Watch Now

Richard Gutierrez, ibang action ang hatid sa "The Iron Heart"; GMA primetime shows, hindi magpapakabog

by PEP Troika
Nov 14, 2022
richard gutierrez gma primetime
Richard Gutierrez (left), balik-bida sa bagong Kapamilya action series na The Iron Heart; Kapuso primetime programs na (right, top to bottom) Maria Clara at Ibarra, Start-Up PH, at Mano Po Legacy: The Flower Sisters kaabang-abang ang mga susunod na eksena.
PHOTO/S: Kapamilya Channel / GMA Network

GORGY RULA

Todo ang suporta ng pamilya Gutierrez sa The Iron Heart ni Richard Gutierrez umpisa ngayong Lunes ng gabi, November 14, 2022, sa Kapamilya Channel pagkatapos ng Darna.

Nasa Cebu pa si Richard dahil tuluy-tuloy ang taping nila kaya pinuntahan na siya roon ng mommy niyang si Annabelle Rama. Nandun na rin ang asawa ni Richard na si Sarah Lahbati kasama ang dalawa nilang anak.

Titigil daw muna sila ng taping para sabay-sabay nilang panoorin ang pilot episode.

Nagpapasalamat ang aktor dahil suportado ng LGU ng Cebu ang kanilang taping. Sa ilang bahagi kasi ng lungsod, na hindi pa raw nagagamit sa shooting at taping, kinunan ang ibang mga eksena.

“Matagal pa kami dito sa Cebu. Mag-e-explore pa kami dito,” sabi ni Richard sa nakaraang presscon ng The Iron Heart sa Cebu.

Sa trailer pa lang ay nakikita nang kakaibang aksyon na ikinukumpara ng ibang netizens sa ginawa ni Richard noon sa FPJ's Ang Probinsyano, kung saan gumanap siyang kontrabida ng bidang si Coco Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ayon kay Richard, ibang-iba ang mga action scene sa The Iron Heart kumpara sa ginawa niya sa Ang Probinsyano.

Aniya, “Coming from Ang Probinsyano, and then nung ginagawa namin itong Iron Heart, we really wanted to shift away from Probinsyano, especially ang character ko, malayo naman talaga sa Ang Probinsyano, parang villain ako dun.

“Yung Probinsyano kasi, parang classic approach siya na action, and most of their action scenes are gunfights.

“Hindi ko masyado napakita rin yung capabilities ko sa Ang Probinsyano. So, we wanted to showcase everything here sa The Iron Heart.

“We wanted more hand to hand combat, more modern approach in terms of cinematography.

“We really want to show something different in terms of action, and matagal na akong hindi napapanood na gumawa ng action na ganito, and we wanted to showcase that sa ating audience.”

Mapapanood din ang The Iron Heart sa TV5, A2Z, Kapamilya Online Live on Facebook, You Tube, Jeepney TV at TFC IPTV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Nagpapasalamat din si Richard kay Maja Salvador na tinanggap ng aktres na maka-partner siya.

Natatawa si Maja, dahil sa taping nila ay kung ilang beses daw nagpasalamat si Richard sa kanya.

“Maraming beses kami na nag-conceptualize na magsama kami ni Maja. Ngayon lang talaga natuloy,” sabi ni Chard.

“Sobrang husay niya, napaka-professional, ang sarap niyang makatrabaho.”

JERRY OLEA

For sure, kahit may bagong palabas ang Kapamilya Channel, wagi pa rin sa ratings ang Kapuso primetime programs. At hindi sila tutulug-tulog sa pansitan o lomihan.

More and more and more ang drama, romansa, maaalab na pagbubunyag at tunggalian sa primetime shows ng GMA Network!

Bagong kabanata at pakikipagsapalaran ang hatid ng historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra. Ang ating Ate Klay (Barbie Forteza), may bonggang makeover. Abangan din ang karakter ni Elias (Rocco Nacino).

Samantala, umiinit ang love triangle nina Tristan (Alden Richards), Dani (Bea Alonzo), at Dave (Jeric Gonzales) sa Start-Up PH. Aminado na si Tristan na love love love niya si Dani, at handa siyang ipaglaban ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umiigting ang mga kaganapan sa Chua sisters na sina Lily (Aiko Melendez), Dahlia (Thea Tolentino), Iris (Angel Guardian) at Violet (Beauty Gonzalez) sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters. Aling bulaklak kaya ang mas maghahasik ng bagsik? Itanong natin kay Divina!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gutierrez (left), balik-bida sa bagong Kapamilya action series na The Iron Heart; Kapuso primetime programs na (right, top to bottom) Maria Clara at Ibarra, Start-Up PH, at Mano Po Legacy: The Flower Sisters kaabang-abang ang mga susunod na eksena.
PHOTO/S: Kapamilya Channel / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results