Watch Now

Mga bigating artista, susuporta sa first lead role sa teleserye ni Herlene Budol

by PEP Troika
Oct 7, 2022
herlene budol sophisticated
Herlene Budol on her co-stars in Magandang Dilag; “Nakakatuwa po na ang dating tinitingala ko at iniidolo kong artista, makakatrabaho ko na ngayon. Pasensiya na po kung hindi ko magawa agad at baka magkamali ako minsan, kasi bago po talaga ito sa akin.”
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram

GORGY RULA

Ginanap ang story conference ng bagong afternoon drama series ng GMA-7 na maglulunsad kay Herlene Budol bilang lead actress ngayong Biyernes ng hapon, Oktubre 7, 2022.

Read: Pagbibidahang afternoon drama series ni Herlene Budol sa GMA-7, tuloy na tuloy na

Hindi na siya makikilalang si Hipon Girl, kundi Magandang Dilag na magiging title ng naturang project.

Nakuha ng GMA-7 ang rights ng kantang ito sa Star Records, pero wala pa silang napagpasyahan kung sinong Kapuso balladeer ang kakanta nito.

Bukod kay Benjamin Alves, si Rob Gomez ang isa pang partner ni Herlene sa Magandang Dilag.

Bongga rin ang iba pang major support sa seryeng ito. Si Sandy Andolong ang gaganap na mother ni Herlene, at may special participation si Christopher de Leon.

Kasama rin sa serye sina Adrian Allandy, Chanda Romero, Pamela Prinster, at suportado pa ng beauty queens na sina Maxine Medina at Bianca Manalo. Si Maxine daw ang main kontrabida ni Herlene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagkakaalam ko, first series ito ni Bianca sa GMA-7. Hindi lang siya nakadalo sa story conference kanina dahil nasa Amerika pa ito.

Malaking challenge ito kay Herlene kaya nagpapasalamat siya sa GMA-7 sa magandang break na ibinigay sa kanya.

“Nakakatuwa po na ang dating tinitingala ko at iniidolo kong artista, makakatrabaho ko na ngayon.

“Pasensiya na po kung hindi ko magawa agad at baka magkamali ako minsan, kasi bago po talaga ito sa akin,” pahayag ni Herlene sa storycon ngayong araw.

Si Jorron Monroy ang direktor ng Magandang Dilag.

JERRY OLEA

Socmed post ng Binibining Pilipinas ngayong Oktubre 7, Biyernes, bago mag-storycon ang Magandang Dilag, “She is ready to conquer the solar system.

“Binibining Pilipinas 1st Runner Up - Herlene Nicole Budol is the official representative of the Philippines to Miss Planet International on November 19, 2022 in Kampala, Uganda.

“Let us all give our support to Herlene on her journey to bring home our 1st Miss Planet International crown.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat si Herlene sa Bb. Pilipinas sa pagpapaunlak sa request ng manager niyang si Wilbert Tolentino.

“Wish granted po. My heart is full of Gratitude,” sey ni Herlene sa socmed.

Siyempre pa, tuluy-tuloy ang suporta kay Herlene ng mga KaSquammy, KaHiponatics at KaBudol!

Take note na si Maxine Medina ang pangunahing kontrabida kay Sanya Lopez sa First Yaya, ang TV program na pinakamalakas at pinakamaganda ang ratings last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaasam nating maghahatid din ng magandang suwerte si Maxine sa Magandang Dilag!!!

NOEL FERRER

Bago matapos ang buwang ito ay magkakaroon ng break sa taping dahil maghahanda na si Herlene sa laban niya sa Miss Planet International sa Uganda.

Ayaw ni Herlene na pagsabayin ang taping at training. Gusto niyang isang buwan siyang maghahanda sa laban niya sa Miss Planet International.

Kaya malamang, aabutin ng susunod na taon ang taping, at bandang first quarter of 2023 na ang airing ng Magandang Dilag.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol on her co-stars in Magandang Dilag; “Nakakatuwa po na ang dating tinitingala ko at iniidolo kong artista, makakatrabaho ko na ngayon. Pasensiya na po kung hindi ko magawa agad at baka magkamali ako minsan, kasi bago po talaga ito sa akin.”
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results