Watch Now

Start-Up PH nina Bea Alonzo at Alden Richards, di totoong maagang tatapusin

by PEP Troika
Oct 19, 2022
alden bea party
Tapos na ang taping ng GMA primetime series nina Alden Richards at Bea Alonzo na Start-Up PH, at pagkatapos nito ay nagkaroon ng cast party at birthday celebration na rin ni Bea.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Pinabulaanan ng ilang taga-Start-Up PH ang tsismis na kesyo mapapaaga ang ending ng primetime series na ito ng GMA-7.

Ang kinumpirma sa amin ay natapos na ang taping ng buong season.

Masaya raw ang produksiyon dahil maganda ang feedback na nakuha nito. Pinuri raw ito ng Korean producers dahil nagandahan sila sa Pinoy adaptation nito.

Masaya nga raw nang matapos ang taping kaya nagkaroon sila ng cast party nung Martes ng gabi, October 18, 2022.

start-up ph bea alden

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bale thanksgiving na rin daw nila ito at birthday celebration na rin ng lead actress ng Start-Up PH na si Bea Alonzo. Noong Lunes, October 17, ang 35th birthday ni Bea.

bea alonzo birthday cake

Inaasahan ng produksiyon na marami pang magkakainteres na subaybayan ang Start-Up PH dahil paganda nang paganda na raw ang takbo ng kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababa ang ratings nito kung ikukumpara sa mga dating programa ng GMA-7 na nasa timeslot nito, pero umaasa ang mga taga-produksiyon na tataas pa ito.

Kumbaga ay slow burn lang daw. Pero puwede pang pumalo pataas dahil gumaganda na ang takbo ng kuwento.

Umabot na sa 11% ang rating nito nung nakaraang linggo. Pero nung Lunes, October 17, ay naka-9% lang ito, at nung Martes ay 9.2% naman.

NOEL FERRER

Good luck at sana nga slow burn lang at tumaas pa ang rating nito sa mga susunod na araw.

Yung Lolong ni Ruru Madrid, kahit na tapos na ang taping ng buong serye ay nag-effort talaga sa pagpo-promote tulad ng Lolong In The City, regional activations, at iba pang online efforts.

Sana makatulong din ito sa pagpu-push for a greater audience share sa Alden-Bea tandem.

At ang pelikula nila, tuloy pa ba? Let’s wait and see.

Diyan makikita kung ano ang tunay na nagma-matter at nagpapasok ng audience —ang materyal ba, ang tandem or both. Malamang, all of the above.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

All the best!!!

JERRY OLEA

Pinakasakalam na teleserye ng 2021 ang First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion na normal nang nasa line of 2 ang ratings.

Para sa 2022, ang pinakaumariba sa ratings, so far, ay ang programang nagpatatumba sa FPJ’s Ang Probinsyano, ang Lolong ni Ruru Madrid.

Hindi umabot sa line of 2 ang ratings ng Lolong. Ito na siguro ang pinakamalakas na serye for this year.

Itong Start-Up PH, hirap maka-maintain ng two digits.

Kung meron mang Kapuso programs na dapat magdiwang, ito ay ang Maria Clara at Ibarra nina Barbie Forteza, Dennis Trillo, at Julie Anne San Jose; ang Family Feud ni Dingdong Dantes; at ang Abot Kamay Ang Pangarap nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.

Ang sabi nga ng isang legit na Kapuso, mas mataas ang ratings ng The World Between Us ni Alden Richards with Jasmine Curtis-Smith, kumpara sa Start-Up PH ni Alden with Bea Alonzo. Ito pa namang Start-Up PH ang unang serye ni Bea sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaasam nating mas bongga at mas mataas ang ratings ng susunod na Kapuso program ni Bea for next year.

Siyempre, ang pinananabikan nating programa for 2023 ay ang Voltes V: Legacy.

Dapat may follow-up project na rin si Ruru, di ba?

Gagawa na nga ba ng teleserye si Ruru with Bianca Umali? Parang mas exciting ba kung kay Sanya itambal si Ruru?

Teka! Babalik pa ba si Alden sa Eat Bulaga?!

Kuwelang kabatuhan ng Dabarkads si Ruru, huh?! At nababalitaan nating nananatiling mabait, mapagkumbaba at mahusay makisama si Ruru!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tapos na ang taping ng GMA primetime series nina Alden Richards at Bea Alonzo na Start-Up PH, at pagkatapos nito ay nagkaroon ng cast party at birthday celebration na rin ni Bea.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results