Watch Now

Maria Clara at Ibarra, Abot Kamay Na Pangarap patuloy sa pamamayagpag sa ratings

by PEP Troika
Oct 18, 2022
maria clara at ibarra abot kamay na pangarap
Bukod sa pagpuri ng mga manonoood, patuloy ring namamayagpag sa rating ang GMA-7 primetime series na Maria Clara at Ibarra, tampok sina Barbie Forteza, Dennis Trillo, at Julie Anne San Jose (kaliwa); at ang Kapuso afternoon drama series na Abot Kamay Na Pangarap, na pinagbibidahan nina Carmina Villarroel at Jillian Ward (kanan).
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Naniniwala akong malakas talaga sa televiewers ang pang-GMA Telebabad na Maria Clara at Ibarra nina Dennis Trillo, Barbie Forteza, at Julie Anne San Jose; at ang Kapuso afternoon drama series na Abot Kamay Na Pangarap nina Carmina Villarroel at Jillian Ward.

May ilan akong non-showbiz friends na nagsabing hindi raw talaga sila bumibitaw sa dalawang seryeng ito ng GMA-7.

Keber daw nila nung minsang na-bash ang Abot Kamay na Pangarap, basta gandang-ganda raw sila sa kuwento. Lagi rin daw silang nabibitin sa cliffhanger ng Maria Clara at Ibarra.

Kaya maaring hindi lang sila, kundi marami pa ang natutuwa sa dalawang seryeng ito na consistent na mataas ang ratings.

Magkasunod na 9.2% ang rating ng Abot Kamay na Pangarap nung Huwebes, October 13, at Biyernes, October 14, 2022.

Nung Lunes, October 17, ay naka-8.3% ito.

Ito ay base sa datos ng AGB NUTAM Nielsen Phils.

Sa totoo lang, sakalam talaga ang Afternoon Prime ng GMA-7 dahil hindi lang itong serye nina Jillian at Carmina ang mataas kundi bongga rin ang ratings ng mga kasunod nitong drama series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sumusunod na Return to Paradise nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva ay naka-8.2%, at ang Nakarehas na Puso ay naka-6.7% noong Biyernes.

As usual, ang bongga pa rin ang Family Feud ni Dingdong Dantes na naka-12.2%.

Nung Lunes naman ay okay pa rin ang rating ng mga panghapong drama bukod sa Abot Kamay Na Pangarap.

Ang Return to Paradise ay 7.1%, at ang Nakarehas na Puso ay 6.5%.

Pero lalo pang bumongga ang Family Feud nang naglaro ang mga dating taga-That’s Entertainment at mga produkto ng Ang TV. Naka-13.4% ang episode na ito ng game show ni Dingdong Dantes.

Ang Maria Clara at Ibarra naman ay naka-14.5% nung Biyernes, at 14.8% naman nung Lunes, October 17.

JERRY OLEA

Ramdam nating sakalam sa ratings ang Maria Clara at Ibarra, pati na Abot Kamay Ang Pangarap.

Ie-extend kaya ang mga ito?! Strike while the iron is hot, 'ika nga.

Kaya happy-happy tayo na extended hanggang next year ang Family Feud ni Dingdong Dantes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Family Feud ni Dingdong Dantes, extended

Nakakalukring na mas mataas pa minsan ang ratings ng Abot Kamay Ang Pangarap kesa sa Start-Up PH, na pinagbibidahan nina Alden Richards at Bea Alonzo.

Nawindang din ako sa tsika ng isang showbiz uzi na kesyo kasabay ng What We Could Be na magwawakas na ang primetime series nina Alden at Bea. E, ang alam namin, hanggang December pa ang Start-Up PH.

Nabalitaan din ng PEP Troika na ikinakasa na ang next primetime series ni Bea sa GMA-7.

Wala pa kaming update kung kailan na yung movie na pagtatambalan nina Bea at Alden.

At any rate, noong nakaraang Sabado ay naka-10.7% ang 24 Oras Weekend, samantalang 1.7% ang TV Patrol.

Ang Pepito Manaloto ay 11.1%, at 4.1% naman ang Everybody Sing.

Ang Running Man ay 13.2%.

NOEL FERRER

Habang naghihintay ng GMA News TV, dun ko napapanood ang Lolong at Maria Clara at Ibarra, na nagugustuhan ko dahil kitang-kitang binubusisi at pinaghihirapan. Kaya hindi kataka-taka kung bakit namamayani ito sa ratings ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nung Sunday naman, heto ang naging pasya ng viewers:

All-Out Sundays, 5.1%; ASAP Natin ‘To, 2.8%

GMA Blockbusters, 3.6%; FPJ Da King, 3.7%

The Wall, 4.5%; Regal Studio Presents, 4.4%; Amazing Earth, 7.5%

24 Oras 13.7%; TV Patrol Weekend, 1.7%

Happy ToGetHer, 12.1%; Everybody Sing 3.7%

Running Man, 14.7%; Kapuso Mo Jessica Soho, 17.1%; The Boobay and Tekla Show, 5%

Muli, isang sukatan ang numero. Pero sana, ang kalidad din ay alagaan para ang programa’y hindi maging puchu-puchu lang.

Sa susunod, sana may programa rin sa NET25 at TV5 at kung saan man maging breakthrough hit dahil habang parami nang parami ang mga ganyang magagandang panoorin… ang audience talaga ang panalo!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa pagpuri ng mga manonoood, patuloy ring namamayagpag sa rating ang GMA-7 primetime series na Maria Clara at Ibarra, tampok sina Barbie Forteza, Dennis Trillo, at Julie Anne San Jose (kaliwa); at ang Kapuso afternoon drama series na Abot Kamay Na Pangarap, na pinagbibidahan nina Carmina Villarroel at Jillian Ward (kanan).
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results