Watch Now

Urian 2022 best actress Yen Santos, pinasalamatan si Paolo Contis sa kanyang acceptance speech

by PEP Troika
Nov 18, 2022
yen santos gawad urian
Yen Santos: "Maraming-maraming salamat po, Gawad Urian, for believing in me! Best birthday gift ever! Thank you!"
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Napakagandang regalo sa kaarawan ni Yen Santos ang tropeyo bilang best actress sa 45th Gawad Urian nitong Nobyembre 17, 2022, Huwebes ng gabi, sa UP Film Center, UP Diliman, Quezon City.

Nagwagi si Yen para sa Netflix original na A Faraway Land, kung saan leading man niya si Paolo Contis.

Read: On The Job: The Missing 8 sweeps 45th Gawad Urian; John Arcilla, Yen Santos win top acting honors

Ayon sa mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP), “Para sa kanyang sensitibo at kamangha-manghang pagganap sa papel ng isang Pilipinang nangibang-bayan na naipit sa pagitan ng tungkulin niya sa kanyang anak at asawang banyaga sa Faroe Islands, at maalab na pagmamahal sa isang journalist na gumawa ng dokumentaryo tungkol sa kanya bilang matagumpay na OFW, ang Gawad Urian ng 2022 para sa pinakamahusay na aktres ay ibinibigay kay Yen Santos para sa pelikulang A Faraway Land.”

Bakas sa mukha ni Yen ang lubos na kasiyahan nang tanggapin ang tropeyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ng premyadong aktres, “Hi! Magandang-magandang gabi po sa inyong lahat. Ahhhm, napakalaking blessing po na mabigyan ng magandang proyekto sa gitna ng pandemya.

“2020 po, iyon yung kasagsagan ng pandemya na hindi ko sigurado kung kailan magiging OK lahat.

“Lahat, apektado. Nahinto ang mga trabaho. At dumating po ang A Faraway Land sa akin.

“Noong in-offer po ito sa akin, inoohan ko agad. At bonus pa na nagawa namin ito sa napakagandang lugar.

“Kaya gusto ko pong magpasalamat sa Mavx Productions, kay Direk Roni [Veronica Velasco], sa staff and crew. Maraming-maraming salamat sa inyo.

“And of course, to my leading man Paolo Contis — sobrang talented, napakagaling na artista. Maraming-maraming salamat sa iyo.

“Ahhm, I’ll always be your number one fan.

“And of course, maraming-maraming salamat po, Gawad Urian, for believing in me! Best birthday gift ever! Thank you!” bulalas pa ni Yen, na magdiriwang ng kaarawan sa Nobyembre 20, Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Paolo Contis, nag-post agad ng pagbati matapos magwaging Best Actress ni Yen Santos sa Urian

Pawang idinirek ni Erik Matti sa On The Job: The Missing 8 ang tatlo pang acting winners sa 45th Gawad Urian.

Ang mga ito ay ang best actor na si John Arcilla, best supporting actress na si Lotlot de Leon, at best supporting actor na si Dante Rivero.

Walang best actress nominee ang OTJ: The Missing 8.

Ang mga nakalaban ni Yen bilang best actress ay sina Donna Cariaga (para sa Rabid na idinirek ni Erik Matti), Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon), Elora Españo (Love and Pain in Between Refrains), at Kim Molina (Ikaw at Ako at ang Ending).

GORGY RULA

“Kinakabahan ako, Kuya Gorgy,” bati sa akin ni Yen nang sinalubong ko siya sa lobby ng Cine Adarna (UP Film Center) pagdating niya.

Medyo nanibago raw siya talaga dahil matagal-tagal na rin siyang hindi nakakadalo sa isang showbiz event pagkatapos ng isyung kinasangkutan niya noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng parade of winners kung saan may photo op pa sa stage ng lahat na mga nanalo, inabangan na si Yen sa ibaba ng TV reporters, kaya lalo siyang kinabahan.

Tinanong siya kung ano ang masasabi niya sa kontrobersiyang hinarap niya noon, napangiti na lamang si Yen.

“I’m okay,” sabi lang niya.

Pero ang laking bagay raw talaga ng napanalunan niya sa Urian, kaya nagpapasalamat siya sa lahat na bumoto sa kanya.

Sabi nga ni Ma'am Gigi Alfonso, lahat ng Manunuri ay bumoto kay Yen. Mukhang unanimously chosen talaga si Yen sa Best Actress category.

Congratulations kay Yen Santos at sana, makabalik na siya sa trabaho dahil magaling naman talaga siya at labas naman ito sa isyung kinasangkutan niya noon.

NOEL FERRER

Congratulations, Yen! Isa kang pinagpalang nilalang para magka-Urian.

At kung basbas iyan ng kahusayan, sana’y ipagpatuloy mo iyang mahuhusay na pagganap.

Magkahanay na kayong tunay ni LJ Reyes, na nanalo ng Urian para sa pelikula ni Jun Lana na Anino Sa Likod ng Buwan (2015).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pang footnote, ano pa kaya ang dapat gawin ni Ma’am Charo Santos-Concio para manalo ng Urian?

Naalala ko na na-nominate din siya noon na Best Actress para sa Ang Babaeng Humayo (2016) na idinirek ni Lav Diaz. Natalo siya ni Hasmine Killip ng Pamilya Ordinaryo na idinirek ni Eduardo Roy Jr. Tapos, heto nga with Yen.

Kahit sa mga nauna niyang pelikulang Itim (1976), Kisapmata (1981), Brutal (1980), at Gumapang Ka Sa Lusak (1990), hindi pa rin siya biniyayaan ng Urian.

Ka-level ba si Charo ni Maricel Soriano sa mga sinasabing hindi paborito ng mga Manunuri?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yen Santos: "Maraming-maraming salamat po, Gawad Urian, for believing in me! Best birthday gift ever! Thank you!"
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results