Pogilicious TikTokers, kanya-kanya ng paandar; mapangahas na videos, nagagamit sa bagong modus

by PEP Troika
Nov 15, 2022
Blind item, actress, actor, action star

JERRY OLEA:

Nagkagulo ang mga bayot, baklush, bekimon, at badette na netizens sa paandar ng tatlong pogilicious TikTokerist nitong mga nakaraang araw.

Tawagin natin ang tres guapitos bilang Bagets, Exotico, at Tisoy. Pawang katakam-takam sila lalo na kung kumakaldag habang mapanukso ang mga ngiti, na kung minsan ay meron pang pakagat-labi.

Siyempre pa, ang ikinabulabog at ipinag-init ng mga bekikang at divakla ay ang kani-kanyang skandalicious video clips!

Legit na fresh si Bagets, na na-link noon sa isang pakontrobersyal na judingle belle. Ang isa niyang kuya ay meron na ring vidjabol.

Merong online reseller na ang kyeme ay may kachorvahan si Bagets sa video. Umani si online reseller ng talakitok, "Walang ganun, mars!"

E, kasi nga, semi-erect lang ang ibinuyangyang ni Bagets, at wala itong patilabsik. Kaya ilusyon o delusyon o pa-scam lang ni online reseller ang pralala.

Ito namang si Exotico ay matikas, at pwetmalu sa isang pelikulang ma-hanash. Nag-post noon si Exotico ng litrato sa socmed kung saan solid na Felix Bacat ang kanyang private property.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ewan kung si Exotico mismo ang nag-leak ng video ng pagniniig nila ng isang dilag na may malaking potensyal na maging equestrienne.

Nakakapanginig ng litid-litid ang igting ng pakikipagbalintungan ni Exotico, lalo pa’t ang binibini ay tila idinuduyan sa sukdulan ng luwalhati.

At si Tisoy na mamula-mula ang mga pisngi na animo’y ipinaglihi sa kasoy… nagbaka-sakali sa isang reality talent search. Pasok si Tisoy sa phase 2 ng auditions, pero naligwak sa final line-up.

Nangarap si Tisoy na magbida sa Pinoy BL series upang mapanindigan ang deskripsyon sa sarili bilang aktor. Nguni’t subali’t datapwat, naging mailap ang suwerte sa kanyang dream project.

Ayan na at nagbida si Tisoy sa isang episode ng M2M series, kung saan ang katalik niyang alter ay naubu-ubo sa pagsubo.

Iniangat nila ang hugpungan ng pagkakaisa ng kanilang mga katawang lupa sa ngalan ng bahaghari. Canine ang kanilang puwestuhan, at makabasag-palayok ang kanilang “analytical” integration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA:

Mahirap pa rin ang buhay kaya ang isa sa pinagkakakitaan ay ang pagbebenta ng katawan online.

Sa ipinapadalang sex video o sex chat at sa tulong ng G-cash, kumikita sila mula sa mga kabadingan na madalas ay nalalamuyot ang damdamin ng mga paawa-awa nila.

Pero mag-ingat din sa mga manloloko na idadaan ka sa takot at harassment para lalo kang pigain ng perang ipapadala sa G-cash.

Nangyari sa akin iyan nung nakaraang Biyernes ng gabi habang nagraradyo ako, nakakatanggap ako ng mensahe sa Facebook na nagpapabati o kaya naghi-hello lang.

Merong isang nag-“hi po” na sinagot ko lang ng thumps up. Tapos na akong mag-radyo na nag-message uli na nagtanong kung nasaan ako. Ramdam ko nang may ibang ibig sabihin ito. Sinagot kong patulog na ako.

Maya-maya, nag-message uli na kailangan lang daw ng 300 pesos kung puwedeng ipadala ko sa G-cash ng numerong ipinadala niya. Papadalhan daw niya ako ng sex video niya na may katalik na kapwa lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi pa niyang 17 years old pa lang siya, pero napilitan siyang gawin dahil walang makain. Kaya nagdududa na ako. Sinabi ko na bawal iyan dahil minor pa siya.

Sabi ko, padalhan ko na lang siya, huwag na magpadala ng sex video. Bilang tulong na lang.

Sunud-sunod na video ang ipinadala niya pero isa lang ang nabuksan ko. Mahahalay na tagpo ang nakita ko sa video na iyun. Kaagad kong binura. Sabi ko, huwag na siya magpadala.

Pero nagpadagdag na siya na kung puwede’y gawin ko na raw 500 pesos. Kaya kaagad ko siyang binlock.

Wala pang limang minuto, may nag-message na sa akin, na bakit daw kinukunsinti ko ang pambabastos sa pamangkin niya? Sunud-sunod na ang mga mensaheng pangha-harass na obvious gusto akong takutin at perahan.

Tatlong account na ang nag-message sa akin na bakit ko raw sila bina-block at binabale wala na lang. Hindi ko na sinagot.

Nag-shout out ako sa aking Facebook account na merong nangha-harass sa akin na tinatakot ako dahil sa ipinadalang sex video ng pamangkin daw niyang menor de edad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaagad na may nag-message sa akin na ilang kaibigan na nangyari rin daw sa kanila iyun. May isang nabiktima rin na napilitan daw siyang magpadala sa G-cash ng ilang beses dahil sa pananakot ng grupong ito ng mga kabataan na nagpapadala ng ganung sex video.

Nalaman daw niyang mga taga-Tondo raw ang mga batang ito, at matagal na raw nilang modus operandi ito. Kalat na kalat na raw sa Twitter ang kanilang sex video.

Kaagad na dumulog ako sa pinakamalapit na police station para ipa-blotter itong nangyari sa akin. Nakatakda akong pumunta sa Anti-Cyber Crime Division para i-report itong nangyari sa akin.

Kaya sa mga mahilig mag-Facebook lalo na sa mga kabadingan, mag-ingat sa mga nagpapadala ng mensaheng “hi po,” “hello po” o “musta po” mula sa mga taong hindi ninyo kilala.

Madalas ay mapapahamak kayo at hindi ninyo namamalayan, malaki na ang mapipiga nilang pera mula sa iyo.

NOEL FERRER:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dami nang ganap ngayon dahil sa teknolohiya. Dito yata ako napag-iiwanan sa larangan na ito—ang pagti-TikTok ng kaselanan at bagay na dapat pampribado lamang.

Iyun na nga, call me old school pero hindi talaga ako updated sa ganito at ang paggamit sa social media para umagat ang iyong sarili sa mercado.

Hayyyy, ingat-ingat! Ayaw nating ma-Gorgeous Rules na tinangkang hingan pa ng “More, More” ng taong pinagmalasakitan niya, pero nagawa pang mambaliktad ng istorya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results