Watch Now

Diego Loyzaga, sobrang proud sa kanyang "blended family"

by PEP Troika
Oct 9, 2022
Diego Loyzaga and Franki Russell on Pabuya
Diego Loyzaga (shown with Pabuya co-star Franki Russell) on his recent bonding sessions with his "blended family": “It’s so nice, one thing happy family. Finally, after how many years. Sobrang sarap sa pakiramdam.”
PHOTO/S: Pabuya

GORGY RULA

Hanggang "friendship" lang ang inamin nina Diego Loyzaga at Franki Russell, pero ibang closeness daw ang kanilang pagkakaibigan. Kaya ipinakilala na pala ni Diego si Franki sa kanyang pamilya.

Nakatsikahan namin sa DZRH ang dalawang bida ng pelikulang Pabuya na streaming na sa Vivamax, at napag-usapan namin ni Diego ang magandang samahan ng pamilya lalo na sa kanyang amang si Cesar Montano.

Nasaksihan daw ni Franki ang closeness ni Diego sa kanyang ama, lalo na sa mga kapatid sa current partner nito.

“It’s such an awesome family. Both sides that I love seeing Diego like bonding with them. Like singing, sharing stories.

“It’s a modern family, right? A beautiful family,” pahayag ni Franki nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Huwebes, October 6.

READ: https://www.pep.ph/pepalerts/cabinet-files/167618/cesar-montano-sandra-seifert-son-a734-20220805

READ: https://www.pep.ph/lifestyle/parenting/168655/sunshine-cruz-meet-cesar-montano-kids-with-kath-angeles-a5128-20220924

Natutuwa raw siyang makita si Diego na sinisikap nitong maka-bonding ang kanyang ama.

“May kasalanan nga ako kay erpat this week, e. Hindi ko alam na magkaka-promo ako, itong Tuesday and Thursday,” kuwento ni Diego.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m supposed to see him this week. Ang cute pa, kasi siya ang nag-reach out nitong huli lang.

“Sabi niya, ‘Libre ka bang ano na ito?’ Sabi ko, ‘Yeah Dad.’ kaso nga lang biglaang may promo. 'Tapos, medyo na-guilty lang ako na hindi ko siya nakita.

“But It’s nice na ganun na yung bonding namin. Ganun na kami ka-close ulit. The past is the past. We moved on so quickly.

“I was able to work with him, yun nga sa MIM. So, many future projects together with him sana,” pakli ni Diego.

“It’s just so nice, Angelina just spent her 21st birthday, and we were all in Batangas.

“Seeing my Dad with his new partner, and Tita Shine there, si Ate Kat, Tita Shine, my three siblings, ahhh…

“It’s so nice, one thing happy family. Finally, after how many years. Sobrang sarap sa pakiramdam,” dagdag ni Diego.

NOEL FERRER

Kahit daw ang Mama niyang si Teresa Loyzaga ay okay na okay na rin daw sa Daddy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lagi lang daw niyang tinutukso ang Mama niya sa kanyang ama para asarin lang ito.

“They’re okay. They’re great! Inaasar ko lang si Mama palagi. Napipikon siya kapag inaasar ko siya, e.

“Pero that’s just a joke. It’s just between us na family,” sambit ni Diego.

Kahit ang mga kapatid daw niya sa current partner ng Daddy niya ay close na rin sa kanya.

“Liam, Kristine and Samio… and si Sam yung middle child, and got along right away.

“Siyempre, sobrang bata pa nila, e. And he always calls me ‘hey bro! Hey bro!’ He remembers me. ‘Remember, you’re my best friend, you’re my best friend.’ Sobrang cute.

“Parang ano… keep on seeing kids lately, like.. it’s like the message from the universe to me. It’s really cute having little bulilits running around.”

Ito na ang katotohan ng blended families ngayong makabagong panahon. Peaceful and happy co-existence ang hangad nila!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Ratsada pa more and more ang Vivamax!

Ang pelikulang Girl Friday nina Angeli Khang, Jay Manalo, Jela Cuenca at Massimo Scofield na nag-streaming umpisa Setyembre 30, Biyernes ay tinanghal siyempre na Top Movie of the Week.

Noong Oktubre 5, Miyerkules ay nag-umpisa nang mag-streaming sa Vivamax Plus ang pelikulang Two and One kung saan legit ang threesome nina Miggy Jimenez, Paolo Pangilinan at Cedrick Juan.

P499 ang bayad para mapanood ang Two and One, kung saan nag-plaster ang tatlong bida.

Nag-plaster din ang mga lalaki sa pelikulang Pabuya na nag-streaming umpisa Oktubre 7, Biyernes sa Vivamax. Inaasahan nating ito ang bagong Top Movie of the Week, lalo pa’t first time na naghubad dito si Franki Russell, at nagtalop na nang wagas si Diego Loyzaga.

Palpak ang editing sa isang eksena ng pagniniig nina Diego at Franki. Sa umpisa ay nakapantalon si Diego at kita ang gray brief niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biglang ipinakita na walang anumang saplot si Diego, and then, naka-brief siya, bago nagkaroon uli ng shots na wala siyang underwear.

Sa isang mapangahas na eksena ni Felix Roco ay nag-hello ang konting plaster sa kanang bahagi ng kanyang harapan.

Bukas, Oktubre 9, Linggo ay ikatlo at penultimate episode na ng erotic series ni Janelle Tee na AN/NA.

Sa Oktubre 14, Biyernes ang Vivamax streaming ng pelikulang Relyebo nina Christine Bermas, Jela Cuenca at Sean de Guzman.

Kasado na sa Oktubre 21, Biyernes ang streaming naman ng Tubero nina Angela Morena, Vince Rillon at JC Tan.

Sa Oktubre 23, Linggo ang pilot ng seryeng Secrets of A Nympho kung saan bida sina Rhen Escaño, Ayanna Misola at Arron Villafor. Ito ang unang collab ng Vivamax at Rein Entertainment.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga (shown with Pabuya co-star Franki Russell) on his recent bonding sessions with his "blended family": “It’s so nice, one thing happy family. Finally, after how many years. Sobrang sarap sa pakiramdam.”
PHOTO/S: Pabuya
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results