Herlene Budol nag-back out na sa Miss Planet International 2022

by PEP Troika
Nov 11, 2022
herlene budol in yellow
Hindi na matutuloy ang pagsali ni Herlene Budol sa Miss Planet International 2022 matapos "i-withdraw" ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino ang kandidatura ng comedienne-beauty queen sa problemadong international beauty pageant.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

JERRY OLEA

Back out na si Herlene Budol sa Miss Planet International!

Read: Miss Planet International 2022 sa Uganda, kanselado na?

Facebook post ng manager ni Hipon Girl na si Wilbert Tolentino ngayong Nobyembre 11, 2022, Sabado ng gabi (published as is):

“Due to uncertainties by the organizers, I have decided to withdraw Herlene Hipon Budol from the competition despite numerous attempt to fix some pageants debacles. It seems like the Ugandan Government has no initiative to intervene.

“We apologize to the supporters, who were rooting for since day one. To the team, sponsors, and designers. Thank you and I am sorry.

“Thank you to the Filipino community in Uganda for the comfort and well wishes.

“Especially to Yiga Ventures, @HassanYiga & Rama-dhan Kimbugwe and his team for protecting and keeping my queen, Herlene and her team safe.

“For me as, MPP National Director, I an very hurt, Not only we lost a crown, lost of money, lost of effort; but lost of time.

“But we will never lose hope, because we have bright future back home awaits.

“This is indeed a traumatic experience for all of us, but we fought for it until the end. And that is our mission.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agree kaya ang mga KaBudol, KaSquammy, at KaHiponatics sa sinasabi ng iba na nabudol si Budol?!

NOEL FERRER

Simply put, noong Hulyo 31 na nag-first runner up si Herlene sa Binibining Pilipinas 2022, sana tinanggap na niya ang fate niya and moved on to greater things, like train for her TV launch, and really work on her core talents with less hype.

Pero noong Agosto 29, binili ng manager niyang si Wilbert Tolentino ang rights para sa Miss Planet Philippines (MPP) par mailahok si Herlene sa Miss Planet International sa Uganda.

Read: Herlene Budol, pambato ng Pilipinas sa Miss Planet International 2022

Bakit kaya gustung-gusto nilang sumali si Herlene dito? Paano kaya makakataas ito ng kanyang premium, e, prosesung-proseso pa lang, ang dami nang red flags.

Kaya heto ngayon… naunsiyaming international title at na-overhaul na shoot at nagpalit na direktor sa teleseryeng Magandang Dilag.

Read: First taping day ng Magandang Dilag ni Herlene Budol, hindi natuloy

Sana, hindi na mag-strike 3 si Hipon Girl… at magbago na ng takbo ang kanyang kapalaran for the better.

GORGY RULA

Sa November 19, 2022 dapat ang grand coronation ng Miss Planet Philippines, at iyon din ang araw na ire-resume ang taping ng Magandang Dilag na hindi muna kasama si Herlene.

Hindi pa alam kung magagalaw ang schedule kapag umuwi na agad ang lead actress.

Mag-focus na siguro si Herlene sa kanyang pag aartista. Huwag nang ipilit kung hindi talaga para sa kanya.

Malaki nga ang nalugi dito ni Wilbert. Napunta sa wala ang nagastos sa pagpunta ng Uganda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana, mabawi niya ito sa dami ng views pag iba-vlog niya ang masaklap na experience nila sa naturang competition.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi na matutuloy ang pagsali ni Herlene Budol sa Miss Planet International 2022 matapos "i-withdraw" ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino ang kandidatura ng comedienne-beauty queen sa problemadong international beauty pageant.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results