JERRY OLEA
Pagpupugayan sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Phillip Salvador, Roi Vinzon, Helen Gamboa, Divina Valencia, Elizabeth Oropesa, Sharon Cuneta, at Alma Moreno bilang Icons ng Pelikulang Pilipino sa 5th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Gaganapin ang parangal sa Nobyembre 27, 2022, Linggo ng 7:00 p.m. sa makasaysayang Metropolitan Theater (MET) ng Maynila.
Ang programa ay ihu-host ni Boy Abunda, sa direksiyon ni Ice Seguerra.
Ang mga nominado sa kategoryang BEST ACTRESS ay sina Janine Gutierrez (Dito at Doon), Kim Molina (Ang Babaeng Walang Pakiramdam), Maja Salvador (Arisaka), Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon), at Alessandra de Rossi (My Amanda).
Ang mga nominadong BEST ACTOR ay sina John Arcilla (On The Job: The Missing 8), Christian Bables (Big Night), Dingdong Dantes (A Hard Day), Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon), at Piolo Pascual (My Amanda).
Ang mga nominadong BEST SUPPORTING ACTRESS ay sina Janice de Belen (Big Night), Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8), Eugene Domingo (Big Night), Elizabeth Oropesa (Huwag Kang Lalabas), at Rans Rifol (Kun Maupay Man It Panahon).
Ang mga nominadong BEST SUPPORTING ACTOR ay sina John Arcilla (Big Night), Mon Confiado (Arisaka), Christopher de Leon (The Missing 8), Ricky Davao (Big Night), at Dennis Trillo (On The Job: The Missing 8).
Nakakatuwa na pare-parehong nominado sina Christopher de Leon, Lotlot de Leon, at Janine Gutierrez — tatlong henerasyon ng mahuhusay na artista.
Sa Icons, si La Oropesa ay nominado rin bilang best supporting actress ng EDDYS 2022.
Bukod-tanging si John Arcilla ang nominadong artista sa dalawang acting category!
GORGY RULA
Virtual ang 4th EDDYS noong nakaraang taon kung saan humakot ang Fan Girl ng pitong tropeyo — best film, best director (Antoinette Jadaone), best actress (Charlie Dizon), best actor (Paulo Avelino), best screenplay (Antoinette Jadaone), best sound (Vincent Villa), at best editing (Benjamin Tolentino).
Ngayong 2022 ay face-to-face na ang EDDYS. Ang attire: Modern Filipiniana.
Magkatuwang ang mga nominadong BEST PICTURE at BEST DIRECTOR. Walang naligwak!
Ang mga ito ay Arisaka ni Mikhael Red, Big Night ni Jun Lana, Dito at Doon ni JP Habac, Kun Maupay Man It Panahon ni Carlo Francis Manatad, at On The Job: The Missing 8 ni Erik Matti.
Siyempre pa, may ibang awards pa para sa screenplay, cinematography, production design, editing, musical score, sound, original theme song, at visual effects. Abangan sa mga susunod na araw kung sinu-sino ang mga ito!
Kabilang sa pagkakalooban ng special awards sina Mario Dumaual (Joe Quirino Award), Eric Ramos (Manny Pichel Award), Rein Entertainment (Rising Producer Circle), at Viva Films (Producer of the Year).
Lima ang Isah Red Awardees — Gretchen Barretto, Kris Aquino, Alfred Vargas, Kapuso Foundation, at Sagip Kapamilya.
Kabilang sa officers at members ng SPEEd sina Eugene Asis, Tessa Mauricio-Arriola, Salve Asis, Maricris Nicasio, Gie Trillana, Dondon Sermino, Dinah Ventura, Nickie Wang, Ervin Santiago, Rohn Romulo, Rito Asilo, Dindo Balares, Neil Ramos, at Ka-Troikang Jerry Olea.
Advisers ng organisasyon sina Nestor Cuartero at Ian F. Fariñas.
NOEL FERRER
SPEEd celebrates the fifth edition of the EDDYS with the support of Fire and Ice Media and Productions, the company established by Liza Diño and Ice Seguerra.
Also lending their assistance for the festivities as a partner sponsor is Globe Telecom, with kind support from JFV Rice Mill, and Bataan Representative Geraldine B. Roman.
The auditing firm of Juancho Robles, Chan Robles & Company, CPAs, will serve as the votes auditor for the fifth EDDYS, as they did during previous editions of the event.
SPEEd, through the EDDYS, aims to encourage and raise the bar for Filipino filmmakers, producers, writers, actors, and other members who help create quality films that highlight their talent and creativity, sometimes on a global scale.
Sana talaga, this will help generate interest in enticing people back to cinemas. Harinawa.