Watch Now

Pia Wurtzbach, suportado ni Jeremy Jauncey ang pagtakbo sa New York Marathon

by PEP Troika
Nov 7, 2022
pia wurtzbach jeremy jauncey new yor marathon
Pia Wurtzbach on finishing New York Marathon: "I’m so happy that I get to share this moment with Jeremy, since he was the first person to know that this was a secret dream of mine."
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram

GORGY RULA

Ilan sa mga kaibigan naming nakabase sa New York ay nagtiyagang naghintay para abangan ang pagtakbo ni Miss Universe 2015 Pia Wurztbach sa New York City Marathon, nitong Linggo, November 6, 2022 (Lunes, November 7, sa Pilipinas).

Nag-post si Pia sa Instagram na matagal na pala niyang wish makasali sa marathon, at suportado siya ng nobyo niyang si Jeremy Jauncey.

Bahagi ng IG post ni Pia, “I’m so happy that I get to share this moment with Jeremy, since he was the first person to know that this was a secret dream of mine.

“I kept it to myself for so long because I was embarrassed or maybe insecure about my athletic capabilities. Imagine saying, ‘I want to run a marathon’ when you don’t even run 10 minutes on a treadmill.

“Nahiya ako. But I wanted it! I had the vision in my head I just needed to make it into reality…and now here we are.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng ilang kaibigan naming nagbantay sa pagtakbo ni Pia, may mga Pinoy na nakabantay rin sa ibang kanto na dinaanan ng marathon. Nakakatuwa raw ang pag-cheer ng mga kababayan natin sa ating Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mas nakakatuwa raw ang suporta ni Jeremy kay Pia. Hindi ito sumali sa marathon, pero parang nakasali na rin dahil talagang sumusunod siya sa nobya.

Kasama raw ni Jeremy na nakatutok kay Pia ang kanyang social media assistant na kinukunan ang pagtakbo ng beauty queen.

Nakikita raw kung gaano ka-proud si Jeremy kay Pia. Comment nga niya sa IG post ng nobya, “My baby-SO PROUD OF YOU (face emoji blowing a kiss).”

Read: Pia Wurtzbach on relationship with Jeremy Jauncey: “I feel so safe in the relationship.”

NOEL FERRER

Gustung-gusto kong nakakabalita ng kahit na ano kay Pia Wurtzbach.

Parang napaka-fresh at masaya lang ang feed niya. Spontaneous at hindi mabigat.

And with her posts now with Jeremy? It’s just so full of love. Kitang-kita na she’s coming from a real happy place.

Kaya naman people are asking, malapit na nga ba silang lumagay sa tahimik?

Bagay talaga sila. At nakakakilig pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Game na, Pia and Jeremy, all the best to the both of you!!!

JERRY OLEA

Nakakatuwa ang pagtakbo ni Pia sa New York City.

Hindi naman siguro tatakbuhan ni Pia iyong isang bagong isyu sa kanya. Totoo bang malaki ang dapat bayarang buwis ni Pia sa BIR mula sa kita niya sa social media accounts niya?

Kung ano’t ano man, nakaagapay si Jeremy sa Miss Universe ng kanyang buhay!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Wurtzbach on finishing New York Marathon: "I’m so happy that I get to share this moment with Jeremy, since he was the first person to know that this was a secret dream of mine."
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results