5th EDDYS highlights and sidelights: Alfred Vargas, napaiyak sa In Memoriam; Gameboys stars Elijah Canlas and Kokoy de Santos, nag-reunion

by PEP Troika
Nov 28, 2022
alfred franki elijah kokoy
5th EDDYS presenters: (from left) Alfred Vargas, Franki Russell, Elijah Canlas, and Kokoy de Santos.
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Maayos na nairaos ang 5th EDDYS Awards ng grupong Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ginanap sa Metropolitan Theater nitong Linggo ng gabi, November 27, 2022.

Read: Charo Santos and Christian Bables win top acting honors at 5th EDDYS

Mabuti at nakarating ang mga nagwagi ng major awards: ang Best Actress na si Charo Santos ng pelikulang Kun Maupay Man It Panahon, ang Best Actor na si Christian Bables ng Big Night, at ang Best Supporting Actor na si Mon Confiado ng pelikulang Arisaka.

Hindi nakarating si Lotlot de Leon na nanalo muli bilang Best Supporting Actress mula sa pelikulang On The Job: The Missing 8. Ngwagi rin siya sa 45th Gawad Urian.

At gaya rin sa Urian, hinakot muli ng On The Job: The Missing 8 ang karamihan ng awards sa 5th EDDYS, kasama na ang Best Picture at Best Director na si Erik Matti.

Read: On The Job: The Missing 8 sweeps 45th Gawad Urian; John Arcilla, Yen Santos win top acting honors

Nasa Amerika pa sina Direk Erik kaya ang nasa production na si Stacey Bascon at isa pang kasama nito ang tumanggap ng awards na napanalunan ng On The Job: The Missing 8.

Hindi na naman alam ni Christian Bables kung ano ang sasabihin niya nang tinanggap ang Best Actor trophy. Hindi raw talaga siya nag-e-expect dahil magagaling ang mga nakakalaban niya.

christian bables 5th eddys

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Ayoko kasi talaga umasa. Every time na nanu-nominate ako, never akong umasa o pumunta na prepared with an acceptance speech.

“Siguro to save myself na rin from being hurt if in case. Kasi siyempre, kahit papa'no kunwari iba yung manalo, you’ll be happy for the person.

"Pero siyempre, ikaw bilang tao, kahit papano ‘ay sayang,’ magaganun ka. For me to save myself from expecting.”

Sinasabi naman ni Charo na gusto niyang makagawa pa ng magagandang pelikula kagaya ng Kun Maupay Man It Panahon.

“Gusto ko pang gumawa ng pelikula at saka sana may serye na dumating, di ba?” bulalas ng aktres at ABS-CBN executive.

Gusto niyang maging abala sa pagagawa ng magagandang pelikula o kahit teleserye, dahil hindi na siya magiging abala sa Maalaala Mo Kaya, na magtatapos na sa ere nitong Disyembre.

Read: Maalaala Mo Kaya to end its 31-year run this December

charo santos 5th eddys

Ang isa pang magandang nagawa sa EDDYS ay ang pagbibigay halaga sa mga kagaya nilang entertainment journalists na sina Mario Dumaual, na recipient ng Joe Quirino Award, at si Eric Ramos, na ginawaran ng Manny Pichel Award.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

mario dumaual eddys

Mario Dumaual

eric ramos eddys

Eric Ramos

Pangalawang taon nang nagpapamahagi ng Isah V. Red Award sa mga taga-industriya na nakapag-ambag ng tulong sa ating mamamayan. Si Isah Red ang yumaong presidente ng SPEEd.

Ngayong taon, ibinigay nila ito kina Kris Aquino, Gretchen Barretto, Alfred Vargas, at sa Sagip Kapamilya at Kapuso Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

alfred vargas eddys

Alfred Vargas

Isa rin sa highlights ng naturang awarding ceremony ay ang pagbibigay ng Icons Awards sa mga naglikha ng marka sa mga pelikulang nagawa nila.

Ngayong taon ay iginawad ito kina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Phillip Salvador, Roi Vinzon, Alma Moreno, Divina Valencia, Sharon Cuneta, at Helen Gamboa.

phillip roi alma divina eddys

Phillip Salvador, Roi Vinzon, Alma Moreno, and Divina Valencia

Ang ganda ng rendition ni Jona ng awiting "Ngayon at Kailanman" na inalay sa mga dumalong Icons.

Hindi ko naman napigilang maluha sa kanilang In Memoriam kung saan lumabas ang mga litrato ng mga namayapang artista, manunulat, at taga-production sa movies at TV.

Punung-puno ng damdamin ang pagkakaawit ni Ice Seguerra sa kantang "Minsan Ang Minahal ay Ako."

Kahit si Alfred Vargas ay sinabi sa aking naiyak siya nang nakita niya ang mga nakatrabaho niyang namayapa na, lalo na kay Cheri Gil, na nakasama niya sa pelikulang Kaputol (2019).

