Watch Now

Family Feud ni Dingdong Dantes, kinabog ang mga teleserye sa ratings

by PEP Troika
Nov 2, 2022
Dingdong Dantes Family Feud ratings
Nakakuha ng 16 percent sa ratings ang Kapuso franchise game show na Family Feud noong Biyernes, October 27, 2022. Ang magkatunggaling teams ay Pinoy Pop Stars laban sa The Clash moms.
PHOTO/S: Family Feud

GORGY RULA

Muling nagtala ng napakataas na rating ang Family Feud ni Dingdong Dantes!

Naglaro ang grupo ng The Clash Moms versus Pinoy Pop Superstars nung nakaraang Biyernes, October 28, 2022, at naka-16% ito.

Ang bongga ng Family Feud dahil tinaasan pa nito ang mga drama series na nasa primetime at combined ratings pa. Dala siguro ng malakas na bagyong Paeng kaya nasa bahay lang ang mga tao, at tumutok sa mga programa ng GMA-7.

Sa hapon pa lang ay napakataas na ng Abot Kamay na Pangarap, na naka-11.1%. Sumunod ang Return to Paradise na naka-9.9%, at naka-9.4 percent naman ang Nakarehas na Puso.

Kahit ang Goblin na replay at nasa Netflix ay naka-7.4%.

Pagdating sa primetime ay naka-21.4% ang 24 Oras; at ang sumunod na Maria Clara at Ibarra ay naka-14.4%.

Ang Start-up PH ay 9.1%, at 5.4% ang Bubble Gang.

Lalong dumarami ang natutuwa sa Family Feud.

Dinig namin, nagpaparating na raw ng mensahe ang ilang pulitiko, sports celebrities, beauty queens, at pati mga bikini kontesero at kontesera na gustong maglaro sa sikat na game show na ito ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit daw si Janine Tugonon at mga kaibigang beauty queens ay tuwang-tuwa sa game show at gustung-gusto raw maglaro bago siya bumalik ng Amerika.

Malaking bagay ito kaya nagkakainteres ang ilang produkto na kuning endorser si Dingdong. Meron na ngang isang nagtanong sa akin.

Kamakailan lang ay nag-renew si Dingdong bilang brand ambassador ng MESA ng FoodDee Global Concepts.

Kasabay ng contract-signing ay in-unveil ang giant billboard sa taas ng MESA headquarters na matatagpuan sa One Corporate Central sa Mandaluyong

. Bahagi ng campaign nila ay ma-target ang 100 branches, hindi lang dito sa atin kundi pati sa ibang bansa.

HOT STORIES

JERRY OLEA

Nakakatuwa na naka-16% ang Family Feud noong Friday, considering na ang Wowowin: Tutok Para Manalo na nasa timeslot na iyon before ay 4% more or less ang rating.

Maganda na ang image bilang family man ay bonggang-bongga pa ang ratings ng Family Feud, kaya ayan at kinuha ng Unilab si Dingdong pati asawang si Marian Rivera bilang endorsers ng Ceelin Plus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Priority ng Kapuso Primetime King and Queen ang kalusugan ng mga anak nilang sina Zia at Sixto.

Pahayag ni Dingdong, “Parenting is a very challenging task. As we discover every day, andami naming natutunan.

"I think during this pandemic, bottomline is kalusugan ang pinakakailangan natin. We want to do so many things. Our kids want to do so many things.

"But the fact is that marami pang darating na mga hadlang, like viruses, and the only way to fight them is to have strong immunity.

"Marian especially needs a strong mindset because she’s a very hands-on mom. We are a tandem. Siya maghahanda, ako maghahatid at ako magsusundo.

"Mahalaga na dun pa lang sa prep stuff, kumbaga napapatibay at napapalakas na namin sila so that when they go to school, especially now it’s face-to-face, there’s a certain level of protection when they want to get into sports para alam natin na kayang-kaya ng katawan nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang bahagi ng advocacy ng ineendorsong brand nina Dingdong at Marian, noong Setyembre 13 ay nag-distribute sila ng vitamins sa mga bata sa Obispado de Cubao, Quezon City, sa harap ng Immaculate Conception Cathedral, na venue ng kanilang kasal noong 2014.

Dumalo roon sina Bishop Jose Colin M. Bagaforo na national director ng Caritas Philippines, Fr. Ronnie Santos na director ng Caritas Cubao, at mga madre mula sa Kidapawan City, Cotabato.

