Billy Crawford, nagka-injury sa Dancing With The Stars

by PEP Troika
Nov 19, 2022
Billy Crawford on Danse avec les stars
Hindi na lang daw ininda ni Billy Crawford ang injury sa bandang right groin area dahil focused ito sa kumpetisyon sa Dancing With The Stars French edition.
PHOTO/S: @billycrawford Instagram

GORGY RULA

Excited na ang mga taga-Tropang LOL sa pagbabalik ni Billy Crawford.

Nakatsikahan ng PEP Troika ang ilan sa kanila, at sinabi sa aming bandang end of this month daw ang dating ni Billy.

Babalik na raw si Billy sa taping nila sa first week of December. Natapos na ni Billy ang taping niya sa buong season ng The Wall.

Pero ang isa pang nasagap namin, may gagawin daw siyang bagong show sa GMA-7. Wala pa kaming ideya kung anong programa ito.

Kuwento pa ng taga-Tropang LOL, nakaka-text pa raw nila si Billy nung mga unang linggo nito sa France. Naa-update sila sa mga nangyayari sa kanya doon sa Dancing with the Stars.

Pero nitong malapit na ang finals, hindi na raw nakakasagot si Billy sa mga text nila. Halos araw-araw raw kasi ang rehearsal ng TV host/dancer na talagang tinotodo raw nito.

Nagkapaltus-paltos na raw ang paa ni Billy sa kasasayaw at nakita namang ang laki ng ipinayat niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nai-text pa ni Billy kay Ms. Pat-P Daza na boss ng Tropang LOL na nagkaroon pa raw siya ng injury roon dahil sa matitinding rehearsal sa pagsasayaw.

Parang may napunit daw sa right groin area niya, pero hindi na lang daw ito ininda ni Billy dahil mas naka-focus siya sa pagsasayaw sa Dancing with the Stars.

Abangan na lang natin ang mga karagdagan pang kuwento ni Billy pagbalik niya ng bansa.

JERRY OLEA

Si Matteo Guidicelli ang pansamantalang pumalit kay Billy sa Tropang LOL.

Kinumpirma ng naturang show na sa pagbabalik ni Billy, mananatili pa rin si Matteo sa programa.

Si Matteo pa rin kaya ang magho-host ng "Maritest" segment, if ever?

NOEL FERRER

Aabangan din natin ang pangmasa segment ng Tropang LOL na choral competition na pam-Pasko.

Judge dito ang mga kaibigan natin sa The Company at si Toma Cayabyab.

Exciting ang lunchtime shows. Aabangan natin ang kanilang mga pakulo to beef up their audience share at pagbibigay ng aginaldo lalo na’t Pasko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi na lang daw ininda ni Billy Crawford ang injury sa bandang right groin area dahil focused ito sa kumpetisyon sa Dancing With The Stars French edition.
PHOTO/S: @billycrawford Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results