Miggy Jimenez, may kuwento sa likod ng laplapan scenes nila nina Paolo at Cedrick

by PEP Troika
Oct 7, 2022
Paolo Pangilinan, Cedrick Juan, Miggy Jimenez for Two and One
Miggy Jimenez, Paolo Pangilinan, at Cedrick Juan (L-R) idinaan sa biruan ang mga mapangahas na eksenang ginawa nila sa Two And One. Hirit daw minsan ni Cedrick: "O, gusto mo, bigyan mo ako ng baon sa kinain mo?"
PHOTO/S: Vivamax

JERRY OLEA:

Maselan at mapangahas ang istorya at ilang eksena ng pelikulang Two and One, na streaming umpisa Oktubre 5, 2022, Miyerkules, sa Vivamax Plus.

Love story ito ng dalawang 23-anyos na gay na sina Tino Galanza (Miggy Jimenez) at Chan Gerona (Paolo Pangilinan) na parehong top kaya bitin ang kanilang pagniniig.

Nagkasundo sila na humanap ng makaka-threesome na bottom, at napili nila ang 32-anyos na gay surfer na si Joaquin (Cedrick Juan) na hiwalay sa asawa.

Dumalo sina Miggy at Cedrick sa special screening ng Two And One nitong Oktubre 3, Lunes ng gabi, sa isang mall sa Quezon City.

Ayon sa direktor na si Ivan Andrew Payawal, may prior commitment si Paolo kaya hindi ito naka-attend sa preview.

Openly gay si Paolo, samantalang parehong straight sina Cedrick at Miggy, na pareho ring may girlfriend sa kasalukuyan.

Ayon kay Cedrick, hindi siya nag-hesitate na gawin ang steamy scenes sa pelikula.

Pahayag ng 32-anyos na si Cedrick, "Unang-una, sa stage ko po unang nagawa magkaroon ng intimate scene with a guy.

"Tapos dito po kasi, napakahalaga sa akin na nandito ako sa bahay ko, nasa IdeaFirst Company ako.

"And sobrang trusted ko po si Ivan. Five years mahigit ko na ata siyang kilala dahil sa IdeaFirst.

"So, hindi po ako nahirapan dahil very open po sila and nadya-justify kung bakit namin kailangang gawin yung mga eksena."

Taong 2015 unang nakipaghalikan si Cedrick sa kapwa lalaki sa stage play na Bilanggo ng Pag-ibig.

Handog iyon ng Dulaang UP, at idinirek ni Jose Estrella. Tampok din dito sina JC Santos, Brian Sy, at Tarek El Tayech.

Umamin naman ang 23-anyos na si Miggy na nagkaroon siya ng reluctance sa bold and daring scenes ng Two and One.

Pagtatapat ni Miggy na dating kasali sa children’s show na Tropang Potchi, "Yes of course, I had thoughts. Kailangan ko po talagang kausapin yung sarili ko.

"Kailangan ko po munang i-process yun, pero yun nga, like what Cedrick said po na ginabayan kami nang malala ng management namin which is The IdeaFirst Company with Direk Perci Intalan, with Direk Jun Lana, Direk Ivan, everyone.

"Pinalawak nila sa amin at ipinaintindi nila sa amin kung bakit din namin gagawin yun in the first place and kung bakit ganun yung dynamics, yung story.

"Bakit ganun yung characters. With that, namulat din kami para magkaroon kami ng rason pa, para mas kumapit po.

"Mas gawin yung mga eksena the way they should be presented."

Two and One

NOEL FERRER:

Ano ang pakiramdam nina Miggy at Cedrick habang pinapanood sa big screen ang kanilang pelikula?

Napabuntung-hininga si Miggy, "Shocking po. Shocking! Pero siguro po, mas nangingibabaw yung overwhelming na feeling. Mixed emotions.

"Kasi, unang-una sa lahat, I’m proud of it. I’m proud of the work that we did.

"At the same time, siyempre meron akong mga reflection lang po sa sarili ko na yun pala ang mga ginawa namin.

"Kasi, may tendency ako na hindi ko napapansin yung ginagawa ko while doing the scene.

"And then nakikita ko lang siya pag once pinanood ko na ang sarili ko. But I’m happy, I’m proud of what we did.

