GORGY RULA
Sa Sabado, November 26, 2022 na ang JulieVerse concert nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Read: Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, hataw sa collab productions sa JulieVerse concert
Hindi lang ang love team nila ang masusubukan ang lakas kundi pati na rin ang MavvLine love team nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na special guests nila sa naturang concert na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater.
Sabi ni Rayver, kaabang-abang din ang collaboration nila sa MavLine at pati ang production number nila ni Mavy.
Sa nakaraang mediacon ng JulieVerse, tinanong ng PEP Troika kay Mavy kung gaano katanggap na si Kyline sa kanyang pamilya.
Read: Mavy Legaspi admits to saying "I love you" first to girlfriend Kyline Alcantara
Nung unang pinag-uusapan sina Mavy at Kyline, ramdam namin ang selos sa ina ni Mavy na si Carmina Villarroel kahit sinasabi niyang tanggap nila si Kyline.
Sabi naman ni Mavy, “Sa aspeto po na alam ni Mama na constant talaga sa buhay ko si Kyline. Pagdating sa trabaho at pagdating sa personal na… very supportive naman siya.”
Naiintindihan naman daw niya ang mama niya kung hindi pa nito gaanong matanggap nung una na meron nang ibang babae sa buhay niya. Pero suportado naman daw ni Carmina ang relasyon nila ni Kyline.
Sabi ni Mavy, “Siyempre, bilang isang nanay at ako bilang isang Mama’s boy, siyempre nagtatampo rin si Mama.
“Merong, 'Shocks, may isa pang constant si Mavy sa buhay niya na siyempre babae rin.' Siyempre, at the end of the day, kung saan ako masaya, dun din siya.
“She’s really happy na masaya ang puso ko. Pero at the same time, alam din niya na focused din ako sa trabaho, sa goals ko, sa career ko, and alam niya na napaka-supportive din ni Kyline dun sa mga goals ko and dreams ko.
“And hindi niya ini-stop yun, and hindi niya sinu-slow down yung pag-achieve sa goals ko.
"So, kung saan ako masaya, and focused, dun din sila Mama. Happy sila.”
NOEL FERRER
Dito na talaga masusubukan kung matindi ang paying fans nina Julie Anne at Rayver, pati na sina Kyline at Mavy.
Iba ang TV, libre yun. Iba ang pelikula at concert, bayad yun.
Nakita naman natin ang resulta sa takilya ng mga pelikula na bida si Rayver dati at ang big concert ni Julie Anne.
Oh well, try and try until you succeed talaga. All the best!!!
JERRY OLEA
Parang kailan lang na apat ang namamayagpag na love teams sa local showbiz. Ang mga ito ay ang KathNiel, AlDub, LizQuen, at JaDine na pawang nagbida sa pelikula at primetime drama series.
Sa mga ito, ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang “last tandem standing.”
Sa panahon ng pandemya umusbong ang mga bagong tambalan gaya ng DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, JulieVerse nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, at MavLine nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.
Marami pang kung anu-anong tambalan na ang iba’y panandalian lamang. Good luck na lang sa kanila.