sa drug problem kaysa maging reactive lamang.

Get to the root cause of things, ayusin ang kalidad ng buhay ng mga tao at gabayan sila simula pa lang.

At dapat iyung mga namumuno, talagang magsilbing magandang halimbawa. Follow the leader talaga dapat, di ba?

JERRY OLEA:

Nakakawindang ang naulinigan ko na sandamukal na celebrity at starlet ang nakadroga sa isang malaking event kaya wagas ang kanilang walwalan.

Ang ending, sandamukal sa nag-party-party ang nagpositibo sa COVID-19 sa pagtitipong iyon. Nakakalukring!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla, sumailalim sa voluntary drug test hindi para obligahin ang mga kapwa artista kundi sa paniniwala sa kampanya laban sa droga.
PHOTO/S: @robinhoodpadilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results