Marian Rivera and Dingdong Dantes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magpu-full blast ang partnership ng vitamins brand at Caritas Philippines, mula sa hitherlands ng Bontoc sa Mountain Province hanggang sa mga isla ng Tawi-tawi.

Pahayag pa ni Dingdong kaugnay sa kanyang impluwensiya at pagsuporta sa mga makabuluhang proyekto, "We recognize that all this is a gift, biyaya, that is given to us. Part of our responsibility is to really take care of these gifts at nagkakaroon kami ng platform to advocate for other things.

"So I think na tama lang na magamit natin sa wastong paraan ang mga ganitong bagay. Although puwede din namang hindi pero kami, we choose to do that.

"That’s why we support advocacies that are really close to our hearts. Yun talaga yung totoo, e. Mahirap kasi na gumawa ka ng isang bagay na taliwas sa paniniwala mo. Kaya para sa amin, parang second nature na rin ito.

"It doesn’t feel like work at all because for us this is a way of life already. It is a mission. We recognize that it is God-given."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Susog ni Marian, "Si Dong, palagi niya akong nire-remind na isa kami sa mga nabiyayaan na magkaroon ng ganitong klaseng trabaho at mahalin ng tao nang ganito.

"In return sa mga taong nagmamahal sa amin, nire-remind niya ako na, ‘Gamitin natin sa tama at wasto itong biyaya na binigay sa atin na makatulong tayo sa ibang tao.’

"Sinasabi niya, 'Ang dami mong followers so use it para makatulong ka sa ibang tao.’ Minsan kasi, pag nanay ka na, ang dami mo na ring ginagawa. Minsan, hindi mo na alam kung saan ka pupunta.

"Si Dong na lang nagsasabi, 'Focus kung anong gusto mo. Focus on ano talaga ang nasa puso mo.'

"Ayaw din namin gumawa ng plataporma na hindi namin pinaniniwalaan at wala din yun sa puso namin.

"So, sa bawat post namin at ginagawa namin, gusto namin na nagre-reflect yun sa amin at nakikita yun ng mga taong nagmamahal sa amin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dingdong Dantes and Marian Rivera

Aktibo ang mag-asawang Dingdong at Marian sa mga proyekto at adhikain nila. Through the years, tumutulong sila sa mga nasalanta ng bagyo.

Advocate si Marian ng breastfeeding at supporter ng Smile Train. Nagtatag naman si Dingdong ng Yes Foundation.

NOEL FERRER

Noong Sabado, October 29, ang 24 Oras ay naka-17.3%, samantalang 2.6% ang TV Patrol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Pepito Manaloto ay naka-15.3%, at 4.2% ang Everybody Sing. Nakakuha naman ng 14% ang Running Man Philippines.

Noong Linggo, October 30, ang season ender ng Happy ToGetHer ni John Lloyd Cruz. Naka-13.1% ito. Baka sa January 2023 na raw magbabalik ang sitcom ni Lloydie.

Nakatakda na raw ang resume ng taping ng sa susunod na buwan. Papalitan ng Daig Kayo ng Lola ko ang timeslot na maiiwan ng sitcom ni JLC.

Samantala, mataas pa rin ang rating ng mga programa ng GMA-7 nung Linggo, October 30. Naka-5.6% ang All-Out Sundays, at 5.6% din ang GMA Blockbusters.

Naka-4% ang katapat na FPJ Da King. Ang The Wall ay 6.5%, at 6.5% din ang Regal Studio Presents.

Replay episode ang Amazing Earth, pero naka-9.9% pa ito. Pagdating sa primetime, naka-15.9% ang 24 Oras, at 2.7% ang TV Patrol.

Ang Running Man ay 16.1%, at 15.7% ang Kapuso Mo Jessica Soho.

Replay naman ang episode ng The Boobay and Tekla Show, at naka-3.7%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Teka, nanood ako ng Korina Sanchez at Karen Davila tapatan sa Korina Interviews sa NET25, ano kaya ang rating niyon?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakakuha ng 16 percent sa ratings ang Kapuso franchise game show na Family Feud noong Biyernes, October 27, 2022. Ang magkatunggaling teams ay Pinoy Pop Stars laban sa The Clash moms.
PHOTO/S: Family Feud
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results