Wednesday at Bullet Train, nangunguna sa Netflix Philippines

by PEP Troika
Dec 13, 2022
wednesday bullet train netflix
Wednesday starring Jenna Ortega (left) and Bullet Train featuring Brad Pitt (right) are currently the most watched TV show and movie, respectively, on Netflix Philippines.

JERRY OLEA

Noong Disyembre 9, 2022, Biyernes, nag-umpisang mag-streaming sa Netflix Philippines ang First Lady.

Hanggang ngayon ay hindi pa pumapasok sa talaan ng Top 10 TV shows ang naturang Kapuso primetime series ni Sanya Lopez.

Samantalang ang South Korean fantasy series na Alchemy of Souls na naglabas ng bagong episodes noong Disyembre 10 at 11, Sabado at Linggo ng gabi… pumuwesto na sa number 2.

alchemy of souls

Nananatiling nangunguna ang Wednesday.

Take note na noong Nobyembre 23 pa nag-streaming ang supernatural dark comedy series ni Jenny Ortega, kung saan apat sa walong episodes ay idinirek ni Tim Burton — maski itanong pa ninyo kay Thing.

Isa na lamang ang Pinoy series sa Top 10 TV shows ng Netflix Philippines, walang iba kundi ang KathNiel series na 2 Good 2 Be True na nasa pangwalong puwesto.

Ang iba pang serye sa Top 10 ay Money Heist: Korea — Joint Economic Area (3), Under the Queen’s Umbrella (4), Lookism (5), Spy x Family (6), Harry & Meghan (7), First Love (9), at Parasyte (10).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Top 10 Movies, nanguna ang nakakaaliw na Bullet Train ni Brad Pitt. Noong Agosto 10 ito ipinalabas sa mga sinehan ng lupang hinirang, at noong Disyembre 10, Linggo ay streaming na ito sa Netflix Philippines.

Pumangalawa ang Guillermo del Toro’s Pinocchio, na noong Disyembre 9, Biyernes, nag-umpisa ang streaming.

Ligwak na sa Top 10 Movies ang nakakahikab na Slumberland ni Jason Momoa.

Isa lamang ang pelikulang Pinoy sa Top 10 Movies, ang Hihintayin Kita Sa Langit na nasa ikasiyam na puwesto.

Ang Hihintayin Kita Sa Langit ay pinagbidahan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta, sa direksiyon ni Carlos Siguion-Reyna. Noong 1991 pa ito ipinalabas, at nasa cast din nito sina Eric Quizon, Jackie Lou Blanco, Michael de Mesa, at Vangie Labalan.

hihintayin kita sa langit

Ang iba pang pelikula sa Top 10 Movies in the Philippines Today ay Troll (3), Shooter (4), A Bad Moms Christmas (5), Lady Chatterley’s Lover (6), My Name is Vendetta (7), The Wolfman (8), at Good Will Hunting (10).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Maganda ang insight na mula nang magka-COVID pandemic, tinangkang kunin at hikayatin ng Netflix ang displaced supporters ng TV. Kaya’t understandable na hindi sila magsu-swing sa other extreme ng programming, and swing towards the super progressive indie outputs.

Instead, they have tried featuring the pre-pandemic rom-coms na okay sa streaming, pero medyo mahina na sa sinehan.

Anyare na? Gusto ko talagang pag-aralan ang switch ng audience preference sa iba’t ibang platforms.

But thank you pa rin sa Netflix for featuring good quality productions.

Challenge ito sa atin na pagbutihin pang mag-appeal sa broader audience. Paano kaya?

GORGY RULA

Ang dami pa ring nahuhumaling sa Wednesday, at ang daming naaaliw na netizens na ginaya ang dance steps ng bidang si Jenna Ortega at ipinu-post sa Tiktok.

Pati ang non-showbiz dyowa ng isang sikat balladeer ay naka-pigtail na ang ayos ng buhok dahil sa naging fan na siya bigla ni Wednesday.

Okay lang kung hindi sumampa sa top ten trending ang First Lady. Ang curious ako ay kung raratsada ang Maria Clara at Ibarra kapag nasa Netflix na ito.

Pero hindi lang naman sa Netflix. Sa Prime Video ay marami ring Pinoy films na subukan nating panoorin.

Nandoon na ang MMFF 2021 movies na Kun Maupay Man It Panahon at ang Big Night.

Interesting ding panoorin ang Greed nina Nadine Lustre at Diego Loyzaga, at ang Neo Manila ni Direk Mikhael Red.

Subukan din nating panoorin sa ibang streaming app kagaya nitong sa Prime Video. Hindi lang sa Netflix na kapag di type ni Joey de Leon ang napapanood niya, tinatawag niyang “NgetFlix.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wednesday starring Jenna Ortega (left) and Bullet Train featuring Brad Pitt (right) are currently the most watched TV show and movie, respectively, on Netflix Philippines.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results