Watch Now

Therese Malvar, kinilig ba sa first kiss niya kay Jeric Gonzales?

by PEP Troika
Oct 8, 2022
Therese Malvar
Therese Malvar on kissing scene with Broken Blooms co-star Jeric Gonzales: “Akala ko daya. 'Tapos, yun pala gagawin pala namin para mas true and genuine yung love sa screen. Grabe! Pero sa tulong po ni Direk Louie, naging comfortable yung set. Kasi, dyinu-joke niya para mas light."

JERRY OLEA

Smack lang ang kiss ni Therese Malvar kay Angel Aquino sa pelikulang Ang Huling Cha-Cha ni Anita (2013).

Sa pelikulang Broken Blooms, may love scene na si Therese with Jeric Gonzales. Na-awkward ba siya?

Therese Malvar
Jeric Gonzales

Pag-amin ni Therese, “Nung una, na-awkward ako. Kasi, nagulat po ako na, ‘Ay! May kissing scene pala, Direk Louie Ignacio?!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Therese Malvar
Jeric Gonzales
Direk Louie Ignacio

“Akala ko daya. 'Tapos, yun pala gagawin pala namin para mas true and genuine yung love sa screen.

“Grabe! Pero sa tulong po ni Direk Louie, naging comfortable yung set. Kasi, dyinu-joke niya para mas light.

“Kaya hindi ko na-feel na uncomfortable. Saka with Jeric kasi, tinutulungan din niya ako na maging comfortable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So parang… in fairness talaga sa mga scene na akala ko hindi ko kakayanin—like yung mga kissing scenes—nakaya ko naman.”

Prinaktis ba nila ni Jeric yung kissing scenes?

Napatili si Therese, “Hindi ho! Hahahaha! First ko yun sa isang guy na talagang hindi lang smack. First ko yun.

“Pero hindi namin napraktis. Sabi ko, ‘Oh my God! Hindi ako marunong!’ Hahahaha! Pero in fairness naman daw!”

Naikuwento na ba niya iyon sa parents niya? Ano ang reaksyon nila?

“Actually, ang funny nito, si mommy kasi, hindi na niya binabasa yung script,” salaysay ni Therese.

“Pero ikinuwento ko na may kissing scene. Ikinuwento rin ni Direk Louie at Tito Ferdy [Lapus] na may kissing scene.

“Hindi siya naniniwala! Akala niya, joke time! Nasa set po siya noon pero sakto, wala siya nung kunan ang eksena.

“Kaya feel ko, magugulat siya pag pinanood niya ito. Kasi, hindi siya naniniwala talaga.

“Thankfully, hindi naman strict ang parents ko kaya I could do anything as long as maganda po yung istorya talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakachikahan ng PEP Troika si Therese sa mediacon nitong Oktubre 7, Biyernes ng gabi, sa Cafe Ylang-ylang ng Manila Hotel.

GORGY RULA

First mature role ni Therese Malvar ang pelikulang Broken Blooms, kung saan gumanap siya bilang misis ni Jeric Gonzales.

“May tiwala po kasi ako kay Direk Louie Ignacio at kay Direk Ralston Jover na talagang nag-push o nagpabuo sa pelikulang ito, lalo na kay Engr. Benjie,” sambit ng 22-anyos na multi-awarded actress.

Si Direk Louie ang nagdirek ng movie, mula sa panulat ni Direk Ralston. Si Engr. Benjie Austria ang nagprodyus para sa film outfit niyang BenTria Productions.

Pagpapatuloy ni Therese, “Kasi ang ganda po talaga ng story na ito. Parang… nagtiwala ako kay Direk Louie na sa pag-transition ko sa mature role, maganda pa rin ang istorya.”

Napanood na ni Therese ang ilang bahagi ng Broken Blooms, at ipinagmalaki niyang may puso talaga ang pelikula.

“It’s a simple story pero ramdam mo yung puso sa mensahe. Parang buhay po talaga siya. Parang glimpse of life,” lahad ni Therese.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumustang kaeksena si Jeric, pati na si Jaclyn Jose na gumanap bilang biyenan niya?

Napangiti si Therese, “Si Ms. Jaclyn Jose, sobrang tuwang-tuwa po ako sa kanya. Kasi, marami akong natutunan sa kanya.

Jaclyn Jose

“Yung professionalism niya, yung creativity niya. Kasi sa bawat eksena, uma-adlib po iyan.

“And perfectionist po siya, ngayon ko lang nalaman na she likes every scene to be perfect the way she wants it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s so nice and so refreshing to see an actress do that, ganun.

“Kay Jeric naman, sinasabi namin ni Direk Louie na parang, ‘Wala, iba ka dito. Iba ka sa pelikulang ito!’

“Sobrang galing ni Jeric dito. Sobra. Ahh, ibinigay niya lahat. And nag-effort talaga siya na maging natural at maganda yung pag-arte niya sa bawat eksena kaya nakaka-proud.”

NOEL FERRER

Nakaapat na Best Actor awards na si Jeric para sa Broken Blooms. May napanalunan din for this film sina Jaclyn at Therese.

Pero bago iyon syinuting, pareho nang multi-awarded actress sina Therese at Jaclyn. Na-pressure ba noon o na-intimidate si Jeric?

“Ngayon, kita naman, o!” pagmumuwestra ni Therese sa mga certificate ng pagkilala sa kanilang movie.

Therese Malvar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Therese Malvar

“Bumabawi naman, bumabawi naman! At saka without the awards, magaling. Gumagaling naman si Jeric, in fairness.

“Sabi nga niya, na-pressure nga siya. Dyinu-joke niya sa amin, na-pressure siya.

“Pero hindi halata sa bawat eksena. Talagang he makes an effort na… yung hindi siya nilalamon.

“In fairness talaga sa kanya, ang galing niya sa bawat eksena.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Therese Malvar on kissing scene with Broken Blooms co-star Jeric Gonzales: “Akala ko daya. 'Tapos, yun pala gagawin pala namin para mas true and genuine yung love sa screen. Grabe! Pero sa tulong po ni Direk Louie, naging comfortable yung set. Kasi, dyinu-joke niya para mas light."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results