JERRY OLEA
Tatlo na ang weekly shows ni Korina Sanchez.
Una, ang Rated Korina tuwing Sabado ng 5:00 p.m. sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel. May replay ito tuwing Linggo ng 7:00 pm sa One PH.
Ikalawa, ang Korina Interviews tuwing Linggo ng 5:00 p.m. sa NET25.
At sa Disyembre 3, 2022, Sabado ng 8:00 p.m., magpi-premiere sa OnePH ang TikTalks kung saan co-hosts niya sina G3 San Diego, Kakai Bautista, Pat-P Daza, at Alex Calleja.
Read: Korina Sanchez has a new show on Net25; is she open to joining ALLTV?
Sinusubaybayan din siyempre ni Mommy Koring ang mga anak nila ni former Senator Mar Roxas na sina Pepe at Pilar.
Sa dami ng pinagkakaabalahan niya, hindi kaya may mag-suffer?
“Oo, nagsa-suffer na nga. Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Ate Koring sa mediacon nitong Nobyembre 16, Miyerkules ng hapon, sa TV5 Studio sa Mandaluyong City.
“Hindi naman. Ahhm, that’s a question I ask myself every day these days. Ahhm, pero ang paalam ko naman kasi sa pamilya ko, sa asawa ko — just give me three years to do everything that I wanna do.
“Kasi ano, e, tawag doon, ahh… siyempre kailangan na rin ng mga bata ng tutok.
“Pero feeling ko naman, with the quality time I spend with my kids, gusto ko ring makita ni Pilar, e.
“Later on, pag nakita niya ang autobiography ko, lahat ng mga pinagagawa ng nanay niya! Ha! Ha! Ha! Na palagay ko, ganito dapat. Hanggang may maibibigay ka, ibigay mo.
“I don’t like having to say that life is short. Kasi, baka lalo talagang maging short. But the reality is, ahmm, there’s so much to be done. There’s so much to see.
“Andaming mga format na hindi magawa dati, hindi ko maintindihan bakit parang nakaposas ang creativity dati.
“And it’s just some things that I’ve always wanted to do. And the opportunities presented themselves.
“Parang, ‘Korina, gawan mo naman kami ng show!’ Paano ka makakatanggi, hindi ba?
“Kung nandiyan naman, makakabigay ka ng empleyo. Ngayon naman na gusto ko, ‘O, one season lang ako,’ hindi mo maiwan.
“Kasi, mawawalan naman sila ng work. And it’s a good product. So, hanggang kaya ko, gagawin ko naman.”
Ang OnePH ay available sa Cignal Channel 1, SatLite Channel 1, at sa Cignal Play app.
May simulcast ang TikTalks sa TV5 at Radyo Singko 92.3 News FM.
Ang replay ay tuwing Linggo ng 7:00 p.m. sa One News, na available sa Cignal Channel 250 HD at 8 SD, SatLite Channel 60 at Cignal Play app.
Korina Sanchez with TikTalk co-hosts (from left) Alex Calleja, G3 San Diego, Pat-P daza, and Kakai Bautista
GORGY RULA
May bali-balita noong gusto ring kunin ng ALLTV si Ate Koring. If ever, magagawa pa ba niya yun?
Natawa muli si Ate Koring, “Ha! Ha! Ha! Tingnan natin! Ha! Ha! Ha! Ha! Kung naoospital na ako, siguro ititigil ko na, di ba?
“Pero siyempre, babalansehin mo naman lahat iyan. But I assure I you, I have 8 to 10 hours of sleep a day.
“I force myself. For my mental health. I take very good care of my mental health and wellness all over.
“Kung wala ako dito, nasa clinic ako. Doon ako. Totoo! I’m very conscious of my health, kasi I do a lot of work, I do a lot of thinking.
“Lalo pa ngayon, hindi lang ako talent dito sa TikTalks, producer din ako. So, yun ang medyo pamatay.
“Ay! Huwag naman nating gamitin ang salitang yun. Huwag namang ganun. Pero alam mo yung it takes a toll on your health.
“And if you don’t take care… talagang marami ang magsa-suffer, di ba, kung ano.
“But I’m very happy to make a contribution to people’s lives at the time, in the pandemic, when they need it most.
“And to make a contribution to the industry ngayon na parang iginagapang nating muli ang normalcy.”
NOEL FERRER
Para ngang bumabawi si Korina for lost time lalo na noong nawala siya sa main news ng ABS-CBN.
I just wonder, will all her preoccupation now, with the various platforms, I wonder kung ito na ba ang direksiyon niya na more on lifestyle and light news and less of the hard-hitting Korina na journalist?
Nakaka-miss siya dun, ha!