Watch Now

Jeric Gonzales, natupad na ang pangarap maging award-winning actor

by PEP Troika
Nov 10, 2022
jeric gonzales smiling
Jeric Gonzales on giving his best in Broken Blooms: “Goal ko talaga na ipakita dito yung acting skills ko. Kasi siyempre, wala pa akong napapatunayan, e, in terms of films. It’s my first lead role. So, nung sinabi po sa akin ito, talagang sinabi ko, paghahandaan ko talaga ito. Sabi ko, gagalingan ko talaga dito sa film na ito."
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Ang laki ng in-improve ni Jeric Gonzales nang nakatsikahan namin siya sa kanyang solo presscon para sa pelikulang Broken Blooms sa Pandan restaurant ngayong Huwebes, November 10, 2022.

Magsu-showing na sa mga sinehan ang Broken Blooms sa December 14.

Read: Jeric Gonzales, hindi uurungan ang "paghuhubad" sa launching movie

Sa tingin namin ay lalong gumuwapo si Jeric na mala-"oppa" ang dating at confident na siya sa kilos at pagsasalita.

Maaaring malaki ang nagawa ng mga magaganda niyang projects sa GMA-7 at sunud-sunod pa ang pagkapanalo niya ng award sa apat na international film festivals sa iba’t ibang bansa.

Dahil sa kanyang pagganap sa Broken Blooms ay nakuha ni Jeric ang Best Actor award mula sa Harlem International Film Festival, Mokho International Film Festival at Tagore International Film Festival sa India, at Montelupo International Film Festival sa Italy.

Nakatakda ring lumaban ang pelikula sa Saskatchewan International Film Festival sa Canada kung saan nominado rin si Jeric sa Best Actor category.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

jeric gonzales broken blooms

Jeric Gonzales in a scene from Broken Blooms

Dahil dito, malaki ang pasasalamat ni Jeric sa BenTria Productions at kay Direk Louie Ignacio sa napakagandang break na ibinigay sa kanya.

Sobrang nagpapasalamat din siya sa GMA-7 dahil sa magandang career plan na ibinibigay sa kanya.

Ang laki raw ng naitulong ng Start-Up PH sa kanyang career, at excited siya sa susunod niyang gagawin dahil ibang-iba ito sa mga nagawa niyang project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ibang-iba po. Kasi ako mismo, babaguhin ko talaga yung atake ko dito.

"I’m sure ibang Jeric po yung makikita nyo, in terms of physical and sa acting, and sa story,” napapangiting pahayag ni Jeric.

Magpu-focus muna raw si Jeric sa kanyang career, at makakapaghintay naman daw ang love life.

“Hindi ko po sinasarado siyempre yung pintuan ko sa love life. Kung darating po, bakit hindi.

“Pero for now, I will hold on to the moment na meron ako. From Broken Blooms to Start-Up na, finally, matagal ko na po kasi hinihintay itong break na ito, e, sa Start-Up.

“Thanks to GMA first, to Alden [Richards] and to everyone who recognized me.

And, yun po, looking forward to the next project na mas gagalingan ko, mas ibang Jeric yung ipapakita ko, and that’s what I’m working now,” pahayag ni Jeric.

Read: Why Jeric Gonzales will always be grateful to Alden Richards

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Kahit iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Rabiya Mateo, sinabi ni Jeric na hindi sila nagkabalikan ni Rabiya. Pero hindi raw niya isinasara ang posibilidad na maging maganda ang kanilang love life pagdating ng tamang panahon.

“Sa ngayon po, we’re good friends. Sinusuportahan namin ang isa’t isa. Hindi kami nagsasarado ng pinto.

"We’re both focused sa career. I’m sure, she had a good path din, e. Nasa TiktoClock pa siya ngayon,” sabi ng Kapuso actor.

Diretsahan siyang tinanong kung off ba muna sila ngayon ni Rabiya. Dahil parang on and off ang kanilang relasyon.

“Sa ngayon po talaga we decided to focus on our career,” safe na sagot ni Jeric.

