Anthony Taberna, balik-telebisyon sa All TV; aminadong nahasa nang husto sa ABS-CBN

by PEP Troika
Nov 26, 2022
Anthony Taberna Kuha All on All TV
"Nanganganay uli ako. Malaking bagay po talaga yung production team dito. Sobrang gagaling po," pagbabahagi ni Anthony Taberna sa karanasan niya sa taping ng Kuha All, ang unang public affairs show niya sa All TV. Nagbigay-pugay din siya sa ABS-CBN shows "na talagang nai-prepare po kami sa iba’t ibang klase po ng mga sitwasyon."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Napakasaya ni Anthony Taberna, aka Ka Tunying, sa kanyang pagbabalik-mainstream TV via public service program na Kuha All, na mag-uumpisa ngayong Nobyembre 26, 2022, Sabado ng 5:00 p.m. sa ALLTV.

"Bagama’t nandiyan naman po tayo lagi sa social media, pero iba po talaga ang nainstream, e," sabi ni Ka Tunying.

Humarap si Ka Tunying sa mediacon noong Nobyembre 21, Lunes, sa Sixty-Four restaurant ng Evia Lifestyle Center, Daang Hari, Almanza Dos, Las Piñas City.

Patuloy niya: "Iba po ang mainstream television. Nung nagkausap po kami ng pamunuan po ng ALLTV na ibinigay po sa atin itong opportunity na ito, para bang iyong pakiramdam ko ay kapareho po ng pakiramdam nung una akong nagkaroon ng sariling show sa ABS-CBN once upon a time.

"But of course, ang kaibahan po nun, that was almost 20 years ago. Bata-bata pa tayo nun kaya parang hindi tayo tinatablan ng pagod.

"Pero ngayon matanda na pala ako! Ha! Ha! Ha! Matanda na pala ako. Kasi, sobrang metikuloso po itong aming producers dito sa Kuha All. Andami-daming mga sinu-shoot."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Ka Tunying, tatlong taping days para mabuo ang isang episode ng Kuha All.

"Normally, ang isang public affairs show po ay kung once a week lang naman, once a week lang din ang shoot day.

"Pero dito, ang isang episode po namin, umaabot minsan ng three shooting days. Sabi ko, ang tindi nitong mga producers ng Kuha All. Pinahihirapan talaga tayo nang husto," biro niya.

Pero diin din niya: "Pero isa lang po kasi ang objective namin na makapag-present po ng isang klase ng produkto na hindi lang gusto ng tao kundi pakikinabangan.

"It is not only what the people want, but I think this is what the people will need pagdating po sa ganitong klase ng show.

"Kaya para akong bumalik sa umpisa. Nanganganay uli ako. Malaking bagay po talaga yung production team dito. Sobrang gagaling po."

Kung inaabot minsan ng tatlong araw ang shoot para sa isang episode ng Kuha All, malamang na apektado ang iba pa niyang ginagawa, kagaya ng paggawa niya ng content para sa kanyang YouTube channel at Facebook page.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Actually po, nag-a-adjust pa po kami. Mahirap talaga lalo na ang mga shoot namin dito, may pagkakataon na nasa probinsya pa," pag-amin ni Ka Tunying.

"Hinihintay ko pong matapos muna ang morning show ko sa DZRH bago po kami makabiyahe.

"So talagang sobrang kailangan namin ng magaling na time management dito. Marami po talaga.

"Hindi naman ako nagrereklamo pero andami ko po talagang ginagawa ngayon, hindi na nga po ako makapagpakulay ng aking buhok. Kita ninyo ay pumuputi na ang buhok ko dahil hindi ko na po maasikaso.

"Kaya thanks to my manager-slash-ex-girlfriend na siya po talaga ang nagma-manage po ng lahat pagdating po sa schedule.”

Ang tinutukoy niya na "manager-slash-ex-girlfriend" ay ang misis na si Rosell Taberna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA:

Nagpasalamat si Ka Tunying sa mga TV show na pinagdaanan niya sa ABS-CBN.

Aniya, "Una, sa Umagang Kay Ganda at iba pang pangalan ng morning show na yun. Ang Kalye: Mga Kuwento ng Lansangan, ang XXX.

"Yun po ay mga klase ng programa na talagang nai-prepare po kami sa iba’t ibang klase po ng mga sitwasyon.

"Halimbawa po, may mga magagalit sa yo. Dati nga po, meron pa kaming mga death threat mula po sa ilang kilalang mga personalidad na naging subject po ng aming mga exposé during those times."

Dahil sa mga karanasang iyon, mas kumpiyansa si Ka Tunying sa kanyang trabaho.

"Kaya ngayon, hindi po kami magugulat kung darating po muli ang ganung pagkakataon, sapagkat occupational hazard na po natin na kapag may matutuwa sa iyo, may isang magse-celebrate sa ipinalabas po natin, ay meron din pong maiinis, magagalit at masusuklam po sa atin.

"Dun sa mga maaaring matamaan po ng amin pong mga exposé, mga videos na ipapalabas, gusto po naming sabihin sa inyo na hindi po namin ilalabas ito na one-sided lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gagawin po natin ang ating pangunahing tungkulin na mabigyan po ng fair chance ang bawat isa na makasagot sa amin pong ipapalabas, and rest assured that we will do our best to see to it that our features everytime are accurate at balanse.

"Para po kung may sama man kayo ng loob, e hindi na po kami ang may problema dun kundi kayo na po."

Kuha All hosted by Ka Tunying

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Magaling at masipag naman si Anthony Taberna at nakita natin iyun sa kanya noon pa. Sa tindi naman ng dinaanan niya sa kanyang pamilya, ito ang motivation niya para pagbutihin pa ang kanyang trabaho.

Sana nga maging magandang behikulo sa kanya ang Kuha All pero ang alam ninyong kalakasan ni Tunying, malinaw siyang mag-explain ng kanyang punto, at alam mong sapul ang kanyang salita na parehong may latay at humor.

Iyan para sa akin ang tatak-Tunying. Good luck sa bago mong programa. Proud kami sa iyo!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nanganganay uli ako. Malaking bagay po talaga yung production team dito. Sobrang gagaling po," pagbabahagi ni Anthony Taberna sa karanasan niya sa taping ng Kuha All, ang unang public affairs show niya sa All TV. Nagbigay-pugay din siya sa ABS-CBN shows "na talagang nai-prepare po kami sa iba’t ibang klase po ng mga sitwasyon."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results