Korina Sanchez, may bagong show sa OnePH

by PEP Troika
Nov 20, 2022
korina sanchez
Bukod sa Rated Korina sa TV5 at Korina Interviews sa Net25, ang TikTalks ang bagong show naman ngayon ni Korina Sanchez sa OnePH, kasama sina Kakai Bautista, Pat-P Daza, Alex Calleja, at G3 San Diego.

JERRY OLEA

Halos dalawang taon bago nabuo ang talk show na TikTalks, na mag-uumpisa sa Disyembre 3, 2022, Sabado ng 8:00 pm sa OnePH.

Hosts ng programa sina Korina Sanchez, Kakai Bautista, Pat-P Daza, Alex Calleja, at G3 San Diego. Line producers nito si Korina at talent manager na si Joji Dingcong.

Ayon kay G3, noong Disyembre 2020 pa siya kinausap ni Joji kaugnay sa TikTalks. Bakit natagalan ito?

“Well, a lot of things happened,” sabi ni Ate Koring sa mediacon noong Nobyembre 16, Miyerkules, sa TV5 Studio sa Reliance St., Mandaluyong City.

“Ahhm, pandemic. And then some of the original hosts were compromised health-wise. One of them ran for public office so that can’t be.

“And then originally I was not even in the picture. It was really Joji’s idea to come up with an all-women talk show.

“And then when he talked to me, ‘Let’s form a company, let’s do this.’ And I said, ‘Tara, gawin na natin!’ I’ve always wanted to do something like that.

“So kaya medyo nagtagal. So nung una, sila pa lang nina G3, wala pa kami. And then everything else fell into place.”

Tatlo ang paksa na tatalakayin sa bawa’t episode ng TikTalks. Saad ni Ate Koring,

“Yung isa, outright kalokohan pero not really kalokohan. Pinag-uusapan talaga yan sa magbabarkada. May mga tsismis portion pa yan.

“Sinu-sino bang mga pinag-usapan ngayon? Relasyon. Mga katotohanan tungkol sa relasyon. We also take up social issues and current events but from a different perspective. Hindi ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi pag pinag-uusapan naman ang isang isyu halimbawa ng magbabarkada, hindi naman super-politically correct lahat ng pinagsasabi, right?

“May mga opinion diyan from left field. So we try to make a combination of light and medium and heavy, ayun. That’s in one episode.”

Dalawang episode ang kinukunan nila sa bawat taping day. May pini-pitch silang topics sa kanilang group chat.

“It’s also a venue for our advocacies. With me, I really insisted, basta gusto kong pag-usapan yung animal cruelty saka pagkain ng aso, ha!” pagsisiwalat ni Ate Koring.

“Ewan ko, basta ang alam ko, bawal sa batas iyan. Pasintabi na lang sa mga kultu-kultura, pero bawal na sa batas yan. Gusto ko yang pag-usapan.

“So ganun, umayon naman sila. Si Alex, nakakain ng aso…

“Others naman are more familiar with relationships like Kakai, ewan ko kung bakit. 'Tapos also Pat-P, she’s a single mom.

“So yung mga concerns ni G3 is also about you know, I mean basic living, and of course LGBTQ, tinuturuan niya kami about political correctness.

“Of course it’s a moving target, this LGBTQIA+ thing, di ba? So it’s educational at the same time.

“Bawat isa sa amin, may mga interest. And everybody gets a chance to pitch a topic.”

Siyanga pala, available ang OnePH sa Cignal Channel 1, SatLite Channel 1, at sa Cignal Play app.

Maliban sa TikTalks, may dalawa nang weekly programs si Ate Koring—ang Rated Korina sa TV5, at Korina Interviews sa NET25.

GORGY RULA

Nagbabalik na nga ba ang talk shows?

Pinag-uusapan na rin kasi ang pagbabalik ni Kuya Boy Abunda sa GMA-7 at meron daw talk show siyang gagawin. Tingnan natin kung ano ang format nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Itong kina Korina kasi, lima silang magbabalitaktakan sa mga isyung pinag-uusapan. Nakapag-tape na raw sila ng limang episode at masaya raw ang taping.

“Masaya! Kasi lima kami. Diyos ko! Isang oras lang, parang in effect parang less than 10 minutes lang ang bawat isa sa amin,” pakli ni Pat-P Daza nang nakatsikahan din namin bago siya isinalang sa presscon ng TikTalks.

Sa bawat episode, may tatlong topics silang pag-uusapan kagaya ng divorce, euthanasia, yung mga mahilig magpaputi, nagpapatangos ng ilong, at magbibigay sila ng sarili nilang opinyon.

Dagdag ni Pat-P, “Korina acts as the moderator, di ba? She will also give her point of view. 'Tapos Alex will always represent parang the male point of view. 'Tapos, si G3 nga, parang siya yung nag-represent sa transgender.

“Si Kakai as a single lady. Ako, parang sa marites na tita.”

Ibang-iba naman ito sa dalawa pang programa ni Korina na Rated Korina at Korina Interviews.

Sa totoo lang, sabi ng mga taga-NET25 ang Korina Interviews ang isa sa inaabangan kung sino na naman ang kakapanayamin ni Korina.

Ang maganda pa, kapag kilala niya at close sa kanya ang subject.

Interesting ang mapapanood sa Korina Interviews ngayong Linggo ng hapon dahil ang magkapatid na DSWD Secretary Erwin Tulfo at Sen. Raffy Tulfo ang katsikahan niya.

“Matagal ko nang kakilala ang magkapatid na Raffy at Erwin, at sa kauna-unahang pagkakataon, opisyal ko na silang na-interview nang magkasama! At ngayon, Senador na si Raffy at DSWD Secretary na si Erwin. Huwaw!” bulalas ni Korina.

Korina Sanchez with Raffy Tulfo and Erwin Tulfo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Timely itong interview niya sa magkakapatid, lalo na’t ang lakas ngayon sa TikTok ni Sen. Raffy na nakabalitaktakan niya kamakailan lang sa Senate hearing sina Sen. Cynthia Villar at Sen. Loren Legarda.

NOEL FERRER

Sana, sana talaga mag-subscribe na rin sa TV surveys ang OnePH at NET25 para makita natin ang epekto ng ganitong mga programa sa mga tao.

Sinasabi nila na ito na raw ang TikTok generation kaya tingi-tingi ang pag-consume ng impormasyon at ayaw ng mabibigat na content.

Sana talaga, mabago o at least makapagbigay ng informed alternative itong mga bagong programang ito to push the envelope para patunayan na TV is not dead and is still relevant!

Sana, mag-rate talaga itong efforts ni Korina and soon, Tito Boy sa pagbuhay ulit ng malaya at matapang na talakayan sa telebisyon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa Rated Korina sa TV5 at Korina Interviews sa Net25, ang TikTalks ang bagong show naman ngayon ni Korina Sanchez sa OnePH, kasama sina Kakai Bautista, Pat-P Daza, Alex Calleja, at G3 San Diego.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results