Read: Jeric Gonzales, tahimik lang sa balitang nagkabalikan sila ni Rabiya Mateo

JERRY OLEA

First time makita ni Jeric sa mediacon yung mga certificate ng pagkapanalo niyang best actor sa iba’t ibang international filmfest.

jeric gonzales best actor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat si Jeric sa production ng Broken Blooms, pati na sa co-stars niya, partikular sa multi-awarded na sina Jaclyn Jose at Therese Malvar.

Lahad ng Kapuso hunk actor, “Yun po talaga ang dream ko, maging award-winning actor. Nung ginawa po namin ito ni Direk Louie [Ignacio], goal ko talaga na ipakita dito yung acting skills ko.

“Kasi siyempre, wala pa akong napapatunayan, e, in terms of films. It’s my first lead role. So, nung sinabi po sa akin ito, talagang sinabi ko, paghahandaan ko talaga ito.

“Sabi ko, gagalingan ko talaga dito sa film na ito. Nagkaroon po kami ng workshops. Before pa kaming mag-start ng shooting, nag-usap kami ni Direk Louie nang masinsinan.

“Iyong kuwento, hinimay namin talaga. And with Direk Ralston Jover [scriptwriter], ikinuwento niya po sa akin kung paano niya ginawa yung karakter kong si Jeremy, yung struggles niya sa story.

“So, malinaw na malinaw po sa akin bago ko ito gawin. Kaya na-inspire talaga ako… I’m blessed, I’m thankful na na-recognize ang Broken Blooms, lalo na ako as a best actor sa iba’t ibang international film festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napakalaking karangalan po ito.”

Aminado si Jeric na nanghinayang siya at hindi niya personal na natanggap ang mga parangal sa kanya.

“Kasi, dream ko talaga na maka-attend ng mga film festival. Sabi ko nga kay Sir Ferdy Lapuz [creative producer], 'Ito po talaga ang dream ko, kahit maka-attend lang, kahit hindi ako manalo,'” saad ni Jeric.

“Pero ayun po, pinalad. Nanalo.”

Na-pressure ba siya na co-stars niya sina Jaclyn at Therese? Sinabi naman ni Therese sa naunang presscon ng Broken Blooms kamakailan sa Manila Hotel na ang galing talaga rito ni Jeric…

“Thank you po, thank you po! Pero yun nga po yun, nung una pa lang, nung na-cast itong mga kasama ko rito, sabi ko, lahat ito, may award,” salaysay ng Kapuso hunk actor.

“At hindi basta-basta. Kasi si Ms. Jaclyn Jose, best actress ng Cannes. And then si Therese. Sina Royce, Boobay, Tito Lou [Veloso], magagaling sila lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, naging good pressure po yun sa akin. Na-challenge po ako. Actually, si Direk Louie, tsina-challenge talaga niya ako.

“Binabanggit niya yun, ‘Mga award-winning ang mga kasama mo dito. Kailangang makasabay ka,’ ganun.

“And I know, sinasabi nila sa akin yun para ma-motivate ako lalo. Ma-challenge ako.”

Pangatlong pelikula pa lang ni Jeric itong Broken Blooms. Maikli lang ang papel niya sa first two movies niyang Dementia at Hustisya na parehong pinagbidahan ni Nora Aunor at pareho ring ipinalabas noong 2014.

“After doing Broken Blooms, naging confident po ako as an actor,” pagngiti ni Jeric.

“Masasabi kong nakagawa ako ng isang film na makabuluhan, puro award-winning yung kasama ko. Award-winning yung direktor, yung writer.

“And nagawa ko nang maganda yung role ko. Isang achievement, milestone for my career. Bonus na lang po itong mga award kong ito.

“To be able na matapos ang film na yun is an achievement for me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales on giving his best in Broken Blooms: “Goal ko talaga na ipakita dito yung acting skills ko. Kasi siyempre, wala pa akong napapatunayan, e, in terms of films. It’s my first lead role. So, nung sinabi po sa akin ito, talagang sinabi ko, paghahandaan ko talaga ito. Sabi ko, gagalingan ko talaga dito sa film na ito."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results