Read: Alfred Vargas recalls last conversation with Cherie Gil: "She was such a lady who knew how to converse."

Sina Cherie at Susan Roces ang ginawaran ng EDDYS ng posthumous awards.

Congratulations sa mga taga-SPEEd na nabuo muli nila ang EDDYS sa tulong ng producer nitong Fire and Ice nina Liza Dino at Ice Seguerra!!!

JERRY OLEA

Sabay na dumating at nag-present ng award sa 5th EDDYS ang mga bida ng Pinoy BL series/movie na Gameboys, sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos!

elijah kokoy eddys

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Elijah Canlas (left) and Kokoy de Santos (right) with Manila Business Insight entertainment editor Gie Trillana

Kasabay ng EliKoy/CaiReel sa red carpet si Angeli Sanoy, na kasama rin sa Gameboys. Nakita pa namin later on ang dalawa na nililitratuhan ang isa’t isa sa stars sa may red carpet area matapos silang mag-present ng award.

Early bird sa MET ang BidaMan finalist na si Kristof Garcia, na kasabay namin ni Sean de Guzman sa pag-present ng award sa isang kategorya.

kristof sean eddys

Kristof Garcia (left) and Sean de Guzman (right) with PEP Troika's Jerry Olea

Nagkaproblema si Quinn Carillo noong magpe-present na siya ng award. Natanggal kasi ang false eyelashes niya sa isang mata. Buti, may make-up artist sa backstage na tumulong sa kanya!

quinn carrillo marco gomez

Quinn Carillo and Marco Gomez

Takaw-pansin ang alindog ni Franki Russell sa red gown nang gabing iyon. Bida si Franki sa upcoming Vivamax film na Laruan, at sinabi niya sa red carpet na kapana-panabik ang mga mapangahas na eksena niya roon. Bolder than her previous film Pabuya!

franki russel eddys

Franki Russell

Natuwa ang beteranong aktor na si Noel Trinidad sa mga bumabati at nagko-congratulate sa kanya dahil sa nakakaantig na trailer ng MMFF 2022 official entry na Family Matters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang ganda at ang saya ng chikahan namin ni Noel tungkol sa Family Matters dito sa ballroom ng MET,” sabi ng katotong Julie Bonifacio Gaspar.

Read: Trailer ng MMFF 2022 entry na Family Matters, umabot na sa 5M views

noel trinidad wife

Noel Trinidad and wife Lally Laurel

Ang kaibigang Direk Elwood Perez, ayaw nang umupo sa area na inilaan para sa presenters. Nagkachikahan na lang sila ni RG Nestor Cuartero sa may bandang likuran.

Private na tawagan namin sa SPEEd ang RG which stands for Retired General.

Inclusive ang IN MEMORIAM ng 5th EDDYS kung saan inilista ang mga naging bahagi ng entertainment industry na pumanaw mula nang ganapin iyong 4th EDDYS noong Abril 4, 2021, Easter Sunday.

Pati iyong late na nabalitaan ng SPEEd kaya hindi naitala sa 4th EDDYS (na virtual edition) ay isinama sa 5th EDDYS.

May moment para sa movie queen na si Susan Roces at sa tinaguriang La Primera Contravida ng pelikulang Pinoy na si Cherie Gil.

Read: Acting legends Susan Roces at Cherie Gil, bibigyang-pugay sa 5th EDDYS

Ang 5th EDDYS ay presented ng SPEEd at Fire and Ice Media and Productions, in partnership with GLOBE, sa pakikipagtulungan ni Rhea Anicoche Tan ng Beautederm, NCCA, at Metropolitan Theater.

Host ang King of Talk na si Boy Abunda.

boy abunda eddys

Boy Abunda

NOEL FERRER

Effort kung effort ang ginawa hindi lang ng 5th EDDYS ng SPEEd kundi pati na ng nakaraang 70th FAMAS, 45th Urian ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino, at susunod naman na ang 38th Star Awards for Movies ng PMPC.

Ang tanong ngayon, bakit tila hindi na ito mahalaga sa mga audience na hindi na nanonood, at pati awardees at nominees na absent o nagpa-excuse na sa attendance sa mga ganitong pagtitipon?

Kapag ba naibalik na ang sigla sa pelikula, babalik din ang interes nila sa mga awards na ganito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At bakit nagsulputan na rin ang iba’t ibang mga global excellence at kung any-anong churva-churvang awards pa na kinatataasan ng kilay?

Paano maibabalik ang prestige at suporta ng mga tao sa mga gawad?

Ang tanong na ito’y tanong ko rin sa aking hanay… ano po sa tingin ninyo?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
5th EDDYS presenters: (from left) Alfred Vargas, Franki Russell, Elijah Canlas, and Kokoy de Santos.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results