GORGY RULA
Hindi lang si Meryll Soriano ang kinulit namin sa kuwentong wedding plans sa nakaraang imbitasyon sa amin ng Crown Artist Management (CAM).
Read: Meryll Soriano, hindi priority ang pagpapakasal nila ni Joem Bascon
Pati si Maja Salvador ay tinanong din namin kung ano ang plano pagkatapos mag-propose sa kanya si Rambo Nuñez Ortega.
Sina Maja at Rambo ay magkatuwang sa pamamahala sa CAM.
Read: Maja Salvador is now engaged to Rambo Nuñez Ortega: "My new beginning."
Napapag-usapan ba nila ito ni Maine Mendoza kapag nagkikita sila sa Eat Bulaga? Si Maine ay engaged na rin sa boyfriend niyang si Quezon City Congressman Arjo Atayde.
Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are engaged
Ang narinig kasi namin ay nakatakda na rin sa taong 2023 ang kasalan. Wala lang kaming ideya kung sino ang mauuna sa kanilang dalawa.
Nagku-compare notes ba sila ni Maine pagdating sa wedding plans?
“In fairness sa aming dalawa, parang masikreto kaming dalawa sa kung anong magaganap. Pero alam niya na next year ako, ganyan.
“Kasi siguro kaya marami akong friends na sikreto lang din dahil hindi ako ano… hindi ako tsismosa sa buhay nila,” napapangiting pakli ni Maja sa Studio 28 Lounge, Uptown Parade, BGC, Taguig City, noong Disyembre 8, 2022, Huwebes.
Read: Vic Sotto at Pauleen Luna, kunin kayang principal sponsors sa kasal nina Maja-Rambo at Maine-Arjo?
NOEL FERRER
Since pinasok na rin ng Crown Artist Management ang production, bakit hindi na lang nila i-produce ang kasal nila ni Rambo, at pati na rin ang kina Meryll Soriano at Joem Bascon?
Pero mas gusto nilang pribado ito at ibigay na raw sa kanila ang araw na iyon. Kaya kahit sa ilang kaibigang entertainment press ay hindi nila ibinabahagi ang buong detalye.
Sabi ni Maja, “Love ko naman kayo. Pero siguro pagdating sa mga bagay na ganyan, baka yun naman ang ibibigay ko sa sarili ko, sa aming dalawa ni Ram.”
Siguradong part ng kasal niya ang mga taga-Eat Bulaga?
Mabilis na sagot ni Maja, “Siyempre, oo! Mga importanteng tao. Basta!”
JERRY OLEA
"Star of All Stations" si Maja, na napanood sa The Iron Heart ng Kapamilya Channel, Oh My Korona ng TV5, at andiyan pa sa Eat Bulaga! ng GMA-7.
Swak na swak na si Maja sa Dabarkads ng Eat Bulaga.
“Super-love ko! Sobrang fun ang samahan namin. Suwerte ko kasi siguro alam ni Lord na sobrang love kong magpasaya, mag-entertain,” saad ni Maja.
“Pag nailawan na, parang yung dugo ko, talagang nabubuhay. Ganun, kaya lagpas one year na ako sa Eat Bulaga.”
Lagare Queen si Maja noong Hulyo 30. Dinaluhan niya noong araw na iyon ang anniversary presentation ng Eat Bulaga! sa studio sa Cainta, ang 70th FAMAS Awards sa Metropolitan Theater ng Manila, at ang GMA Thanksgiving Ball 2022 sa Shangri-La The Fort ng Taguig City.
“Pag gusto, may paraan. Siyempre, support sa lahat. Ahh, siyempre anniversary ng Eat Bulaga,” pahayag ni Maja.
“And then FAMAS. Siyempre FAMAS, nominated ka, hindi mo pupuntahan? Manalo-matalo, pumunta ka.
“And then yung sa GMA Ball naman, pagbibigay-pugay, respect lang sa GMA because si John Lloyd ay may sitcom sa GMA.
“So respect lang, suportahan, di ba? Kung saan tayo makakatulong, tulong tayo.”
Kumusta yung pelikula nina John Lloyd Cruz at Jasmine Curtis-Smith? Passion project iyon ni Lloydie.
“Abangan niyo po, first quarter next year ipapalabas na siya,” sabi ni Maja.
Sa mga sinehan?
“Yun po ang target. But this December 14 I think magkakaroon kami ng private screening para mapanood namin, yes. So exciting!”
Napapanood si Meryll sa Kapamilya teleseryeng The Iron Heart. Pero sa mediacon ni Meryll ay may kinatawan din ang GMA-7 at TV5 bukod sa ABS-CBN. Freelancer ba si Meryll?
Napangiti si Maja, “Nandito lahat ng friends natin. Support lahat ng network. Kasi nga, love love love na!
“Puwede si Ate Meryll kahit saang network, pero siyempre ngayon, nasa Iron Heart siya, so tuluy-tuloy.”
Maayos ang pagpapalakad nina Maja sa Crown Artist Management (CAM) kaya si Meryll na mismo ang lumapit sa kanila at nakipag-meeting para magpa-manage.
“Sobrang grateful lang talaga kami na yun nga po, siguro kasi, talagang inuuna namin kung ano talaga yung gusto, support. As much as possible, support,” sambit ni Maja.
Anu-anong proyekto ang inilatag ng CAM para kay Meryll?
“Marami! Yung mga pa-teaser niya, yung VTR niya dito sa launch niya, umpisa pa lang po yang pasabog na yan,” salaysay ni Maja.
“Deserve na deserve ni Ate Meryl itong pag-welcome because isa siyang de kalibreng aktres.
“Noong nag-meeting kami para maging part siya ng Crown, talagang walang pagdadalawang-isip dahil isang napakagaling na aktres, paano mo tatanggihan?
“At yung time niya, eto na talaga yun. Kaya yung welcome to 40, kasi nga life begins at 40. At eto na yun talaga. Bawal na siyang umatras kasi nasuotan na siya ng korona.
“Parang hindi pa nga siya sanay, pag-welcome namin, 'Welcome, Queen!' Parang, ‘Aaayyy!!!’ So ganun talaga, minsan ike-claim mo.
“At saka walang pwedeng magtaas ng kilay because Crown Artist Management New Queen namin siya.”
Anong support ang maibibigay ng CAM sakaling sumabak na si Meryll sa pagdidirek ng pelikula?
Read: Meryll Soriano turning 40 finally fulfills dream to be film director
“Full support siyempre ang Crown Artist Management. Kami naman, sa lahat po ng aming artists — artist yung pinaka-may last say,” pagmamatuwid ni Maja.
“Because kung ano ang dreams nila, kung ano pa yung gusto nilang maabot, nandiyan kami to support. So iga-guide namin.
“Lahat gagawin namin para makamit yung mga dreams na yun at matupad yung mga dreams na yun. So 100 percent na suportahan, yun ang maaasahan nila lagi sa amin.”