"No regrets po kasi, lahat naman po yun, may natutunan kami lahat. It’s a journey na one for the books. Sobrang one for the books!"

Hindi na nagulat si Cedrick nang matunghayan ang mga mapangahas na eksena nila nina Miggy at Paolo sa Two And One.

Paliwanag ni Cedrick, “Kasi, alam ko na kung ilang beses namin itong ginawa. Tapos kung ilang oras namin ito ginawa.

"Ilang beses naming ni-rehearse, pinag-usapan, jinustify kung bakit kailangang gawin ang mga bagay-bagay.

"Siguro mas proud. Mas sobrang nakaka-proud. Kasi, ako sa sarili ko, deep inside, wala akong nararamdaman na kahit anong negative.

"Masaya akong pinapanood siya. To be honest po, masaya ako at kinikilig ako. At napa-proud ako na ganun yung nararamdaman ko.

"Kasi, ibig sabihin unti-unting bumubukas yung mundo. At mas nire-recognize natin kung ano ba talaga yung dynamics ng pagiging tao.

"So, masaya akong pinapanood siya. Kinikilig ako talaga!"

Dapat yata magkaroon na rin ng tagline ang Vivamax na parang sa Seiko Films before na "If it’s from Seiko, it must be good." Ano sa tingin ninyo ang bagay na blurb para sa Vivamax? Totoo bang sex to the max?

GORGY RULA:

Dalawahan man o tatluhan, halos magkagatan o magngatngatan sina Miggy, Cedrick, at Paolo sa mga eksenang nakakadarang sa Two and One.

Paano nila pinaghandaan ang kanilang umaatikabong laplapan? At ano ang lasa?

Natatawang sagot ni Cedrick, "Paano yung umaatikabong laplapan? Basta lagi po kaming nag-aano, sabi namin, 'O, after dinner, mouthwash muna kayo, o toothbrush muna kayo.'

"Just to make sure, 'O, gusto mo, bigyan mo ako ng baon sa kinain mo?' Ha! Ha! Ha! Ayun.

"Basta ako, hindi ko po yun unang nagawa sa screen. Nauna ko siyang nagawa sa stage. Ang masasabi ko lang—walang gender yung labi.

"Yun yung nararamdaman ko nung ginagawa ko ito. Saka ako po kasi, nandito ako sa point na hindi ko po iniisip yung sinasabi ng ibang tao.

"Kasi, ginagawa ko po yung role ko sa society. And parang kahit ano pong gawin mo, parang meron at meron pa ring masasabi.

"So, might as well gawin natin yung trabaho natin nang may professionalism and yun po, nang wala kang tinatapakang ibang tao. So consented naman po lahat."

Seryosong lahad naman ni Miggy, "It was good. I mean masarap siya. Kasi I mean… you don’t get to do that every day, di ba?

"Parang yun na nga, parang again uulitin ko po, it was awkward, ano? It was really awkward so bakit gagawin pa naming awkward pa lalo?

"So might as well enjoy it na lang tapos ibigay namin yung respect namin sa characters namin, which is… deserved kasi ng characters namin yun, e!"

Dagdag ni Cedrick, "Kung tutuusin, sana parang normal lang ito. Sana wala yung parang… bakit ganyan, kasi ganyan, same gender ang inaano mo. Kasi, nangyayari naman siya.

"Come on, kumbaga parang it’s 2022. Alam ko it’s not for everyone pero siguro, ang pinakauna lang pong mawala sa atin ay nandun agad ang judgment.

"Kasi at the end of the day, pare-parehas po tayong tao. Pare-parehas tayong may emotions. Pare-parehas tayong nagmamahal.

"Kaya sana, mawala yung ganitong notion. Pero alam ko, dapat siyang pag-usapan para mas lalo siyang ma-address nang maayos.

"Basta constructive, basta walang judgment, walang hate. Walang kailangang may masaktan."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miggy Jimenez, Paolo Pangilinan, at Cedrick Juan (L-R) idinaan sa biruan ang mga mapangahas na eksenang ginawa nila sa Two And One. Hirit daw minsan ni Cedrick: "O, gusto mo, bigyan mo ako ng baon sa kinain mo?"
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results