Watch Now

Jake Cuenca, may offer mula sa GMA-7 pero nakapirma pa rin sa ABS-CBN

by PEP Troika
Nov 25, 2022
jake cuenca with shades
Jake Cuenca on his chances to win MMFF 2022 best actor: "Sa totoo lang, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pandemyang ito, lahat ng pinagdaanan nating lahat — makarinig lang ako ng puri sa inyo, makita ko lang kayo, maka-face-to-face ko lahat ng tao, mapuri ako ni Direk ng ganito — ang laking bagay na sa akin. Panalo na po ako dun. So, maraming-maraming salamat po.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Napaiyak sina Jake Cuenca, Dimples Romana, Sean de Guzman, at Tiffany Grey matapos ang shooting ng pelikulang My Father, Myself sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Read: Sean de Guzman at Jake Cuenca bigay na bigay sa kanilang mapangahas na eksena

“Walang takot idinirek ni Direk Joel ang pelikulang ito,” sabi ni Jake sa mediacon nitong Nobyembre 24, 2022, Huwebes, sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City.

“Walang takot naming inarte din ang pelikulang ito. Ahhm, so for me this is something I’m very, very proud of.

“Kasi, napakalaking challenge. This is a very big challenge for all of us. Kasi, hindi madali yung pelikula.

“But certainly nung natapos ang lahat, nung natapos ang buong pelikula, umiiyak kaming apat.

“Kasi, it was worth it. It was worth the effort. It was worth the, you know, going outside your comfort zone, doing things na hindi mo naman ginagawa sa totoong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And for me, to be honest, ito rin naman ang dahilan kung bakit din naman ako artista, isang aktor. Para ma-challenge na makagawa ng isang pelikula na kakaiba sa iba pang mga pelikulang ipinapalabas.

“So for me, I take that with the highest honor. Sabi ko nga kay Direk nung dubbing pa lang, niyakap ko si Direk, umiiyak ako, nag-thank you talaga ako sa kanya.”

Ang My Father, Myself ay isa sa walong official entries ng 48th Metro Manila Film Frstival (MMFF).

Read: Parade of Stars at awards night ng MMFF 2022, gaganapin sa Quezon City

Gumaganap dito si Jake bilang human rights lawyer na si Robert, asawa ni Amanda (Dimples Romana), at ama ni Mica (Tiffany Grey).

Lover ni Robert si Domeng (Alan Paule). Nang pumanaw si Domeng, inampon ni Robert ang anak nitong si Matthew (Sean de Guzman).

Nagkagusto si Mica kay Matthew. Nabuntis ni Matthew si Mica. Kaso, ang gusto ni Matthew ay si Robert. At gusto rin ni Robert si Matthew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

my father myself cast(From left) Sean de Guzman, Jake Cuenca, Dimples Romana, and Tiffany Grey

Malaki ang laban ni Jake na maging best actor sa MMFF 2022!

“Naririnig ko lang na sinasabi sa akin iyan, naririnig ko lang na pinupuri ako ni Direk Joel, naririnig ko lang na pinupuri ninyo ako… ang laking bagay na talaga sa akin yan,” paggaralgal ng boses ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi… ano kasi, ahh… itong pelikulang ito, sa totoo lang, hindi pa talaga ako handang magtrabaho pa. I wasn’t ready to work yet.

“Pero kasi, rather than shy away from it, rather than matakot, buong puso ko siyang tinanggap. It was exactly what I needed in my life at that time.

“So, for me, sa totoo lang, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pandemyang ito, lahat ng pinagdaanan nating lahat — makarinig lang ako ng puri sa inyo, makita ko lang kayo, maka-face-to-face ko lahat ng tao, mapuri ako ni Direk ng ganito — ang laking bagay na sa akin.

“Panalo na po ako dun. So, maraming-maraming salamat po.”

GORGY RULA

Napag-alaman ng PEP Troika na may offer ang GMA Network kay Jake.

Napangiti si Jake nang usisain namin tungkol dito, “Ahhh, well I’m flattered. Ako naman po ay never akong nag-burn ng bridges sa Channel 7.

