Watch Now

Vince Tañada, tatapatan ulit ang pelikula ni Darryl Yap?

by PEP Troika
Dec 7, 2022
vince tanada famas darryl yap movie
Vince Tañada (left) on possibility of his upcoming film and Darryl Yap's (right) next movie having the same playdate again: “Kung may Regal, may Viva. Kung may ABS-CBN, may GMA. Bakit magagalit kung magkakatapatan? We are just giving people the option to choose.”
PHOTO/S: Facebook / Instagram

JERRY OLEA

Sabay na ipinalabas noong Agosto 3, 2022 sa local cinemas ang pelikulang Maid in Malacañang ni Direk Darryl Yap, at ang Katips na isinulat, idinirek, prinodyus, at pinagbidahan din ni Atty. Vince Tañada.

Ang isa sa lead actors ng Katips na si Jerome Ponce ay gaganap na young Ninoy Aquino sa Martyr or Murderer (MoM) na sequel ng Maid in Malacañang (MiM).

Read: Darryl Yap at Vince Tañada, muling magtatapat ang mga pelikula sa 2023?

“Masaya ako na may bago siyang pelikula,” pahayag ni Atty. Vince nitong Disyembre 7, Miyerkules, via Messenger.

“I trained him when he was young and as a mentor I know he can take on any role na ibibigay sa kanya.”

Ang young Cory sa MoM ay ang girlfriend ni Jerome na si Sachzna Laparan.

jerome saczha young ninoy cory

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jerome Ponce and Sazcha Laparan as young Ninoy Aquino and Cory Aquino

Nasa MoM din bilang young Ferdinand and young Imelda sina Marco Gumabao at Cindy Miranda, respectively.

marco cindy young ferdinand imelda(Left) Young Imelda Marcos and Ferdinand Marcos; (Right) Cindy Miranda and Marco Gumabao

Nag-post noon si Jerome ng picture na pinanood niya ang Maid in Malacañang. Pakiramdam ba ni Atty. Vince aybetrayed siya ni Jerome?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Is Vince Tañada disappointed at Katips star Jerome Ponce for watching Maid In Malacañang?

“Everyone is entitled to watch movies. We have the freedom to choose kung ano ang gustong panoorin,” sabi ni Atty. Vince.

“So if he wants to watch Maid in Malacañang then I don't see any problem with that. Wala pa naman tayo sa martial law para pigilan kung ano ang gagawin natin. I just hope whatever decisions we make, we have to stand by it and accept all repercussions.”

Tungkol sa playdate ng Martyr or Murderer, patutsada ni Direk Darryl sa Facebook recently, “yung mga pelikula pong makikisabit na naman sa pelikula namin, baka naiinip na kayo sa playdate,

“pagdedesisyunan na po bago magpasko.

“pasensya na po kayo kung nakabitin kayo… basta once may playdate na po—

“i-announce namin agad para meron na rin kayo, or lagay nyo na lang po ganito

“(MOVIE TITLE NYO)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Date: Kung Kailan ang #MoM, yun na din. Thanks po.”

Totoo bang may ginagawang pelikula si Atty. Vince na pantapat sa MoM?

“Wala namang masama kung may mga katapat ang mga pelikula. Matagal nang nangyayari iyan,” tugon ni Atty. Vince.

“Kung may Regal, may Viva. Kung may ABS-CBN, may GMA. Bakit magagalit kung magkakatapatan? We are just giving people the option to choose.”

Iyong Katips ay humakot ng pitong tropeyo sa 70th FAMAS Awards noong Hulyo 30 sa Metropolitan Theater.

Read: FAMAS 2022: Martial law film Katips bags seven awards; Charo Santos-Concio wins Best Actress

Kabilang sa awards nito ang best picture, best actor (Vince Tañada), best supporting actor (Johnrey Rivas), best director (Vince Tañada), best cinematography, best original song, at best musical score.

“Habang buhay na magpupuri sa Panginoon sa biyayang ito. Best Director, Best Actor at Best Picture para sa pelikulang Katips,” Facebook post ni Atty. Vince noong Agosto 3 bilang caption sa litratong hawah niya ang FAMAS trophy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa 38th PMPC Star Awards for Movies na gaganapin early next year, nominado ang Katips sa labintatlong kategorya — Indie Movie of the Year, Movie Actor of the Year (Vince Tañada), Indie Movie Screenwriter of the Year (Vince Tañada), Indie Movie Director of the Year (Vince Tañada), Movie Supporting Actor of the Year (Johnrey Rivas), New Movie Actress of the Year (Nicole Laurel Asensio), Indie Movie Ensemble Acting of the Year, Movie Cinematographer of the Year (Manuel Abanto), Indie Movie Editor of the Year (Mark Jason Sugcang), Indie Movie Production Designer of the Year (Roland Rubenecia), Indie Movie Sound of the Year (Dondon Mendoza), Indie Movie Themesong of the Year (“Sa Gitna Ng Gulo” performed by Jerome Ponce, Nicole Laurel Asensio, Vince, Adelle Ibarrientos, Joshua Bulot, Vean Olmedo, Johnrey, and Carla Lim; lyrics by Vince, composed by Pipo Cifra), at Indie Movie Musical Scorer of the Year (Pipo Cifra).

Read: A complete list of nominees for the 38th Star Awards for Movies

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Facebook post ni Direk Darryl ngayong Disyembre 7, Miyerkules ng tanghali, “Habang nagbabyahe kami papuntang Pagudpud, tumawag ang boss ko at narealize ko na Dec 7 pala ang binigay ng Viva para sa final casting ko ng #MAM o MABUHAY ALOHA MABUHAY, ang part 3, kung saan aabot na ito sa pagkapanalo ni PBBM ngayong 2022.

“aside from having artistas for the Marcoses sa kanilang current age, sumasakit ang ulo ko sa tanong na ito: Sino ang gaganap na

RODRIGO DUTERTE

INDAY SARA DUTERTE

LENI ROBREDO

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

“ngumunguya na ako ng 4 na biogesic.”

By the way, nag-shooting ang Martyr or Murderer sa Santa Monica Parish Church ng Sarrat, Ilocos Norte, na naging location din ng Kapuso primetime series na Maria Clara at Ibarra.

Sa nasabing simbahan din ikinasal sina Irene Marcos at Greggy Araneta noong 1983.

NOEL FERRER

Good luck na lang sa mga pelikulang ito na sana’y makapagsulong ng magandang adhikain ng pagbubuklod natin bilang mga Pilipino, at hindi ang pagkakawatak-watak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vince Tañada (left) on possibility of his upcoming film and Darryl Yap's (right) next movie having the same playdate again: “Kung may Regal, may Viva. Kung may ABS-CBN, may GMA. Bakit magagalit kung magkakatapatan? We are just giving people the option to choose.”
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results