JERRY OLEA
Inihayag ni Monica Akech, national director ng Miss Planet Uganda, na tuloy ang Miss Planet International 2022.
Read: Miss Planet International 2022 sa Uganda, kanselado na?
Nakasaad sa official statement na ibinahagi sa Facebook page ng Miss Planet International ngayong Nobyembre 12, Sabado:
Miss Pl
“On behalf of the organizing team, I would like to assure all that a repeat of the previous day’s incidents will not happen, but focus shall remain on providing the contestants and viewers an amazing time in the pearl of Africa.
"Preliminary competitions will begin the coming week, broadcasted via NBS and Sanyuka TV- through the Afro mobile app.”
Sa comments, may fans ni Miss Planet Philippines Herlene Budol na hopia at asado na magbago ang pasya nitong mag-back out at sa halip ay sumali na.
Ano kaya ang pananaw ng iba pang KaBudol, KaSquammy at KaHiponatics?
To join or not to join, that is the question!
Read: Herlene Budol nag-back out na sa Miss Planet International 2022
GORGY RULA
Sa totoo lang, parang hindi naman puwedeng ipagmalaki ang pagsali sa competition na ito.
Sa napapabalitang sistema ng organizers, nakakaduda na. Lalo nang nasilip ko ang ilang kandidata sa kanilang Instagram account, hindi impressive.
Hindi ko alam kung nanalo ba sila sa kanilang bansa o basta na lang na-handpick para subukan itong Miss Planet International.
Ilan sa mga kandidata, parang kung saang planeta nanggaling. Mas lumutang tuloy si Herlene nang itinabi sa mga mukhang umalalay na lang sa kanya.
NOEL FERRER
Ang laging magandang itanong kung may gagawin kang aksyon ay BAKIT? At PARA KANINO mo gagawin ito?
Kung puro pansarili lang ang dahilan, PAUSE MUNA. MAGSURI MUNA at ITANONG ULIT…
Kailangan mo ba talaga ito? Essential ba ito sa pagkatao mo? At may matinding epekto ba ito sa buhay ng iba?
Dito sa kasong ito, parang wala naman. Sana, awat na lang!