“In fact, may good relationship ako with them. But just to be fair with ABS-CBN, pumirma po ako ng contract.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So right now, I’m a Kapamilya and I’m proud to be one.”

Willing daw ang Kapuso Network na maghintay hanggang matapos ang contract niya next year sa ABS-CBN?

“Really? Well, di ba, siyempre like for me naman, talagang sinabi ko na I’m flattered and I will forever be grateful,” tugon ni Jake.

“Kahit sinong may taker, sa panahon ng pandemya, sa totoo lang sobrang grateful ko na may takers, alam mo yun.

“Na maraming nag-o-offer ng trabaho. Sinarado na ang network namin, at masaya lang ako na may 3:16 Media Network, may Viu, di ba?

“May ABS-CBN International. May ibang platforms at ibang producers. So for me I’m just very grateful for that talaga.”

In case na gagawa siya ng drama series sa Kapuso Network, mas gusto ba niyang collab iyon ng GMA at ABS-CBN?

“That would be perfect. Talaga to be quite honest with you, sabi ko nga in this day and age na di ba, parang binigyan tayo ng konting freedom, e,” pahayag ng 34-anyos na aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di ba? Ang ganda kasi parang nakikita mo naman unti-unti nagiging inclusive na ang industriya at nagtutulunhan na tayo.

“So for me, that would be a dream scenario — to do a collaboration with both networks.”

Totoo bang friends pa rin sila ng ex-girlfriend niyang si Kylie Verzosa?

Read: Kylie Verzosa still no communication with ex-boyfriend Jake Cuenca; is she ready to love again?

“Yeah, we’re OK. OK naman… Wala pa kami sa point na nag-uusap so… but everything I said in my post, I meant it with my heart talaga,” pagtatapat ni Jake.

“And until now, alam mo yun parang… until now, sa totoo lang yung post na yun, I really shot from the heart.

“Hindi ko in-edit, sinabi ko lang isang beses. Hindi ko chineck. So that’s really how I feel about it, so parang…

“To be honest, right now, I know a lot of months have passed pero hindi pa ako handa to really talk about it and elaborate in my last relationship.” Handa na ba siyang ma-in love muli?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Right now, no. Ngayon po talaga, ang focus ko ay sa career, sa goals. Siyempre, three years ang nawala,” lahad ni Jake.

“Three years tayong nagpahinga. Three years tayong nanahimik. So right now, I do feel na parang may na-realize akong potential ko at gusto kong i-exercise yun ngayon.

“Kaya naman eto yung mga projects na tinatanggap ko. Yung hinahanap ko, yung mga mahihirap at challenging talaga. Kasi nga gusto kong i-challenge ang sarili ko.

“Three years ako na feeling ko para akong napahinga. So, parang ngayon gusto kong mag-teatro, gusto kong gumawa ng pelikula, gusto kong mag-TV, gusto kong mag-stream. Gusto kong gawin lahat.”

Read: Jake Cuenca moves into new home after breakup with Kylie Verzosa: “Here’s to new beginnings.”

Kumusta na ang puso niya? Naluluha pa rin ba siya?

“Ahh, sabi nga ng tatay ko sa akin, ‘Three years yung relationship na yun. So, ilagay mo nang one year and a half bago ka maka-move on completely.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, wala pa tayo dun! We’re just six months in,” bittersweet na pagngiti ni Jake.

NOEL FERRER

Nang makausap ko si Jake Cuenca, sabi niya, pagkatapos tumigil ang mundo noong pandemya at pagkatapos din ng kanyang breakup with Kylie Verzosa, talagang humataw siya sa trabaho. At ngayon, he is reaping the fruits of his good works.

Oo, he delivered a very good and brave performance here in My Father, Myself — and so did the other actors like Dimples Romana and Sean de Guzman.

Good luck sa official entry na ito sa MMFF 2022.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Cuenca on his chances to win MMFF 2022 best actor: "Sa totoo lang, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pandemyang ito, lahat ng pinagdaanan nating lahat — makarinig lang ako ng puri sa inyo, makita ko lang kayo, maka-face-to-face ko lahat ng tao, mapuri ako ni Direk ng ganito — ang laking bagay na sa akin. Panalo na po ako dun. So, maraming-maraming salamat po.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results