GORGY RULA
Sa November 17, 2022 na ang 45th Gawad Urian Awards na gaganapin sa Cine Adarna ng UP Diliman, Quezon City.
Ang narinig naming malakas na magwawagi sa Best Actor ay si John Arcilla ng pelikulang On The Job: The Missing 8.
Pero magagaling din ang ibang nominado na sina Christian Bables ng Big Night, Paolo Contis ng A Faraway Land, John Lloyd Cruz ng Historya ni Ha, at Dingdong Dantes ng A Hard Day.
Hindi ko lang napanood ang Tenement 66 kung saan nominado si Francis Magundayao, at si Shogen ng Gensan Punch.
Mahigpit talaga ang labanan sa kategoryang ito.
Sa Best Actress category naman, may narinig kaming malakas na mukhang siya na talaga ang magwawagi, pero ayaw lang kumpirmahin ng ilan sa mga kinulit namin.
Sa kategoryang ito, maglalaban sina Charo Santos-Concio ng Kun Maupay Man it Panahon, Donna Cariaga ng Rabid, Elora Espano ng Love and Pain in Between Refrains, Kim Molina ng Ikaw at Ako at ang Ending, at si Yen Santos ng A Faraway Land.
Sa November 27 naman sa Metropolitan Theater (MET) ng Manila ang 5th EDDYS ng grupong SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors).
Magkakalaban din doon sa kategoryang Best Actor sina John Arcilla, Dingdong Dantes, at Christian Bables.
Ang dalawa pa ay sina Piolo Pascual ng My Amanda, at Daniel Padilla ng Kun Maupay Man It Panahon.
Sa MMFF 2021, tinalo ni Christian sina Dingdong at Daniel. Pero si John ay wagi ng Volpi Cup sa 78th Venice international filmfest sa Italy.
Read: Christian Bables, inalay ang MMFF 2021 best actor award sa EJK victims
Medyo may pressure kay Christian na nanu-nominate siya sa award-giving bodies.
Sabi ni Christian nang nakatsikahan namin sa DZRH nang pinu-promote niya ang pelikulang Mahal Kita, Beksman, nagpapasalamat siya at napapansin siya sa award-giving bodies. Pero ayaw raw niyang mag-expect lalo na’t ang gagaling ng mga kalaban niya.
“Ako po, every time kasi na nanu-nominate ako, thankful ako sa nomination, I see to it na makakapagpasalamat po ako sa mga award-giving bodies.
"Pero after that, I brush it off. I don’t want the thought to stay in my mind, kasi siyempre tao tayo, kahit papaano umaasa.
“Well, I am hopeful, but I am not expecting. I do not expect for anything. But I am hopeful, sana,” napapangiti niyang pahayag.
NOEL FERRER
Fearless forecast — OTJ versus Big Night sa Urian. Sa Eddys, mas popular ang choices nila.
Nang makausap ko ang ilang Urian members, next year ire-reinvent na nila ang award-giving ceremonies.
Sana ma-achieve din nila ang audience education para totoong maiangat ang panlasa natin bilang consumers ng pelikula.
Ibang-iba noong panahon natin, di ba, Tito Gorgy at Tito Jerry… big thing at big event ang awards nights na talagang televised pa. Nakaka-miss!!!
JERRY OLEA
Humakot ng awards sa MMFF 2021 ang Big Night na iprinodyus ng The IdeaFirst Company.
Walang entry ang nasabing film company sa MMFF 2022, pero may dalawa silang pelikulang palabas this November, both directed by Perci Intalan.
Streaming na sa Vivamax Plus umpisa Nobyembre 9, Miyerkules, ang horror thriller na Livescream kung saan bida sina Elijah Canlas, Phoebe Walker at Kat Dovey.
Sa Nobyembre 16, Miyerkules, naman ipalalabas sa mga sinehan itong feel-good comedy na Mahal Kita, Beksman kung saan katambal ni Christian Bables si Iana Bernardez, at gumanap na parents ni Christian sina Keempee de Leon at Katya Santos.
Hopefully, magtagumpay sa takilya ang Mahal Kita, Beksman, gaya ng The Panti Sisters at Die Beautiful na tinampukan din ni Christian.
Siyempre, excited na rin tayo sa mga artistang maglalaban ng aktingan sa MMFF 2022.
Ngayon pa lang ay may buzz nang pam-best actor si Jake Cuenca ng My Father, Myself.
What about Joey de Leon ng The Teacher, Ian Veneracion ng Nanahimik Ang Gabi, and Coco Martin of Labyu With An Accent?
Sa karera ng best actress ng 48th MMFF, frontrunner ba si Nadine Lustre ng Deleter? What about Dimples Romana ng My Father, Myself, Toni Gonzaga ng The Teacher, at Jodi Sta. Maria ng Labyu With An Accent?