JERRY OLEA
Napapalunok si Rico Barrera habang binabasa ang script ng pelikulang Kabayo.
Kumpara sa forthcoming AQ prime movie niyang Cuatros, mas marami siyang sexy scenes dito.
“Every four scenes yata, may nangyayari!” natatawang sambit ng Pinoy Big Brother alumnus sa storycon noong Oktubre 23, 2022, Linggo, sa Fiyo Bagi restaurant, Sct. Borromeo St., Quezon City.
Bakit Kabayo ang pamagat ng pelikula? Meron ba itong tinutukoy na mala-kabayo, o ibig ipahiwatig?
“Actually, mababanggit ko siya sa isang sitwasyon, yung kabayo. Kasi, parang magkakaroon ng conflict,” tugon ni Rico.
“May involved rin naman talaga na kabayo. Alam naman natin, yung kabayo, medyo double meaning siya. So, medyo related talaga siya dun sa istorya.”
Paano niya ihahalintulad ang sarili sa kabayo? Anong katangian ng kabayo ang taglay niya?
“Siguro sa mga sitwasyon na hindi dapat mapagod. Kailangang tuluy-tuloy! Saka kailangan, kasinggilas ng kabayo. Ha! Ha! Ha! Ha!
“Saka willing sakyan. Ha! Ha! Ha! Ha! Di ba, ang kabayo, sinasakyan? So, medyo may pagkaganun nang konti. Ha! Ha! Ha!” maigting na halakhak ng 37-anyos na aktor.
All-out ba siya sa daring scenes sa pelikula?
Napakunot-noo si Rico, “Yun ang hindi ko pa alam. But as much as possible, siguro hanggang likod lang. Basta ano, huwag lang malaswa!
“Kahit papaano kasi, may mga endorsement pa rin ako na hinahawakan. May mga endorsement ako na wholesome.
“So, kailangang balansehin ko yung image ko. Sa ngayon, hindi pa ako puwede sa frontal nudity. With this one, pag-uusapan na lang kung paano ang adjustment.”
Ratsada nowadays sa sexy projects si Rico, samantalang noon ay patumpik-tumpik pa siya.
“Siguro as of today mas malakas ang loob ko. And siguro at my age, kahit paano I’m old enough sa mga bagay-bagay na ganun,” sambit ni Rico, na kasama rin sa cast ng pelikulang Oras de Peligro sa direksiyon ni Joel Lamangan.
Ang Kabayo ay first directorial job ni Gianfranco Morciano. Joint venture ito ng LDG Productions ni Lito de Guzman at Kabayo Films ni Manuel Veloso.
Kasama sa cast nito sina Julia Victoria, Apple de Castro, Francesca Flores, Angelo Ilagan, Paolo Rivero, at Ping Medina.
Ayon kay Lito de Guzman, mag-i-streaming ang Kabayo sa Vivamax.
ORGY RULA
Ilang beses nang nakatrabaho ni Rico Barrera si Direk Joel — noon pa man sa mga pelikulang Dukot (2009) at Sigwa (2010).
“Nung una, hindi ko pa alam ang ugali ni Direk Joel. So, pag nasa set, siyempre may tension,” lahad ni Rico.
“Tapos may line ako dun na medyo mali. Alam mo naman, by that time, agresibo si Direk Joel. Namura niya ako, at talagang pinagpawisan din ako.
“Tapos siyempre, may time din na hinintay niya yung isang artista, late sa set. Ganun pala siya.
“Ang maganda naman dun, after work naman, normal na pakikisama. I mean, sa trabaho lang. Na-gets ko ang ugali ni Direk Joel na ganun.
“Ang sa akin kasi, one of the best directors din si Direk Joey. Kasi, mas naa-unleash mo yung emotions mo. Kumbaga, yung better version mo, nailalabas niya.”
Looking forward si Rico na maidirek muli ni Direk Joel sa Oras de Peligro, kung saan tampok din sina Cherry Pie Picache, Allen Dizon, Therese Malvar, Jim Pebanco, at Nanding Josef.
NOEL FERRER
Kung noon ay may Totoy Mola (1997) na ang reference ay kabayo rin, ito ay Kabayo talaga ang tahasang title.
Sana nga, makapagdulot ito ng astig na resulta sa streaming platform at makapag-ambag man lang ito ng pag uunawa sa ating kahayupan.
Hayyyyyy… Pag-usad ba ito o pagbabalik? Pag-progress o pag-regress?
Oh well, ang pelikula, parang bansa lang…