Watch Now

Dating Sexy Actress na nag-init kay Dating Sexy Actor, "nagwagi" kaya?

by PEP Troika
Oct 16, 2022
Silhouette of a woman and man about to kiss, set against a red curtain background.
Nadarang? "Tama na, please! Nagagalit na, e," pakiusap ni Dating Sexy Actor kay Dating Sexy Actress.

JERRY OLEA

Hindi mapigil ang init ng isang dating sexy actress nang makasabay niya ang isang dating sexy actor sa guesting sa isang TV show.

Nagkasama sila sa ilang pelikula kaya naging magkaibigan sila. Matagal na silang hindi nagkita kaya nang magtagpo sila sa studio, mahigpit ang kanilang yakapan bilang batian.

Legit na jumbolicious si Dating Sexy Actor kaya siguro hindi mapakali si Dating Sexy Actress kapagkuwan.

Pabalik-balik si Dating Sexy Actress sa dressing room ng mga lalaking panauhin para makipag-chikahan kay Dating Sexy Actor.

Pagkatapos ng guesting, umiral ang kapilyahan ni Dating Sexy Actress.

Pumulupot siya kay Dating Sexy Actor, bumulung-bulong at ipinasok ang mapaglarong palad sa loob ng T-shirt ni Dating Sexy Actor.

Nadarang si Dating Sexy Actor sa panghaharot at panggigigil ni Dating Sexy Actress.

Nakiusap ang talap-talap pa ring hombre sa mapanuksong babae, “Tama na, please. Nagagalit na, e!”

NOEL FERRER

My gosh!

Mga lumang nilalang sa industriya na may naging puwang sa kasikatan noon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilala ko itong si Dating Sexy Actor dahil paborito pa siyang ipinta-pinta ng mga artist at proven ang kadakilaan.

Si Dating Sexy Actress, dumaan din sa kasikatan pero basta naglaho na lang.

Magkakaroon ba sila ng second wind? Dumapo ba sa mapanuksong pugad ang angry bird?

GORGY RULA

Nagulat ang mga staff ng TV program, kasi medyo may edad na rin itong dating sexy actor pero makisig pa rin.

Sabi nga nila, tiyak na hindi lang itong si Dating Sexy Actress ang maglalaway, pati ang kilalang character actress na dati ring nagmahal nang tunay sa Dating Sexy Actor.

Pinag-uusapan pa ng mga staff hanggang ngayon kung nagwagi ba si Dating Sexy Actress.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadarang? "Tama na, please! Nagagalit na, e," pakiusap ni Dating Sexy Actor kay Dating Sexy Actress.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results