Watch Now

Kathryn Bernardo-Daniel Padilla breakup rumors, fake news

by PEP Troika
Oct 30, 2022
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo
Walang katotohanan ang mga naglalabasang breakup rumors ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nitong nakaraang Biyernes, October 28, namataan ang dalawa na patuloy ang pagiging sweet sa isa't isa sa grand opening ng bagong boutique resort na pagmamay-ari nina Kathryn at Piolo Pascual.
PHOTO/S: Rachelle Siazon

GORGY RULA

Napanatag ang KathNiel fans sa isyung break-up nang makitang magkasama ang dalawa sa El Nido, Palawan.

Ipinost ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe na magkasama ang dalawa sa isang kabubukas na resort sa El Nido, Palawan nung Biyernes, October 28.

Tweet ni MJ, “This should shut down all the rumors. In El Nido with Kathryn and DJ @KathNiel.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbunyi ang KathNiel fans sa Twitter dahil nakitang magkasama silang dalawa.

May nagpu-post nang nagsasabing, “Just KathNiel beating the break up allegations.”

Sinamahan ni Daniel si Kathryn na nag-cut ng ribbon ng bagong bukas na resort kasama si Piolo Pascual. Nasubaybayan ng mga fans ang lakad ng dalawa, para maipakitang sweet pa rin sila.

Mula sa pagdating sa Lio airport sa Palawan na magka-holding hands na naglalakad, pati sa resort hanggang sa pagbalik ng Maynila ay nakunan nila at ipinost sa Twitter.

Kaya may ilang nagsasabing porke’t hindi lang sweet sa nakaraang presscon ng 2 Good 2 Be True, nag-break na?

Gusto lang nilang ipakitang walang makakabuwag sa magandang samahan ng magkasintahan.

Inihalintulad pa nila ang relasyon ng dalawa na parang paminta na pinipilit durugin.

NOEL FERRER

Isang malaking statement itong joint venture na ito ng KathNiel na ibang level na ang kanilang relasyon.

Huwag nang mabahala sa mga Maritess, kasi alam naman nila ang totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mukhang long term at nag-iisip na para sa kanilang future ang KathNiel at isang magandang halimbawa iyan sa mga couples na ka-batch nila.

Teka nga, karamihan nga sa mga relasyong kapanabayan nila ay nabuwag na nga. Sana, mapangatawanan ng KathNiel ang forever!

JERRY OLEA

Parang kailan lang na pawang namamayagpag ang mga tambalang AlDub, KathNiel, LizQuen at JaDine.

Sa ngayon ay itong KathNiel ang “last tandem standing,” ikanga.

Abang-abang tayo kung subok na matibay, legit na matatag nga ba ang partnership nina Kathryn at Daniel sakaling magwakas na ang teleserye nilang 2 Good 2 Be True!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walang katotohanan ang mga naglalabasang breakup rumors ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nitong nakaraang Biyernes, October 28, namataan ang dalawa na patuloy ang pagiging sweet sa isa't isa sa grand opening ng bagong boutique resort na pagmamay-ari nina Kathryn at Piolo Pascual.
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results