Korina Sanchez interview kay Piolo Pascual, mag-trending din kaya?

by PEP Troika
Nov 5, 2022
Korina Sanchez Karen Davila
Nag-trending ang interview ni Korina Sanchez (kaliwa) kay Karen Davila (kanan) sa kanyang Korina Interviews show sa Net25 kamakailan. Milyon ang inabot nitong views sa Tiktok at marami ring nag-share sa social media. Kaabang-abang ang susunod na episode ng Korina Interviews bukas ng Linggo, November 6, 5:00pm, kunsaan si Piolo Pascual ang kanyang featured interviewee.
PHOTO/S: Facebook (Korina Sanchez - Roxas)

GORGY RULA

Nagpasalamat sa entertainment press ang bagong appoint na Presidente ng NET25 na si Caesar Vallejos dahil tinulungan sila sa promo ng mga bagong programa ng naturang istasyon.

Isa na rito ang Korina Interviews na ang daming nag-abang sa interview ni Korina Sanchez-Roxas kay Karen Davila.

Sabi ni Ka Caesar na kabi-birthday lang, maganda ang feedback sa episode na yun ni Korina, at ang lakas daw sa social media.

Millions na raw ang inabot na views sa TikTok at ang dami pang nag-share sa naturang episode.

Malaking challenge din tuloy kay Korina para sa mga susunod niyang episode dahil ang dami nang nagsa-suggest kung sino pa ang inaasahan nilang interbyuhin ng premyadong broadcast journalist.

Kaya effort din sa kanya ang susunod na episode kung saan lumipad pa siya pa-Palawan nung nakaraang linggo kahit nananalasa na noon si bagyong Paeng.

Naimbitahan kasi si Korina sa opening ng bagong resort sa El Nido, Palawan kung saan sina Kathryn Bernardo at Piolo Pascual ang nag-cut ng ribbon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatsikahan doon ni Korina ang KathNiel at iba pang celebrities na dumalo, pero si Piolo ang naka-one on one interview niya roon para sa Korina Interviews.

Sulit daw ang interbyung yun ni Korina, na kahit muntikan na silang ma-stranded sa Palawan dahil sa malakas na bagyo, keri lang dahil ang dami naman niyang napaamin kay Papa P.

Abangan ito bukas ng 5:00 pm sa NET25 bago mag-Love, Bosleng and Tali.

JERRY OLEA

“He’s much more than an award-winning actor and forever hunk,” patungkol ni Ate Koring kay Piolo kaugnay sa kanilang talastasan.

“Piolo is in love. And am so happy for him.”

The entire team from the NET25 TV show flew to Lio Estate in El Nido, Palawan to catch Piolo in his element and to meet his latest amore: Isla Amara, a seaside boutique resort.

He is hands-on and recently launched it with co-owner actress Kathryn Bernardo and a few other partners.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Walang permanente, especially in show business. At a young age in the US, I already learned the value of work and income, and saving up and investing to make wealth grow. So that’s what I’m making sure I’m doing,” pahayag ni Piolo.

Alam ba ninyo na nagtrabaho si Piolo bilang sekyu sa Oscars Red Carpet? Na nagtrabaho siyang clerk sa isang ospital? Na mahilig siyang kumain ng pusit?

NOEL FERRER

Napanood ko ang interesting na interview ni Korina kay Karen, and yes, I’m sure tataas pa ang standards ng team nila para mag-interview pa ng ibang hot personalities at newsmakers.

May suggestion ako na interesting at for sure, si Korina ang may first crack dito kung nagkataon. Sana ma-interview niya nang probing at masinsinan ang asawa niyang si Mar Roxas.

Maraming puwedeng itanong kay Mar in a no-holds-barred interview with his wife, tulad na lang ng bali-balitang sasama raw ito sa kasalukuyang cabinet ng Presidente. Ito na ba ang hudyat ng unity talaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kayo, ano pa ang puwedeng itanong at gawin ni Korina sa programa niya kung sakali?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-trending ang interview ni Korina Sanchez (kaliwa) kay Karen Davila (kanan) sa kanyang Korina Interviews show sa Net25 kamakailan. Milyon ang inabot nitong views sa Tiktok at marami ring nag-share sa social media. Kaabang-abang ang susunod na episode ng Korina Interviews bukas ng Linggo, November 6, 5:00pm, kunsaan si Piolo Pascual ang kanyang featured interviewee.
PHOTO/S: Facebook (Korina Sanchez - Roxas)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results