Watch Now

Jeric Gonzales, nagalingan kay Therese Malvar sa kissing scene nila

by PEP Troika
Nov 11, 2022
jeric gonzales therese malvar
Jeric Gonzales on kissing scene with Broken Blooms co-star Therese Malvar: “Nagulat po ako nung ginagawa namin yung scene, siyempre ahhh… akala ko, magiging mahirap sa kanya. Pero ang lumabas, hindi! Magaling po talaga siyang aktres! Aktres talaga siya. Hindi siya nahirapan.”
PHOTO/S: Jerry Olea / 3:16 media Network

JERRY OLEA

First time makipaghalikan ni Therese Malvar sa isang lalaki yung kissing scene nila ni Jeric Gonzales sa pelikulang Broken Blooms.

Read: Therese Malvar, kinilig ba sa first kiss niya kay Jeric Gonzales?

“Ahhm, yun nga po, first kiss ako ni Therese in that film,” napapangiting sambit ni Jeric sa mediacon noong Nobyembre 10, 2022, Huwebes, sa Pandan Asian Cafe, Sct. Limbaga St., Quezon City.

“Kasi, first mature role niya rin yun, e, na naging mother siya. May anak siya. Asawa niya ako.

“At first, siyempre po, mahirap kasi first time niyang gagawin. Pero ako po, naging open po ako sa kanya.

“Sabi ko, ‘Just tell me kung ano yung mga dapat kong gawin para maging comfortable ka sa akin.’

“So, ayun po, nag-build po kami ng rapport sa set. And knowing Therese, ang galing talaga niyang aktres, e!

“Nagulat po ako nung ginagawa namin yung scene, siyempre ahhh… akala ko, magiging mahirap sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ang lumabas, hindi! Magaling po talaga siyang aktres! Aktres talaga siya. Hindi siya nahirapan.”

therese malvar jeric gonzales broken blooms

Magaling humalik ang 22-anyos na si Therese?

Natigilan sandali ang Kapuso hunk actor bago sumagot, “Ahhm, magaling po siyang humalik as an actress, oo. Nagawa po niya yung eksena talaga.”

Inamin ni Jeric na magaling din siyang humalik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Broken Blooms ay idinirek ni Luisito Lagdameo Ignacio mula sa panulat ni Ralston Jover. Initial presentation ito ng BenTria Productions.

Nasa cast din ng Broken Blooms sina Jaclyn Jose, Royce Cabrera, Norman Balbuena aka Boobay, Lou Veloso, Mimi Juareza, at Rico Barrera.

Ipalalabas ito sa mga sinehan sa Disyembre 14, kasabay ng Avatar: The Way Of Water.

GORGY RULA

Pinakamahirap na eksena para kay Jeric sa Broken Blooms ay yung breakdown scene niya matapos ang sunud-sunod na dagok sa karakter na ginampanan niya.

“Lahat ng frustration ni Jeremy, lahat ng sama ng loob niya, ilalabas niya in that scene,” sambit ng Kapuso hunk actor.

jeric gonzales broken blooms

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking hamon para kay Jeric na makaeksena ang mga mahuhusay na artista gaya nina Therese, Jaclyn, Royce, at Lou.

Pag-amin ni Jeric, “Lahat po ng eksena ko with Ms. Jaclyn Jose, talagang nai-starstruck pa rin po ako.

“Kasi, during blocking, pag ginagawa po ni Direk Louie ang blocking… hindi naman po ganun yung ginagawa ni Ms. Jaclyn, e. Kasi, ini-instruct lang siya, e.

“Pero during the take na, parang nag-iiba na po talaga siya. Nagta-transform. And yung mga ginagawa niya po is parang nakaka-amaze during the scene.

“So, parang may tendency ako na parang nagugulat po ako sa mga ginagawa niya, pero you have to continue the scene.

“Kasi, kailangan mong mag-commit. So, parang ganun po. Parang konti-konti minsan, napapatingin ka sa mga ginagawa niya.”

Inalalayan daw siya ni Jaclyn sa mga eksena, at sinabihang ang galing niya, kaya nagpasalamat si Jeric sa beteranang aktres.

“Meron po dung scene na kailangan ko talagang umiyak, mag-breakdown. So, tinulungan niya ako,” lahad ni Jeric.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero after the scene, sabi niya sa akin, ‘Magaling ka, magaling ka!’ Nag-blush ako. I feel ano talaga, thankful.”

Read: Jeric Gonzales, natupad na ang pangarap maging award-winning actor

Nahirapan pa ba siya sa eksenang naghubad siya?

“Hindi na po. Mas mahirap po talaga yung mabibigat na eksena. Dun kami nag-focus ni Direk Louie,” pahayag ni Jeric.

“In fairness to Direk Louie, pag may mga ganung eksena, binibigyan niya ako ng time to prepare.”

NOEL FERRER

Ang sarap lang marinig iyung comment na “ang galing-galing na artista ni ganito o ganyan,” nang lahat ay sumasang-ayon. Sana, dumating din sa puntong ganito si Jeric.

Buti na lang, open siya sa mga ganitong daring roles na puwedeng mag-challenge ng kanyang kakayahan bilang artista. Sana, hindi pa huli itong Broken Blooms.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales on kissing scene with Broken Blooms co-star Therese Malvar: “Nagulat po ako nung ginagawa namin yung scene, siyempre ahhh… akala ko, magiging mahirap sa kanya. Pero ang lumabas, hindi! Magaling po talaga siyang aktres! Aktres talaga siya. Hindi siya nahirapan.”
PHOTO/S: Jerry Olea / 3:16 media Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results