Kych Minemoto at Gold Aceron, posibleng ma-in love sa isa't isa

by PEP Troika
Oct 7, 2022
Kych Minemoto, Gold Aceron
Gold Aceron (right and center facing the camera) on good qualities of Kych Minemoto (left and center looking away): "Una sa lahat guwapo, mabait, maalaga, napakagaling na artista. Yung ngiti pa lang… pag nginitian ka pa lang. Hindi malabo, lahat ng tao 50 percent may chance. Hindi natin masabi, e."
PHOTO/S: @kychminemoto IG / May-December-January / @goldaceron IG

GORGY RULA:

Napagod na raw sa kasasagot si Kych Minemoto sa paulit-ulit na tanong tungkol sa kanyang sexual preference.

Nakatsikahan namin si Kych sa DZRH nung Miyerkules, October 5, 2022, kasama sina Gold Aceron, at Andrea del Rosario na bida rin sa pelikulang May-December-January.

Kaya tinanong namin bakit ayaw na niya itong sagutin. Ani Kych, "Kasi sa totoo lang po, ilang beses na po ako natanong ng tanong na iyan. I think this time, ayoko na siyang sagutin. Siguro pagod na ako.

"Kasi hindi na siya importante kung bakla ka o tomboy ka. As long as wala kang tinatapakang tao, nirerespeto mo bawat taong nakakasalamuha mo, okay ka, di ba?

"Feeling ko, kailangan na nating i-normalize ang mga ganung bagay. Kasi, kailangan natin mag-cope up sa nangyayari sa mundo, e. Sa ibang bansa, wala na rin sa kanila yun.

"Sa atin na lang iyung konting pag-iintindi na lang, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganun na rin ang pananaw ni Gold sa ganung bagay. Hindi na raw isyu sa kanya sakaling ma-fall siya sa kapwa lalaki.

"Never ko pa siya na-experience. Pero if ever na dumating yung time na iyan, di natin masasabi. Kasi lahat ng tao, 50 percent may chance iyan.

"Kasi for example, eto hindi ko naman ito gusto, tapos araw-araw ko namang kasama, halos two months kaming magkasama sa isang bubong. Siyempre nakilatis ko yung ugali.

"Alam kong maganda ang ugali, mabuting kasama, pangmatagalan siya. So, alam mo yun, hindi na siya dapat pigilin, e," pahayag ng aktor na inihalintulad sa kanilang pelikula.

Kaya ewan ko kung para sa promo ng pelikula. Pero bukas ang dalawang lead actors ng pelikulang ito sa posibilidad na magkagustuhan sila sa isa’t isa.

Guwapo naman daw si Kych at mabait, bakit hindi, di ba?

"Una sa lahat guwapo, mabait, maalaga, napakagaling na artista. Yung ngiti pa lang… pag nginitian ka pa lang. Hindi malabo, lahat ng tao 50 percent may chance. Hindi natin masabi, e,” napangiting sagot ni Gold.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Kych, "Gaya nga po ng nasabi ni Gold, posible e. Kaibigan ko po si Gold, matagal na kaming nagkakasama. Nag-overnight po kami sa kanya-kanyang bahay namin. Pumupunta po siya dun sa bahay namin. Nag-hang out kami.

"Kilala ko na po si Gold. Napakabait, napakaalaga. Kahit sino naman siguro na tao na bibigyan nang pagpapahalaga, siguro posible. Hindi mo rin masasabi e."

Kaya kumportable na sila sa mga eksena nilang dalawa sa May-December-January na magsu-showing na sa mga sinehan sa October 12, Miyerkules.

NOEL FERRER:

Napangiti na lang si Andrea sa mga sinabi nina Kych at Gold. Aniya, "I’m not judging. I realized how complicated talaga the life is. Makikita natin sa pelikula yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Makikita natin sa pelikula yun, you know. Tulad nga ng sinasabi ni Kych that it can happen just to anybody.

"That’s how love works. Love knows no boundaries. Race, age, color, whatever. It can happen to anyone."

JERRY OLEA:

Versatile kapwa sina Gold at Kych. Pareho ring mapangahas. Nag-best actor si Gold sa Cinema One Originals 2019 filmfest sa pagganap bilang 14-anyos na intersex sa Metamorphosis.

Sa Ivan & Jack episode ng Unlocked (2020) anthology, gumanap si Ivan bilang vidjakol boy na nagbabatibot online sa mga matatandang bakla. Gumanap dito bilang ina niya si Evelyn Vargas. Nag-streaming ito sa GagaOOLala.

Sa online series na Beki Problems (2020), gumanap si Gold bilang boylet ng bidang si Chad Kinis. Nag-streaming ito sa HeyPogi.

Sa Pinoy BL series/anthology na Love at the End of the World (2022), gumanap si Gold bilang bading na tauhan sa beach resort na umibig sa depressed character ni Nicco Loco. Streaming ito sa GagaOOLala at Vivamax Plus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pelikulang Scorpio Nights 3 (2022) na nag-streaming umpisa noong Hulyo sa Vivamax, gumanap naman siya bilang estudyante na nahumaling sa online sex worker na si Christine Bermas. Kabugan sila rito ng prosthetic penis ni Mark Anthony Fernandez.

Sa May-December-January—na may theatrical showing—ay bading garcia na naman ang papel ni Gold.

Sa pelikulang Selina’s Gold—na nakatakdang mag-streaming sa Oktubre 28 sa Vivamax—kakaiba at mapaghamon muli ang papel ni Gold. Co-stars niya rito sina Jay Manalo at Angeli Khang.

Pinukaw naman ni Kych ang aking pansin sa pag-eksena niya sa Pinoy BL series na Gameboys (2020) bilang flamboyant at effem na si Achilles de Dios, na hopia at asado kay Terrence (Kyle Velino).

Sa TV5 romcom series na I Got You (2020), matinee idol ang dating ni Kych bilang love interest ni Chantal Videla.

Sa pelikulang Pa-Thirsty (2022)—na spin-off ng Gameboys at nag-streaming sa Vivamax noong Hulyo—hayan na naman ang naghuhumiyaw na kakyondian ni Kych bilang Achilles—na naghubo’t hubad at power bottom sa bi na si Ali (Alex Diaz).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon sa “calendar movie” na May-December-January ay lalaki muli ang karakter ni Kych, na naipit sa pagitan ng mag-inang sina Andrea at Gold.

Ang istorya nito ay walang kinalaman sa pelikulang April, May, June (1998) na pinagbidahan nina Agot Isidro, Chin Chin Gutierrez, at Alma Concepcion.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gold Aceron (right and center facing the camera) on good qualities of Kych Minemoto (left and center looking away): "Una sa lahat guwapo, mabait, maalaga, napakagaling na artista. Yung ngiti pa lang… pag nginitian ka pa lang. Hindi malabo, lahat ng tao 50 percent may chance. Hindi natin masabi, e."
PHOTO/S: @kychminemoto IG / May-December-January / @goldaceron IG
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results