GORGY RULA
Halos wala namang nabago sa combined ratings ng mga programa ng Kapamilya channel na napapanood sa A2Z, TV5, Jeepney TV, at Kapamilya Channel.
Naka-4.8% ang pilot episode ng The Iron Heart ni Richard Gutierrez na nakatapat nito ang Start-Up Ph na 8.1% noong Nobyembre 14, 2022, Lunes.
Sumunod ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters na 4.8% ang rating, at 2.7% naman ang Flower of Evil.
Hindi ganun ka-impressive ang rating ng mga programang napapanood sa free TV sa mga ganung oras.
Parang pagkatapos ng news at Maria Clara at Ibarra, naglipatan na sila ng panoood o maaring nasa streaming app na sila nanood o may iba nang pinagkaabalahan.
Kahit sa weekend ay parang mababa na rin ang viewership.
Maaring lumabas na ang mga tao para mamasyal o baka nanood na ng Black Panther: Wakanda Forever dahil talagang bumabalik na tayo sa normal na pamumuhay. Kaya ma-traffic na sa halos lahat na kalye lalo na sa rush hour.
Nung nakaraang Biyernes, November 11 ay ang Family Feud pa rin ang pinakamataas sa mga panghapong programa.
Naka-8.9% ang Abot Kamay na Pangarap, at 7.5% ang Unica Hija. Sumunod ang Nakarehas na Puso na 7.4% at ang Put Your Head on My Shoulder na 3.5%, at 11.9% ang Family Feud.
- Keempee de Leon recalls telling a young actress: “Magbigay respeto ka sa mga seniors.”
- Camille Prats recalls how she handled heartbreak when she lost her first husband
- Maricar Reyes finally opens up about her 2009 scandal: “There are still people who are disrespectful.”
NOEL FERRER
Yes…. Kahit tayo mismo, ramdam na natin ang pagsisiksik ng mga Christmas activities kaya we have less and less time para manood ng telebisyon.
Ito ang challenge ngayon ng mga TV networks—ang gawing mas compelling ang kanilang content.
Dahil ang dami nang pagpipilian, their goal is to catch the viewer’s interest sa mabilis na panahon. Iba na talaga ngayon!
At any rate, sa primetime noong Nobyembre 12, 2022, Sabado, 11.6% ang 24 Oras Weekend, at 2.3% ang TV Patrol Weekend.
Ang Pepito Manaloto ay 13%, at 4.5% ang Everybody Sing. Ang Running Man Philippines naman ay 12.9%.
JERRY OLEA
Matatagalan pa ang pamamayagpag ng mga Kapuso programs sa ratings. Hilahod pa ang mga kalaban sa paghabol.
Pero sa Netflix Philippines, ramdam pa rin natin ang hatak ng Kapamilya stars and shows.
Sa Top 10 Movies ngayon, dalawang likhang-Pinoy ang pasok. Nasa pangalawang puwesto ang Ngayon Kaya nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez, samantalang nasa pangwalo ang Star Cinema movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na Now That I Have You.
Sa Top 10 TV Shows, tatlong Kapamilya teleserye ang umariba. Nanguna ang A Family Affair nina Ivana Alawi, Gerald Anderson, at Sam Milby.
Pangalawa ang 2 Good 2 Be True nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. At pansampu ang Wildflower nina Maja Salvador at Aiko Melendez.
Sa pamamayagpag ng Black Panther: Wakanda Forever noong nakaraang weekend sa mga sinehan, sang-ayon ako na maaaring nakaapekto iyon sa pagbaba ng TV ratings.
Long live King T’Challa!
Siyanga pala, sa primetime noong Nobyembre 13, Linggo, naka-14.2% ang 24 Oras Weekend, samantalang naka-2.2% ang TV Patrol.
Ang Daig Kayo ng Lola Ko ay 11.6%, at 4.5% uli ang Everybody Sing. Ang Running Man ay 14%, at sumunod ang Kapuso Mo Jessica Soho na 16%.
Ang The Boobay and Tekla Show na guest ang mga Sparkle talents ay 5.2%.