GORGY RULA
"A day in a life" ng tatlong host na sina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez-Padilla, at Ciara Sotto ang unang feature sa pilot episode ng M.O.M.s o Mhies on A Mission na nagsimula nung Lunes, November 28, 2022.
Read: Mariel Rodriguez, Ruffa Gutierrez, Ciara Sotto reveal what they can offer to their new ALLTV show
Ang cute ng mag-asawang Mariel at Senator Robinhood Padilla kung saan ka-bonding nila ang kanilang dalawang anak na gumagawa ng cupcakes at may pa-art session pa sila.
Sabi ni Mariel, naglalaan siya ng oras sa ganitong bonding para magkaroon ng masasayang memories ng kanilang mga anak.
Sinamahan naman ni Ciara ang kanyang anak na si Crixus na magpagupit. Ang guwapo pala nitong si Crixus!
Nakakaaliw naman ang tsikahan ng mag-inang Ruffa at Venice, na ang galing pala mag-makeup.
Habang minimeyk-apan ang kanyang mommy, ibinuking ni Venice na nagising daw siya minsan nang madaling-araw na may kausap sa phone si Ruffa at nagtatago sa banyo.
Kinakantiyawan pa ni Venice si Ruffa na parang teenager lang ang nanay niya. Pinigilan pa ni Ruffa ang anak na huwag banggitin kung sino ang kausap niya sa phone ng madaling-araw.
Nakakatuwa silang tingnan na parang magkaedad lang ang nag-uusap.
Bago natapos ang episode, muling naungkat ang tungkol sa kanila ni Herbert Bautista. Hindi pa rin inaamin ni Ruffa kung sila na ba ni Herbert. Ayaw na lang daw nilang magpa-pressure sa sinasabi ng mga tao.
Na-develop ang anumang namamagitan sa kanila sa lock-in taping ng seryeng The House Arrest of Us na wala raw silang ginawa roon kundi mag-usap.
“Marespeto iyan! Ano siya, torpe. Ako rin, I’m super torpe. So, tsikahan lang kami ng tsikahan. So, para kaming turtles,” bulalas ni Ruffa.
Ikinuwento ni Ruffa ang kakaibang first date nila dahil gusto raw ni Herbert na kasama ang mga anak niyang sina Lorin at Venice. Pinag-usapan daw nila kung paano paplanuhin ang pag-aaral ni Lorin sa Amerika.
“Tinulungan niya ako i-compute magkano ang college expenses para kay Lorin. Iyon ang first date namin. Very helpful, di ba?
“Normally pag first date, di ba? Hello, hi. Hindi na ganun. Feeling ko nag-mature na ako. This is the first time I’m talking to someone older and wiser. I never experienced this na seven hours nag-uusap kami, nag-aaral.
“Para kasi siyang mentor. I learned a lot from him,” masayang tsika ni Ruffa.
Dagdag pa niya, “I think my heart is happy. I’m just enjoying life and taking my time. Hindi kami nagpapadala sa pressure ng tao na, 'Uy, kailangan ganito ang gawin niyo, ha? Mag-out na kayo.' Hindi.
“Parang, I think, tulad ng sinabi ko kanina, time will reveal a person’s character.”
Sa totoo lang, maganda ang kumbinasyon ng tatlong hosts. Halatang nagkakapaan pa sila ng tamang timing sa mga tsikahan nila, pero masaya pa rin silang panoorin. Napapanood ang M.O.Ms sa AllTV tuwing alas-onse ng umaga, mula Lunes hanggang Biyernes.
NOEL FERRER
OK naman ito bilang panimula…. para alam natin ang pinanggalingan ng mga hosts.
Pero sakaling mag-progress na sa mga normal na episodes, kailangang ma-distinguish ang pagkakaiba ng talk show na ito, ng kay Toni Gonzaga; yung TikTalks nina Korina Sanchez, Pat-P Daza, Kakai Bautista, G3 San Diego, at Alex Calleja.
Mapatutunayan dito if Talk Is Dead. Kanya-kanyang talak at opinyon sa iba’t ibang online platforms, pati nga sa YouTube at Spotify.
Matira ang matibay.
JERRY OLEA
Sa presscon ng M.O.M.s noong Nobyembre 22 sa The Crossing Cafe, Daang Hari Road, Molino IV, Las Piñas, tinanong ko ang tatlong mhie kung pangarap ba nilang mabuntis muli at magkaroon ng karagdagang anak.
Sagot ni Ruffa, “Ako? No! Before I was thinking freezing my eggs, mga five years ago. And then buti hindi ko ginawa.
“Kasi, mahirap magpaaral ng mga anak na single mom ka. And kaya ako kumakayod actually, kasi nga, my kids are now going into college.
“Mahal din ang college na gusto nila. Kasi gusto nila sa abroad. So, hindi na siguro. Siguro naman, kung sino man ang magmamahal sa akin, mamahalin ako nang buung-buo.
“Hindi na namin kailangang magkaroon ng anak para i-prove yung pagmamahal namin sa isa’t isa.”
Sabi naman ni Ciara, “Parang… ako, parang OK na ako. Parang enough na si Crixus for me. Pero kung dumating pa, sige lang, why not?”
Pagdidiin ni Mariel, “Ako, hindi na po! OK na po talaga ako, promise! Yung two girls, alam mo yun, it’s a lot. Totoo po yung sinabi ni ate mhie, mahal po magpaaral talaga.
“So we have to think of those things also. Hindi lang yung parang, ‘Ay! Ang cute nila! Sige!’”
Sambot ni Ruffa, “At saka stages yan! Di ba, sinabi ko sa iyo? Sabi ko, ‘Enjoy the moment that they still sleep with you, they wanna be with you.’
“Kasi darating ang time na ayaw na nila kunyari lalambingin mo. Although pag dumadating na si Lorin ngayon — si Lorin kasi nasa abroad na nag-aaral, e.
“So ngayon nare-realize niya habang nasa abroad siya, nami-miss niya. Aba! Nagpapabili ng corned beef. Lahat ng klase ng Filipino food, iyan ang babaunin ni Venice.
“Kasi Venice is leaving on Wednesday to the States. Lahat ng request niya, Filipino food. So, pag umuuwi si Lorin, nagka-cuddle din kami sa bed.
“And I think may stages yun. May stage din yan pag teen-ager… naku, makukulit! Matitigas ang ulo!
“And then after that, magbabago na sila. Nagiging mature na sila. Especially during the pandemic, di ba lahat ng teen-agers noon parang… kinulong!
“Depressed. So ngayon, everyone’s OK na.”