Watch Now

Magpakailanman, biglang nagpalit ng ipalalabas na episode ngayong gabi. Bakit?

by PEP Troika
Nov 19, 2022
Poster of Sanya Lopez as Megan Aguilar and poster of Herlene Budol starring role in MPK episode.
Ang "Listen To My Heart" ang unang na-advertise na ipalalabas ngayong gabi sa Magpakailanman. Biglang nabago ang ipalalabas na episode, ayon sa Facebook at Twitter announcements ng nabanggit na Kapuso program ngayong hapon ng Sabado, November 19, 2022. Ang "Fiancée or Financier: The Rose Vega Story" na ang sasalang tonight.
PHOTO/S: MPK Facebook and Twitter

GORGY RULA

Ngayong Nobyembre 19, 2022, Sabado, magsisimula ang month-long celebration ng Magpakailanman (MPK) ng kanilang 20th anniversary.

Ang unang feature nila dapat ay ang kuwento ni Maegan Aguilar na pinamagatang Listen To My Heart na ginampanan ni Sanya Lopez.

Dalawang episodes daw ito dahil talagang makulay ang kuwento ni Maegan na nasubaybayan naman ng mga manonood.

Kuwento ng head writer ng #MPK na si Senedy Que, napanood niya si Maegan sa "Bida Next" sa Eat Bulaga at naantig siya sa kuwento ng singer.

Mabuti at nagawa naman daw nang maayos ni Gina Marissa Tagasa ang script, at nailahad nang maayos ang kuwento ni Maegan at napagkasya sa two parts.

Maingat din daw sila sa paglalahad na maging balanse ang kuwento at sa lahat ng mga taong involved lalo na kay Freddie Aguilar.

Sabi ni Senedy sa mediacon kahapon, Biyernes, “We had a difficult time with Maegan kasi paiba-iba siya ng, ahhh… good thing it was Manay Gina [Gina Marissa Tagasa] who was assigned to that episode, the two parts episode, because ang hirap dalhin ni Maegan actually.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tita Mel interviewed her, napaka-complicated niyang person. Paiba-iba yung moods niya. Buti na si ano magaling mag-ano ba? Mag-emotionally psychologist, naging psychologist siya.

“Si Maegan talaga, she would change her mind every time, and it was also a very thin line because we don’t want na to put Freddie Aguilar into bad light, so we really tried to balance that also. Makikita naman sa episodes sa part one and part two.”

Nagulat na lang ako ngayong Sabado ng hapon nang makita ko sa Facebook at Twitter account ng MPK na ang ipapalabas na nila mamayang 8:15 pm ay ang Fiancée or Financier: The Rose Vega Story.

Bida rito si Herlene Budol aka Hipon Girl, at co-stars niya sina Lee O’Brian, Marco Alcaraz, Juan Rodrigo, Marithez Samson, at Melissa Avelino.

Ano kaya ang naging problema sa Listen To My Heart: The Maegan Aguilar Story kung saan co-stars ni Sanya Lopez sina Jason Abalos, Jon Lucas, at Neil Ryan Sese?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At any rate, kasabay ng pag-celebrate ng 20th anniversary ng MPK, bago na rin ang theme song nito na sinulat at kinanta ni Wency Cornejo. Ka-duet ni Wency rito si Aicelle Santos-Zambrano.

“Isang linggong walang tulog ang anak ko diyan, e. Kasi nga minadali, kailangan ipadinig sa kanila.

“But I am happy that ano… maganda at sulit naman pala yung isang linggong hindi niya tinulog, di ba?” saad ni Mel Tiangco.

[UPDATE: Ayon sa isang nakausap namin na taga-MPK, nagkaroon lang daw ng glitch sa editing ng episode ng "Listen To My Heart: The Maegan Aguilar Story," kaya napagdesisyunang next week na ito ipalabas.]

NOEL FERRER

Nakarating din daw sa kanila ang usap-usapang matatapos na ang Maalaala Mo Kaya? (MMK) na hino-host ni Charo Santos-Concio.

Sabi ni Mel, sana ay hindi raw ito totoo dahil sayang daw kung tatapusin na ang Kapamilya drama anthology.

“I’m sad. I don’t like that. Kasi ano na yung Maalaala Mo Kaya, classic na kumbaga, you know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Talaga? Nag-stop na sila?” tanong sa amin ni Mel.

“That’s really sad. I’m sad for Charo. I hope it’s not true. Because, walang makakapalit sa Maalaala Mo Kaya. Walang you know… it is a class of its own, ang Maalala Mo Kaya.

“Talagang hindi biro yung pag natapat ka noon sa Maalaala Mo Kaya. Ay! Naku, magdasal ka na sa lahat ng santo. Hindi mo maaano yan.”

Hindi naman daw isyu ang kumpetisyon ng dalawang programang ito.

“It's all professional, darling. It’s all professional, di ba? There’s really nothing personal here. It’s all professional.”

Kung anuman ang kahihinatnan ng dalawang programang ito, MMK man o MPK , alam nating nakatatak na ito sa kamalayan at pagkatao ng bawat Pilipino.

JERRY OLEA

Longest-running drama anthology in the Philippines ang MMK na nag-umpisa noong Mayo 15, 1991.

Aabot pa kaya ito sa ika-32 anibersaryo next year?

Napakaraming memorable episodes ng MMK na tinampukan ng pinakamahuhusay na artista ng local showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yung Maalaala Mo Kaya… The Movie ay official entry sa kontrobersyal na 1994 Manila Film Festival, at nagpanalo kay Aiko Melendez bilang best actress.

Noong Nobyembre 11 lamang ay nabalitaan natin na umarangkada na ang pagda-dubbing ni Charo sa wikang Ingles ng ilang episodes ng MMK para sa pagpapalabas nito sa 41 na bansa sa Africa simula Enero 2023.

“Nakakatuwa kasi yung mga istorya ng MMK ay talagang magre-resonate sa African viewers dahil may mga similarities ang ating experiences at values,” pahayag ni Charo.

Higit 20 na istorya ng tunay na buhay ng ordinaryong Pilipino at celebrities ang napili ng Star Times sa Africa para i-dub sa Ingles.

Nais din ni Charo na makapag-dub sa iba’t ibang wika kagaya ng French, German, Vietnamese, at Korean para mas makilala ang mga palabas ng Pilipinas sa buong mundo.

“Gusto ko rin sanang mag-dub in Korean, why not, di ba? Para yung Filipino content naman ang ie-export natin sa South Korea, hindi lang K-dramas ang dumarating dito,” dagdag ni Charo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki ang tiwala ng MMK host at dating president ng ABS-CBN na kayang-kaya ng Pinoy content na makipagsabayan sa international stage.

Napapanood din ang MMK sa himpapawid bilang in-flight entertainment program ng mga international airlines tulad ng Etihad Airways, Royal Brunei Airlines, at Saudi Arabian Airlines.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang "Listen To My Heart" ang unang na-advertise na ipalalabas ngayong gabi sa Magpakailanman. Biglang nabago ang ipalalabas na episode, ayon sa Facebook at Twitter announcements ng nabanggit na Kapuso program ngayong hapon ng Sabado, November 19, 2022. Ang "Fiancée or Financier: The Rose Vega Story" na ang sasalang tonight.
PHOTO/S: MPK Facebook and Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results